Kabanata XVll

5 0 0
                                    

you know what sucks being a writer? when no one appreciate your work :)

Yedda

"Sebastian, paalam. Mahal na mahal kita" lumuluha kong paalam ka Seb ngunit pinipilit ko paring ngumiti. "Pangako, hinding hindi kita malilimutan."

Akmang lalapit sakin si Seb pero agad akong umatras. "Paalam" pakiramdam ko ay parang hinihigop ang katawan ko. "Mahal kita"

Lumuhod si Sebastian habang rumaragasa ang walang tigil na mga luha sa kanyang pisngi. "Wag, binibini. Wag mo akong iwan. Wag mo akong iwan, sinta. Hindi ko makakaya"

Dahil sa itsura nya ngayon parang gusto ko tuloy syang yakapin.

"Sebastian/Yedda!" Sabay naming sigaw nang unti unti ng naglalaho ang katawan ko. Hanggang sa maging kulay itim na ang lahat.



Nagising ako bandang mga madaling araw dahil sa isang bangungot. Basa rin ang pisnge ko sa pinaghalong luha, pawis at laway.

Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang kumot. Pakiramdam ko parang sinasaksak ngayon ang aking dibdib gamit ang milyon milyong karayom, naninikip ito.

Pinilit ko ang sarili kong makatulog muli ngunit ayaw kaya sumilip nalang ako sa bintana ang pinagmasdan ang mga nagkikislapang bituin at buwan na tila ba'y nakangiti sa akin.

'Wag mag-alala kung nahihirapan ka.

Halika na sumama ka.

Pagmasdan ang mga tala'


"Binibini. Mukhang hindi ka nakatulog na maayos ah" puna sakin ni Agata ng makita nya ako.

"Wala to" Mahina at walang emosyon kong sabi. Nasasaktan parin dahil sa bangungot na iyon.

"Po?" Takang tanong nya.

Umiling ako at ngumiti nalang sa kanya saka nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.

"Agata, san ba pwede ritong magpagawa ng gitara?" Tanong ko sa kay Gateng matapos naming magagahan.

"Kay Ginoong Erman po, sa may bayan" sagot nya.

"Pwede mo ba kong samahan?"

"Sige po binibini! Walang problema." Nakangiti nyang usal.

Nag ayos muna ako bago kami tuluyang umalis. Mabilis kaming nakarating sa sinasabi ni Agata.

Para iyong isang shop, na gawa sa purong kahoy lang. Pumasok na kami don at sumalubong samin ang mga lumang klase ng gitara na nakasabit sa dingding.

"Magandang umaga, Ginoong Erman" magalang na bati ni Agata dun sa lalaking may mahabang balbas at may katabaan. Mukha syang may lahing aso este Amerikano.

"How may I help you, Young Ladys?" Kaswal nitong sagot. British Accent pa. For the first time, may narinig akong nagsalita ng English sa panahong ito.

Siniko ako ni Agata. Right, hindi sya marunong mag English.

"Goodmorning Mister. We are here to asked you, if you can make a guitar for me."

Halata sa mukha nya ang gulat na napalitan rin ng malapad na ngiti. "That was unexpecting, Lady. And, about your request.... Of course I can make a guitar for you."

"Thank you"

Pinagusapan namin ang magiging disenyo ng gitara. Iginuhit ko nalang iyon para mas madali tutal marunong naman ako. Isang ukulele ang pinagawa ko.

"Come back here at my shop after 1 week, Ms. Yedda. Your guitar is finished on that day"

Tumango ako. "Okay, Mister. "

A Love That Sealed For Eternity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon