Kabanata XVl

9 1 0
                                    

Dalawang update for todayyy! ♡

CONGRATS TO AE AND DD!



Yedda

"How should I do this?" Tanong ko sa sarili ko habang nagpaparikit ng apoy. Inutusan kasi ako ni Manang na magluto ng Tinola dahil may gagawin pa daw sya. Si Agata naman ay nasa pagamutan parin, nagpapahinga.

Pinaapoy ko yung isang panggatong gamit ang hawak kong kandila. Nang magkaroon yun ng apoy inilagay ko na iyon sa mga uling, sa ilalim ng lutuan.

And finally, nag apoy na! Pinaypayan ko iyon para mas lalong lumakas. Atsaka inilagay na ang manok na papalambutin muna. Syepmre ginisa ko muna yung mga kailangang igisa.

Good thing, I knew how to cook Tinola.

Nagintay ako ng halos kinse minutos bago iyon lumambot. At inilagay na ang hiniwang papaya.

And then, done! Hihintayin nalang lumambot yung mga papaya. Naupo muna ako sa bangko'ng nasa tabi ko at pinaypayan ang aking sarili. Whoo. Pinagpawisan ako dun.

After several minutes, malambot na ang papaya kaya sinunod ko na ang mga pinira-pirasong dahon ng malunggay. Pinatay ko na yon at hinango saka inilagay sa isang malaking mangkok, yung may takip.

Kumain muna ako bago pumunta sa ospital. May mga gubak gubak na daan patungo doon kaya buti nalang at may takip itong mangkok kundi ay nagkandatapon na to.

Sina Nay Solidad ay may dala'ng mga kubyertos at kanin. May ginawa rin silang minatamis na saba at buko.

Balak kasi naming magpicnic ngayon sa labas ng munting opistal. Sa labas kasi ay magandang puwesto. Syempre alangan namang sa loob diba?

May dala rin silang tela na pampatong. Nakakalakad na naman si Agata kaya hindi na sila nahirapang dalhin sya sa labas. Maaliwas ang pahanon, tamang tama para sa munting okasyon.

Inilatag na nila ang tela at sunod naman ang mga pagkain at mga kubyertos.


"Amen" pagkatapos naming magdasal ay nagsimula na kaming kumain. Kwentuhan dito, tawanan doon. Ansaya pala nang may ganitong pamilya.

Kung sa bahay kasi, tuwing kakain madalas si Manang lang ang kasama ko. Minsan ko lang maasabay sila Dad. Si Ate always lakwatya.

"Nga pala, Ija" tawag sakin ni Nay Solidad. "Kapag kayo'y ikakasal na ni Ginoong Sebastian Agincillo, kami'y imbitahan mo" magiliw nyang sabi at tumawa ng mahinhin.

Bakit ba puro nalang kasal? Bata bata pa namin. Atsaka.... Kung maikakasal kami, paano sya kapag umalis nako?

"Syempre naman po Nay Solidad hehe"

Napadako ang tingin ko kay Edong. Nandyan pala sya, hindi ko napansin.
Ginawaran ko sya ng isang tipid na ngiti.

Natapos naming ang aming tanghalian/picnic ng masaya. Pinuri rin nila ang niluto kong tinola. Pwede na daw akong magasawa. The heck. Pero kung si Sebatian naman ang hubby ko, pwedeng pwede.

I wish we can marry. I wish we can build a one big happy family. I wish I can stay here forever. I wish we can loved each other until eternity.

-

Matapos ang halos limang araw na pagpapahinga ni Agata sa ospital ay umuwi na rin sya. Gusto ng mga magulang nya na sa kanila na muna sya pero tumanggi si Agata.

Pero hindi ko muna sya pinapagawa ng mga bagay bagay para mas lalo syang lumakas.

Dahil walang magawa. Ginuhit ko nalang si Sebastian. Ginawan ko sya ng isang portrait na gabi ko na natapos. Napakadetails ng portrait na to. Binagay ko talaga ang lahat ng makakaya ko. Kaya sa tingin ko, ito yung pinakamaganda kong naiguhit so far. Buti nalang at saulo ko na ang mukha ni Seb.

A Love That Sealed For Eternity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon