Kabanata XXII

15 0 0
                                    

Yedda

"What kind of grades are these, Yedda!!?" Napapikit ako ng mariin sa malakas na sigaw ni Daddy sa mismong mukha ko, kasabay ng pagbato ng report card sakin.

Sanay nako, lagi namang ganito kaya hindi ko na magawang umiyak pa.

"Speak!!" Sa likod ni Dad ay si Mom na pinapakalma sya, habang sa gilid naman ay si Yeska na mukhang masaya. Ngingisi-ngisi kasi. Bitch as always.

"Hon, calm down" si Mom na patuloy parin sa pagpapakalma sa ngayong nanggagalaiting si Dad.

Alam ko na ang magiging daloy ng panenermon nato.

"Bakit ba hindi mo magawang gayahin ang Ate Yeska mo! Look at her!" Itinuro nya si Yeska.

"Laging 1 sa ranking, lahat ng grado matataas! Yan ang tularan mo imbes na magpapantasya ka ng mga kaedadan mong lalaki!" He's always comparing me to Yeska. Lagi naman. Paborito kasi nya. Nakakatawa dahil, hindi naman ganon kababa ng mga grades ko, sadyang sobrang taas lang nung kay Yeska.

"Tss" mahina akong napahagisgis.

"Your always disappointing me! San ka ba nagmana at napakabobita mo!?"

I'm so numb to feel the pain.

Pinulot ko ang report card ko. "Hindi pa ba kayo nagsasawa dad? Lagi nyo akong sinesermonan pero may nangyayari ba? Wala naman diba? Hirap kasi sa inyo, gusto nyo lagi lahat ng ginagawa ko kailangang laging perpekto. Bakit, dad? Perpekto ka ba? Hindi ka nakakagawa ng pagkakamali?" Pinagmasdan ko ang laman ng report card ko. "Hindi naman mababa ang grades ko ah? Anong pinoproblema nyo? Dahil ba hindi ko na naman napantayan yung kay... Yeska? Sorry naman, dad ah? Hindi naman kasi ako perpektong tulad nya----"

*PAK*

"Eliseo!" Pag-sigaw ni Mom.

Halos mamanhid ang kaliwang pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal ni Dad. Ngumiwi ako.

"Kailan ka pa naging bastos, Yedda?! Umalis ka nga sa harapan ko bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko!" And with that, tumalikod na ako at umakyat sa kwarto. Hindi na ako nagabala pang tingnan ang mga reaksyon nila.





High school ko ng mangyari yan. Matagal ko naring kinalimutan sapagkat hindi ako mahilig umalala ng mga ganyang memorya. Matagal na akong nakamoved on sa pangyayaring yan.

         

"Seb akyat tayo ng puno" yaya ko sa kanya at isinabit ang kamay ko sa braso nya.

"Marunong ka bang umakyat ng puno, sinta?" Tanong nya.

"Oo naman" agap kong sagot at napaisip. Marunong nga ba ako? Shit. Hindi ko alam. Naranasan ko ng umakyat dati ng puno noong grade 6 ako pero sobrang baba lang non.

"Sigurado ka ba, sinta?" Pagkukumpirna nya at tumango lang ako.

Isang malago at malaking puno ng mahogany ang napili naming akyatin. Napalunok ako.

"Seb ayoko na palang umakyat ng puno. Ano nalang... Uhm.. " hinila ko sya papalayo don. "Mag make love nalang tayo" pagbibiro ko kahit hindi naman nya maiintindihan.

"Ano kamo, sinta?"

I fake a laugh "Wala. Tara na nga"

Sa ilog kami nagtungo. Sumakay pa kami ng calesa dahil bahagyang may kalayuan.

Malinaw ang kulay ng ilog, kumikislap kapag natatamaaan ng sinag ng araw. May dalawang parte ito, ang isa ay labahan at ang isa naman ay liguan.

A Love That Sealed For Eternity (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon