Kasabay ng paglipas ng panahon,
Kasabay ng paghampas ng malakas na alon,
Ay syang kasabay rin ng pag ahon ko sa kalungkutan ng kahapon.
Sa lahat ng paghuhusga na aking natamo,
Sa lahat ng luhang patuloy pumapatak mula sa mata ko,
Sa lahat ng masasakit na karanasang napagdaan ko,
Nandito parin ako lumalaban sa kabila ng lahat ng ito.
Tinatatanggap ang mapait na katotohanan,
Ngumingiti kahit nasasaktan,
At higit sa lahat lumalaban kahit nasusugatan.
Nasanay na akong naaapakan,
Nasanay na akong panghalili lamang,
Nasanay nakong napapansin lang pag kinakailangan,
At higit sa lahat nasanay na akong nananahimik kahit nasasaktan.
Ngunit lahat ng aking karanasan,
Ay nagsilbing motibasyon upang mayakap ko ang kaginhawaan,
Maramdaman ang salitang kasiyahan,
At maisabuhay ang kalayaan.
Tapos na ang pananatili sa madilim na mundo,
Panahon na upang ako'y mabago,
Magpakatatag sa mga pagsubok at matuto,
Upang hindi na muli magapi o matalo.Masakit ang mahusgahan,
Nakakalungkot ang maging talunan,
Ngunit mas masakit pala ang masugatan.
Yung sugat na natamo ko galing sayo,
Yung sugat na naging marka ng kasalanan mo,
Yung sugat na naging dahilan kung bakit ngayon matatag na ako,
Yung sugat na gumising sa akin mula sa bangungot ng pagkatalo,
Yung sugat na naging dahilan ng aking pagkatuto at pagbabago,
Ay ang sugat na dinulot mo nung panahong sinaktan mo ako.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poetry|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.