Happy July 1,mga peeps!
Yedda
Pangiti ngiti at pakanta kanta ako habang kumakain ng almusal. Napaka super ganda ng gising ko ngayon. Una ba namang bumungad sakin pagmulat ng mga mata ko ay nakangiting mukha ng SEB KO sa kisame.
"Mukhang napakaganda ng gising mo ngayon, Binibini ah" puna ni Agata. Hehe masyado ba akong obvious?
"Medyo lang"
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Habang ako ay pangiti ngiti parin. Nakakabaliw.
Pagkatapos naming mag almusal ay tinulungan ko si Agatang magdilig ng mga halaman sa hardin.
" Aking sintaaa, ikaw na ang tahanan at mundoo. Sa pagbalik, mananataling nasa piling mo. Mundo'y magiging ikaw" kanta ko pa habang nagdidilig.
"Bakit ansaya mo yata ngayon binibini?" maya maya'y tanong ni Agata. Naupo muna kami sa duyan.
Hays. Ikuwento ko na nga lang tutal para ko na naman syang kapatid. "Ganito kasi yun, Agatanga. Blablalblabla ang dyosa ni author ganern ganern" pagkwento ko sa kanya lahat ng pangyayari pwera nalang yung sa halikan.
At eto sya ngayon halos mamatay sa kilig. Maharot talaga.
"Talaga binibiniiii?!" sigaw na naman nya.
"Maghunos dili ka nga Agata" giit ko. Wow hunos dili? San ko nalaman yun?
"Patawad binibini ngunit hindi ko lang maiwasan" aniya at nagpatuloy kiligin.
Napangiwi nalang ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.
Matapos non ay sa kwarto nako demeretso at nagpinta.
GABI na at kasalukuyan kami ngayong nag hahapunan. After kong kumain bumalik na ulit ako sa kwarto at nagpunta sa balkonahe.
Humawak ako sa railings ng balkonahe at pumikit. Nasa ganoon akong sitwasyon ng may marinig akong strums ng gitara sa baba. Agad akong napatingin don at laking gulat ng may makita akong tatlong lalaki. Yung dalawa ay may hawak na gitara habang ang nasa gitna naman ay parang kakanta.
Napahawak ako sa bibig ko ng mapagtantong si Seb yung nasa gitna habang ang nasan kanan nya ay si Kuya Anastasio at sa kaliwa naman ay ang pesteng Màximo.
Naroon rin si Niña, Agata at Manang Consetta na tuwang tuwa at halatang kikinikig.
Takte. Haharanahin ba ako ni Seb?
Lalo akong napadungaw sa baba. Nagsimula na silang tumugtog.
~Mga ngiti mong kaytamis na nagpabihag sa aking puso~
Napanganga ako ng maring ko ang napakaganda at maginoong boses ni Seb. Damang dama nya ang pag kanta kahit ilang linya palamang iyon.
~Ang iyong mga tawa na ka'y sarap pakinggan na parang musika sa aking mga tainga~
Parang lalo tuloy akong nahuhulog. Nakangiti sya ng matamis habang nakanta.
~Ang kagandahan mong taglay oh binibini ay walang katulad at ako'y nabighani~
Dugdugdugdug
~Ako'y nagpapasalamat na dumating ka sa aking buhay.
Tanggapin mo ang pagmamahal ko para sa iyo oh binibini~
'Mahal kita'
~Pangakong sayo'y bibitawan, mamamahalin ka hanggang sa walang hanggan. Hindi ka sasaktan o iiwanan. Aking ibubuklod ang pagmamahal ko sa iyo magpakailanman.~
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.