Yedda
"Magandang araw, matalik kong kaibigan. Ganoon rin sayo binibing Yedda." bungad samin ni Niña ng makarating kami sa hacienda nila. Yep. Nandito kami ngayon sa hacienda ng Agoncillo.
Niyaya ako dito ni Agata. Gusto ko din naman kaya sumama nako.
Pinasyal nya kami or should I say ako sa buong hacienda. Napakalaki at napakaganda. Halatang nakapayaman nila.
Pagkatapos namin ikutin ang buong loob at labas. Kumain muna kami. Banana que at buko juice ang hinanda samin nung matandang katulong.
Kanina pa kami dito pero hindi ko nakikita si Seb. Wag kayong ano! Hindi ko sya hinahanap.
Naglaro yung magkaibigan sa may hardin. Habang ako nanonood lang habang umiinom ng buko juice na walang katamis tamis. Hindi manlang nilagyan ng konting asukal
-_-
"Binibini, batid naming nababagot kana" ani Niña at Agata ng makalapit sila sakin.
"Hindi naman" simpleng sagot ko.
"Kung kaya't tatawagin ko ang aking kuya Sebastian para may 'makausap' ka" may diing pangaasar ni Niña at tumatawa naman si Agata. Bagay ngang magkaibigan parehas baliw
-_-
"Mag intay kalang binibini'' sabi pa nya bago tuluyang tumakbo papalayo.
"Binibini, may napupusuan kaba?" biglang tanong ni Agata.
Kumunot ang noo ko. "Meron. Sya ang unang pagibig ko pero niloko nya lang ako" mapait kong sagot. Biglang nangang mga luha ko. "Hanggang ngayon hindi ko parin sya makalimutan at hindi parin mawala yung pagmamahal ko para sa kanya kahit sa dulo ay sinaktan nya lang ako" tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko. Hinangod nya ang likod ko, pinapatahan nya ako pero mas lalo lang akong naiyak.
"Nandito na kami!......" masiglang pahayag ni Niña ng makabalik sya kasma si Seb perobigla syang napatigil "Anong nanyari binibini, bakit ka humahangos?"
"Masama ang pakiramdam ng binibini. Salamat sa araw na to Niña at Ginoong Sebastian. Mauuna na po kami. Paalam Niña"
Pagkatapos naming magpasalamat at magpaalam umuwi na kami. Hanggang sa makarating kami sa kwarto ko ay hindi parin ako iniiwan ni Agata.
"Patawad, binibini. Hindi ko intensyon mapaalala sayo ang mapait mong sinapit. Hindi ko sinadsadya binibini" aniya ng makahiga ako sa kama.
"Okay lang yon. Ako dapat ang humingi ng sorry kase imbes na naglalaro kayo ni Niña ngayon eh napauwi agad tayo"
"Patawad talaga binibini. Ayos lang po yun. Sige po lalabas nako, tawagin nyo nalang po ako kapag may kailangan kayo"
Nakatulog nako sa paghikbi. Kinabukasan paggising ko ay tanghali na. Kung kaya't paggising ko ay nakahanda na ang susuotin, pampaligo at almusal ko.
After kong maligo at makapagayos, bumaba nako para mag-agahan.
"Binibini, nais daw po kayong makita ni Ginoong Sebastian, naroon po sya sa naghihintay" ani Agata na kilig na kilig tss. Maharot.
Hindi ko naubos yung almusal ko dahil dali akong pumunta kay Seb. Bakit pa kasi yan nandito? Wala ako sa mood ngayon.
"Maganda ka pa sa umaga, binibini" todong ngiting bati nya ng makita ako. Nababagot ko syang tiningan.
"What are you doing here?" iritado kong tanong kahit na alam kong hindi nya naman yun maiintindihan kase English -_-
"Ano ang iyong sinasabi binibini?"
BINABASA MO ANG
A Love That Sealed For Eternity (Completed)
Historical Fiction"Mundo'y magiging ikaw, Sebastian" Hindi lahat ng kwentong pag-ibig ay kailangan ng masayang pagtatapos..... Story title (in Tagalog): Isang Pag-ibig Na Nabuklod Magpakailanman. Story Inspired by: IV of Spades Mundo.