FRIENDZONE

1.7K 12 0
                                    

Hindi ko maintindihan,
Kung bakit wala ka sa aking nararamdaman.
Hindi ko maunawaan,
Kung bakit nga ba hindi mo ako magustuhan.

Simula pa lang nung mga bata pa tayo,
Palagi ko nalang tinatago ang nararamdaman ko sayo.
Takot akong magpahayag sayo ng pagkagusto,
Dahil baka masira ang pagkakaibigang ating binuo.
Pamula sa araw na iyon natuto na lang ako makuntento,
Mananatili nalang akong matalik na kaibigan mo,
Tutal ito rin naman ang iyong gusto,
Siguro okay na ako basta't natatanaw ko ang mga ngiti mo.

Maraming ligaya na ang pinagsaluhan natin,
Mga eksenang kay sarap alalahanin.
Ngunit minsan ako'y nasasaktan narin,
Dahil paulit-ulit mong sinasambit sa akin,
Ang mga katagang kaibigan lang ang turingan natin.
Parang dinudurog ang buo kong pagkatao,
Sa tuwing may nabubuong takot sa isip ko.
Paano kapag ako ang nabisto?
Paano kapag nalaman mong ikaw ang aking gusto?

Minsan nga naiinis na ako sayo,
Palagi mo kasi akong binibihag dyan sa tingin mo.
Hindi mo mapansin na ito ang kahinaan ko,
Na sa bawat araw na magkasama tayo,
Mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo.
Hindi naman talaga ako tumigil ng pagmamahal sayo,
Minabuti ko lamang na ito ay itago,
Sapagkat alam ko na ang magiging reaksyon mo,
Ang katotohanang hindi mo ako makikita sa paraan na nais ko.
Palagi nga akong natutuwa sa mga ngiti mo,
Parang sayo pa lang kompleto na ang buhay ko.
Siguro nga ikaw na ang buhay ko.
Ngunit kahit kailan hindi ito magkakatotoo,
Dahil wala naman ako sa kwento na iyong binuo.
Minsan umiiwas na ako sayo,
Nakakaramdam na kasi talaga ako ng pagkatalo,
Dahil palalim ng palalim na ang pagbagsak ko sayo.
Mabuti sana kung ako ay iyong masasalo,
Kaso halata naman na iba ang iyong gusto.

Alam kong ako ang nagdidiin sa pangyayaring ganito,
Hindi naman sa ipinilit ko pero ito ang totoo.
Para akong hinahatak patungo sa landas mo.
Ako ang bumabagtas sa bawat landas na nilalakaran mo,
Hindi ka papayagang masaktan kahit ikaw sinasaktan mo ako.
Oo sinasaktan mo ako ng husto,
Sa paulit-ulit mong pagbibigay ng motibo,
Inaakala kong ako rin ay iyong gusto.
Hinahayaan mo akong mahulog sayo,
Habang ako hirap na hirap na kung paano makakaahon sa kumunoy na ito.
Batid ko nasa loob ako ng laro,
Ikaw ang premyo na inaasam ko,
Ngunit malupit ang kalaban at winawasak ang aking pagkatao,
Winawasak nito ang isip kong kalmado,
Kaya naman hindi ko maiwasang madehado.
Masakit pala ang katotohanang ito,
Masakit rin palang maramdaman na nagmamahal ka ngunit patago.
Pero isang araw hindi ko ito nakaya,
Kung kaya't nararamdaman ay ihahayag kona.
Mabilis akong nagtungo kung saan tayo madalas magpunta,
Umaasang darating ka.
Naghintay ako ng kay tagal para lang sa ganitong eksena,
Kaya sana hindi masayang ang inihanda kong pwersa.
Naglakas loob na akong ipagtapat na,
Ang pagsinta ko sayo na kay tagal ko ng dinadala.
Sa tingin ko ito na ang tamang tyansa,
Kumakapit parin ako sa maliit na pagasa,
Na baka sakaling darating ka.

Hindi naman ako nabigo,
Sapagkat sa ating tambayan tayo muli ay nagkatagpo.
Sa ilalim ng puno ay sabay tayong umupo,
Ramdam kona ang matinding kaba sa aking puso.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa,
Sinabi ko sayo ang tunay na aking nadarama.
Bigla akong napangiti at nakaramdam ng saya,
Sapagkat ang katotohanan ay nailabas kona.
Naipahayag ko ng gusto kita.
Bakas sayong mukha ang labis na kaba,
Siguro hindi mo ito inakala.
Napalitan ng lungkot ang aking mga mata,
Nang sabihin mo ang salitang pasensya,
Sabay yuko at patak ng maiinit na luha.
Hindi ko na napigilang mabalisa,
Nang sabihin mo ulit ang salitang kaibigan lang kita.
Parang gumunaw ang aking mundo,
Nang aking mapagtanto,
Na sa paglipas ng panahon ay hindi mo parin ako gusto.

Ito ang katotohanan na tuluyan akong binago,
Siguro dahil sa sakit na aking natamo,
At dahil sa mga marka na iniwan mo.
Hindi kita masisi sa nangyaring ito,
Dahil alam ko sa sarili kong ako ang may gusto.
Palagi ko paring maaalala ang pangyayaring ito,
Sana hindi ko hinayaan na mundo ko ay gumuho.

Alam ko...
Alam kong sa laro ng pag-ibig ako ang talo.
Sumubok parin kasi ako kahit alam kong delikado.
At sa huli ako ang umuwing hindi panalo,
Sapagkat hindi ko na nga nakuha ang puso mo,
Nasira pa ang pagkakaibigan na ating binuo.

Ako na naman ang bigo.
Ako na naman ang dehado.
Ako ulit ang talo.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon