Zup vivis. Keep on supporting lang. Lapit naaa.
Yedda
Isang linggo na ang nakakalipas. Wala masyadong nangyaring importante sa loob ng mga araw na yan. Maliban sa isa. Nung isang araw, tanghaling tapat ay lumabas kami ni Agata para bumili ng kung ano. Nang mapadaan kami sa plaza, maraming tao. Parang may tinitingnan, napatingin din kami.
Parehas kaming nagulat sa nakita namin. Putol na ulo nina Mang Berting at Aling Tanya na nakasabit sa dawalang bakal na mataba at makapal. May nakasulat pang karatula na 'Kami ay magnanakaw. Pakiusap. Wag tularan'.
Bakas sa mukha ng mga natingin ay takot at lungkot. Napatingin ako kay Agata na ngayo'y umiiyak na pala. Kilala rin nya ba tong mag asawa?
"Agata" tawag ko sa kanya at niyakap sya. I real limproved a lot. Hinangod hangod ko ang likod nya. Hindi ako magaling magconfort ng isang tao. Hindi ko nga yon ginagawa.
"Mabubuti silang tao, a-ate" Ate. Nakakataba ng puso. "Hindi sila magnanakaw. Kilala k-ko sila, mabait ang mag asawang iyon at bukal ang mga puso"
I know, Agata. Halata naman sa mga mukha nila. I suddenly feel sorry about them. They don't deserve to die like that, NO! No one deserves that. Pati narin itong pagputol ng mga ulo nila at pagsabit. I should've done something ng masaksikan ang pangyayaring iyon. I'm useless.
-
Kasalukuyan kaming nasa hardin ng bahay ngayon. Kakatapos lang naming magtanghalian at nagliligpit na si Manang. Magakatabi kami sa kahoy na duyan ni Agata habang kumakain ng minatamis na saba.
*BANG! BANG! BANG!*
Napayuko kaming dalawa ni Agata sa magkakasunod na malalakas na putok ng baril.
"NANGGUGULO ANG MGA REBELDE MULA SA KABILANG BAYAN!! MAGSITAKBO KAYO" malakas na sigaw ng boses lalaki.
"B-binibini? Anong gagawin natin?" Batid ko malapit lang sa amin ang kaguluhan dahil rinig na rinig namin ang mga sigawan at putukan.
Takot na takot na ngayon si Agata. Akmang yayakapin ko na sya ngunit bigla nalang syang tumayo at tumakbo.
"Agata! Bumalik ka! Delikado!" Sigaw ko sa kanya pero parang wala syang naririnig. Hanggang sa.....
*BANG!*
"AGATA!" Malakas na sigaw ko. Napaiyak din ako ng makitang napahiga sa sahig si Agata dahil sa pagtama ng bala sa bandang tiyan nya. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap sya.
"Agata!"
Patuloy lang ang pag iyak ko kahit ang ingat ng paligid at talagang nagkakagulo na.
Napatingin ako sa paligid. Naghahanap ng pwede hingian ng tulong.
Kitang kita ko kung paano pagsasakin ng mga madudungis na rebelde ang mga guwardya sibil gamit ang mga handmade nilang armas. Kitang kita ko rin kung paano sila pagbabarilin ng ibang guwardya sibil at mapahiga sa lupa.
Wala silang laban sa mga guwardya sibil. Mga baril ang gamit nila habang kanila naman ay pawang kutsilyo at itak lamang.
So ganito pala ang mga nararanansan ng halos lahat ng Pilipino tuwing sila ay magaaklas? Wala manlang silang magagandang armas na panlaban.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.