Yedda
"Labis kaming nanabik na makita kang muli Gateng. Salamat at tinupad mo ang iyong pangako na uuwi ka sa kaarawan ni Liong" ani nung tatay yata nila. And then, nagyakapan na silang lahat. Hindi ko sila masisi kung ganyan sila, dahil simula nung magtrabaho sakin si Agata ay hindi na sya umuwi although pinapayagan ko naman sya. Malayo daw kasi at totoo naman iyon.
Hello people. Nandito rin ako.
"Gateng, may kasama ka pala" ani nung nanay nya matapos nilang magyakapan.
"Opo nay. Si Binibining Yedda po, ang aking pinaglilingkuran mula sa bansang pransiya" si Agata. Ngumiti sakin yung nanay nila, nginitian ko nalang din.
"Salamat sa magandang pakikitungo nyo sa aking anak, Señorita"
?
"Yedda nalang po"
"O-o sige. Ako nga pala ang nanay ni Gateng. Tawagin mo nalang akong Nay Solidad" pagpapakilala nya. "Iyon naman ang aking kabiyak, maari mo syang tawaging Tay Ensiong" tumango nalang ako.
"O sige. Mag kwentuhan muna kayo riyan. Tatapusin ko lang ang niluluto ko" aniya nya bago umalis.
Bali kami nalang dito ni Agata, kasama ang isang lalaking kaedadan ko lang o mas bata matanda sakin ng tatlong taon at isang babaeng parang panganay nila.
"Binibini, nga pala. Sya ang aking ate, panganay namin" turo nya dun sa babae. Sabi ko na eh."Si Ate Malaya..... Ate sya naman si Binibining Yedda" ngitian ko sya.
"Ikinagagalak kong ika'y makilaka, Binibini. Napakaganda mong dalaga. Nais pa sana kita makausap ngunit kailangan ako ngayon sa kusina. Mauuna na ako" aniya bago umalis. Ang ganda din nya. Kamukhang kamukha nya si Agata.
"At binibini, ang aking kuya... Si kuya Eduardo" turo nya naman dun sa lalaking kaedadan ko lang na kanina pa walang imik simula nung dumating kami.
"E-edong nalang. Ikinagagalak kong m-makilala ka Binibini" wika nya. Akala ko pipe eh.
"Ano ka ba kuya edong, wag kang mautal. Hindi nangangain ang Binibini" ani Agata at humagalpak ng tawa. Kahit kailan talaga tong si Agata tsk tsk.
"Napakaganda kasi ng binibini" sambit ni Edong ba yun. Nginitian ko nalang sya. Alam ko na yun.
"Naku kuya wag kanang umasa. May Ginoong Sebastian Agoncillo na yan" si Yedda.
"Si Senyor Sebastian?........ A-ahhh ganoon ba Gateng?" nanghihinayang nyang wika para mapatawa ako.
"Anong nakakatawa binibini?" Tanong ni Agata. Umiling iling ako.
"Wala, wala. Nadala lang"
Dapit hapon na nang simula na ang munting selebrasyon. Nakahain na ang mga handang pagkain sa mesa at mga plato't kutsara.
"Maligayang kaarawaan.... Maligayang kaarawan. Maligayang Maligaya. Maligayang Kaarawan. Maligayang kaarawan Emilio!!!!" masayang kanta namin ngayon sa may kaarawan na si Emilio o Liong. 7 years old na sya ngayon at sobrangggg sobrang cute nya. Nakakapangigil.
Matapos namin syang kantahan ay nagsimula na kaming kumain. Pinaglagyan ako ni Nay Solidad ng pagkain sa plato, na pancit, inihaw na manok, kanin at adobong atay ang laman.
Nang dahil sa gutom ay mabilis ko iyong natapos. May iba ding bisita sila ngayon, mga kaibigan ni Liong, Tay Cargosin at Edong..
Si Abelardo, isa sa nga pinsan nila Agata ay tinanong ako kung pwede ba daw manligaw. Nahulog daw kasi agad ang loob nya sakin nung una nya akong masulyapan. Labis syang nalungkot at nadismaya ng sabihin ni Edong na kasintahan na ako ni Seb.
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.