Matagal tayong nagsalo sa iisang saya,
Dahil matagal tayong nagkasama.
O aking giliw...
Bakit ang hirap mong limutin?
Lahat ng alaala ay sariwa parin,
Patuloy parin nitong pinaiingay ang aking damdamin.
Ating mga halakhak ay patuloy ko paring naririnig,
Ito'y nagsisilbing musika sa aking tinig.
Isang malumanay na himig,
Na sa akin ay patuloy na nagpapaibig.
Ikaw na ang nagsilbi kong daigdig,
Sa mundong puno ng hiwaga na nakakapanginig,
Ikaw lang...
Ang dahilan sa pagsilay ng ngiti sa aking bibig.
O aking giliw...
Bakit hindi kita mapalitan?
Marahil hindi pa rin kita nakakalimutan,
Siguro hindi ko pa dapat ito wakasan.
Hindi ko dapat hayaan.
Na ako'y iyong iwasan.
O aking giliw...
Ako nalang sana ang iyong piliin.
Sa pangalawang pagkakataon ika'y magiging akin,
Sisikaping ligawan ka at araw araw pakiligin.
Ipinapangakong sa akin ay sasaya ka rin.
Gabi-gabi kitang haharanahin,
Bibigyan ng tsokolate't bulaklak na iyong hinihiling.
Sisikapin na sungkitin,
Ang mga maningning na bituin,
Iaalay sayo upang sumaya ang iyong damdamin,
Ikaw muli ay aking paiibigin,
Mapatunayan ko lang sayo na ikaw parin.
Kung sa tingin mo ako'y manloloko,
Pakiusap nagbago na ako,
Nawa ako'y paniwalaan mo.
Inaamin kong noon ako ay natukso,
Siguro dahil nasasakal ako sayo.
Pero mahal sa tagal ng panahon walang nagbago,
Ikaw parin ang tinitibok nitong aking puso.
Ikaw parin ang nagpapatigil ng mundo ko,
Ikaw parin ang dahilan ng pag ngiti ko,
Dahil habang tanaw kita sa malayo,
Naaninag ko ang ganda mo,
Ang ganda at busilak na kalooban ang bumihag sa isang katulad ko.
Isang katulad ko na patuloy paring umaasa sa pagbalik mo.
Kung noon ay nagkamali ako,
Ngayon hindi kona hahayaang maulit pa ito.
Ako na ang hihingi ng tawad at kusang lalayo,
Kapag dumating sa punto,
Na nagkasala ako.
Pero binibini ko...
Hindi kona hahayaang maulit pa ito,
Dahil ngayon iba na ang kaso.
Matinding pagibig na sayo ang sandata ko,
Ipaglalaban ka mula sa mga gustong kumalaban sa lakas ko.
Kahit na wala pa akong palasyo,
Pangakong ikaw lang ang magiging reyna ko.
Kaya mahal kong reyna...
Kung pahihintulutan mo akong sumaya muli,
Maaari bang ituwid ko ang aking pagkakamali?
Ibibigay mona ba sa akin ang iyong tiwala?
Hahayaan mo ba akong makapiling muli?
Handang ka bang sumugal ulit sa akin?
Maaari kana ba ulit maging akin?
Pangako binibini,
Hindi ko sasayangin ang pagkakataon,
Mamahalin na kita ng buong-buo ngayon.
Sana'y sumang-ayon ka sa aking desisyon,
Nais ko lang rin maitama ang pagkakamali ko noon.Hindi kona hahayaang mawala ka ulit.
Kaya sana ay hayaan mo ako,
Na patunayan ulit ang sarili ko sayo.
Itutuwid ko lahat ng aking kasalanan,
Mga ayaw mo ay akin ng iiwasan.
Palagi kitang paglilingkuran,
Pagaaralan kung paano ibibigay sayo ang kasiyahan,
Dadamayan ka maging sa kalungkutan,
Hindi kona hahayaang ika'y masaktan.Sana hindi pa ako huli.
Sana maulit muli.
Ang dating nagbigay sa akin ng ngiti,
Kahit sa huling sandali,
Hayaan sana ako ng tadhana na makapiling kang muli.Sana kapag tayo muli'y nagkita,
Sana kapag nalaman mo ulit na mahal kita,
Sana malaki pa ang tyansa,
Sana sapat pa ang aking pwersa,
Upang atin ulit mapagisa,
Ang mundong kinabibilangan nating dalawa.Sana kapag may pagkakataon pa,
Sana ako'y pagbigyan mo pa.
Sana sa akin ka pa masaya,
Ipinagdarasal kong ako'y iyo pang naalala.Sana hayaan mong ipagpatuloy ang istorya nating dalawa.
Muli nating iguguhit ang tadhana,
Kaya aking sinta...
Ako parin sana.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poetry|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.