Yedda.
Dumaan ang hulyo, dumating naman ang Agosto at ang masasabi ko lang malapit na talaga.
"Nay Consetta, may ataul po ba tayo dyan?" Sigaw ko ng makababa ako. "Nay Consetta!"
Bumukas ang pinto sa harapan. Ang taong hinahanap ko. "Bakit ija? May kailangan ka ba?"
"Meron po ba tayong ataul?"
Pinunasan nya ang pawis sa mukha. "Meron yata, ija. Kailangan mo ba?"
"Opo"
"Hintayin mo ako riyan at aking kukunin sa bakuran" tumango ako.
Maya maya ay bumalik si Nay dala dala ang malaking ataul. Agad ko iyong kinuha. "Salamat, Nay!" Umakyat na ako sa kwarto ko at pinunasan yung ataul kasi may kaunting dumi.
Nang malinisan, maingat kong pinagtatanggal yung mga artworks ko sa dingding para hindi mapunit. Medyo natagalan kasi medyo madami, medyo lang naman.
Napangiti ako ng tignan isa isa saka inilagay sa loob ng ataul. Isinunod ko ang mga art materials ko saka ang paborito kong baro't saya at sapatos.
Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa to. Umaasa lang naman ako na baka pwede itong madala sa pag-alis ko. Wala namang mawawala kung gagawin ko to.
Dumaan pa ang mga araw at mas lalo ko pang sinulit ang mga oras na nandito ako, kasama ang pinakamamahal ko.
Napagsiyahan kong sabihin kay Seb ang tungkol sakin, tungkol sa pagpunta ko dito, na hindi mula sa panahong ito kundi ay sa mundong kasalukuyan.
Ngunit hindi ko yata kayang sabihin sa personal. Natatakot rin ako na baka hindi nya ako paniwalaan. Kaya sa sulat ko nalang idadaan.
Napa-buntong hininga ako kasabay ng pagluha. Nitong mga nagdaang araw, kusa nalang bumubuhos ang mga luha ko, napapadalas rin ang pagkirot ng puso ko.
Tumingin ako sa kalendaryo, August 10 na. Pitong araw nalang at kaarawan ko na, pagkatapos dalawang araw at tuluyan na akong aalis.
Lalo akong napahagulgol.
"Lola Cora, pwede bang dito nalang ako habangbuhay?"
"Seb. Maganda ba yung Carmen na bali ay papakasalan mo?"
Nagtataka nya akong tiningnan. "Oo. Ngunit ikaw parin ang pinakamaganda, sinta" ngumiwi ako.
"Mabait ba siya?"
Damn. Ang sakit.
"Interesado ka ba tungkol sa kaniya, sinta?"
"Sagutin mo nalang!" Para sayo naman to.
Bagaman naguguluhan sumagot parin sya. "Mabait sya, mahal ko. Ngunit hindi ko pa naman siya lubos na kilala para lang masabing tunay syang mabait." edi ako nalang, habangbuhay.
"Ano---uhmm. May posibilidad bang magmahal ka ng iba?" Diba wala?
Ang sakit sakit. Tangina! Ayoko ng ganito.
"Ano bang klaseng ng mga tanong iyan, sinta? Wala. Wala, sinta ko. Wala kahit isang porsyentong posibilidad na magmahal ako ng iba. Ikaw lang, ikaw lang ang aking mamahalin hanggang ako mangapos na sa paghinga" yumakap ako sa kanya ng biglang bumuhos ang mga luha ko.
"K-kasi---"
"Kung ang halik ay tubig, ibibigay ko sayo ang karagatan" pagputol nya sa sasabihin ko.
Deym!
"Kung ang yakap ay dahon, bibigyan kita ng puno."
"Pero kung ang pag-ibig ay oras, bibigyan kita ng habang buhay. Mahal na mahal kita, aking sinta" aniya at hinalikan ako.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.