Sorry vis, busy lang sa school. As in sobra. Nakakamatay :<Yedda
Masaya ang lahat ng mamamayanan dito sa bayan ng Malipayon. Pagkatapos ng pasko, syempre bagong taon.
Kasalukuyan kaming naandito sa plaza, nakasagbit ang kamay ko sa braso ni Seb. Dito namin napagpasiyahang hintayin sumapit ang pagsapit ng taong 1889. Marami ring nandito, nagiintay rin.
Parehas kaming nakasuot ng damit na may mahabang manggas sapagkat malamig ang simoy ng hangin.
"Sampu! Siyam! Walo! Pito! Anim! Lima!... Apat!! Tatlooo!! Dalawa!!... Isa!!!!. Maligayang bagong taon!" Masayang sigaw ng lahat. Pagkatapos na pagkatapos ng countdown ay nagsiputukan na ang magagandang fire works sa kalangitan. Mas napaganda pa dahil sa milyon milyong bituin na nagkikislapan, animo'y nakikipagsabay sa putukan ng fire works.
I kissed the love of my life. I wish I can capture this moment. Kissing while the fire works are blowing up in th sky? So romantic.
Dahil sa kani-kanilang bahay sina Manang at Agata nagdiwang ng bagong taon, kila Seb ako nakipagdiwang ngayon.
Masaya kaming nagkwekwentuhan habang nagm-mega noche. I suddenly miss my family. Mom, Dad, and of course, my ate.
"Marami pang biyaya para sa ating pamilya at para sa bayan ng malipayon ngayong bagong taon!" Maligayang wika ni Itay at nagsipataasan kami ng mga wine glasses namin at nag-cheers.
Pinayagan nila kaming sa kwarto nalang ni Seb matulog. May tiwala naman daw sila.
Pinahiram ako ni Inay ng pantulog na hindi nya pa nagagamit. Malugod ko iyong tinanggap at naghilamos na saka nagtungo kay Seb, na ngayo'y nagaayos ng higaan.
Niyakap ko sya patalikod. "I love you Seb. Happy new year"
"Feliz navidad consuello mi amor (I love you more, my love. Happy new year." Aniya at iniharap ako sa kanya.
"Matulog na tayo"
Gaya ng dati, hinalikan nya muna ako sa noo bago ipikit ang aming mata. Lumipas ang ilang sandali at tuluyan na akong nakatulog sa bisig nya...
"Maligayang bagong taon, kaibigan!" Bati ko sa 'kaniya' nang makita ko sya sa hardin ng hacienda ng mga agoncillo. "Kamusta ang pagdiriwang ninyo kahapon?"
Ngumiti sya ng wagas. "Maayos at masaya naming naidaraos, binibini!"
"I see, that's very nice! Ang gwapo mo ngayon ah?" Puna ko sa kanya at tumawa. Lagi naman syang gwapo.
"Salamat, binibini."
Nang makauwi ako sa bahay, naabutan ko sa sala si Edong at Gateng na naguusap. Napatayo sila ng makita ako.
"Kamusta ang iyong bagong taon, 'ate' ?" Masayang tanong ni Agata. Ngitian ko muna si Edong bago sumagot.
"Masaya. Sobra. Yung sa inyo?" Tanong ko naman.
"Masaya rin po kahit simple lang ang aming pagdiriwang" niyakap ko sya ng mahigpit. Agata, ang pangatlo kong kapatid. Hindi man kita kadugo pero ituturing parin kita bilang bunso kong kapatid.
"Binibini, maari ba tayong mag-usap?" Si Edong. Ngumuso muna ako at tumango. Naglakad ako patungo sa hardin at naupo sa kahoy na duyan. Sya naman ay sa mahabang upuan.
"Kamusta ka Edong?" Tanong ko sa kanya. Ang huli naming paguusap ay nung isang buwan pa yata.
"Ganoon parin, binibini. Labis paring nagdadalamhati sapagkat ika'y hindi naging akin" inirapan ko sya.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Fiksi Sejarah"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.