Gaano nga ba kasakit ang ikaw ay ipagpalit?
Gaano nga ba kahirap ang mawalan nang kinang ang pangarap?Nang dumating ka sa mundo ko,
Tumigil ang pag ikot nito.
Nang dumating ka sa buhay ko,
Nagkakulay muli ito.
Nakilala kita ng biglaan,
Nakilala kita nang dahil sa aking kaibigan.
Pinakilala ka nya sa akin,
At ito ang dahilan para mahulog sayo ang aking damdamin.
Hindi mapigil ang mabilis na pagpintig ng puso.
Bumibilis ang tibok nito,
Lalo na kapag ikaw ay dadaan sa harap ko.
Simpleng pangiti mo lang maligaya na ako,
Simpleng pagtawag mo pa lang kinikilig na ako,
At lalo na nung ako'y iyong kinausap,
Ang aking isip ay tila lumutang sa alapaap.
Naglakas loob ka para tanungin ako,
Tinanong mo ako kung pede bang maging kabiyak mo.
Dali-dali akong napangiti at sumagot ng 'Oo sinasagot kita kaya tayo na'.
Ngunit napaisip ako bigla,
Tama bang kakakilala ko pa lang sa kanya,
Pero karelasyon kona agad sya.
Tama ba ang aking desisyon?
Mabuti naman kaya ang kanyang intensyon?
Basta bahala na ramdam ko mahal kona sya.Lumipas ang mga oras minuto segundo,
Kasama kita sa paglibot ng mundo.
Nakangiti masayang nagkukwentuhan,
Dahilan para mapatawa ng biglaan.
Masaya ako dahil nakapiling kita,
Ngunit ako'y nagtaka bigla,
Bakit kailangan kasama natin sya?
Ang aking tinutukoy ay ang aking kaibigan,
Ang minsan mo nang nakakapiling.
Isang araw napansin ko nalang na...
Nawawalan kana ng oras para tayo'y magkasama,
Unti unti kong napapansin na lumiligaya ka na sa iba.
Masaya ka sa iba at napakasakit lang na sa kaibigan kopa.Nagkamali yata ako.
Para sa unang pagkakataon,
Hindi pala dapat ako nagpadalos dalos ng desisyon.
Naisip ko mukang ginagamit mo lang ako,
Upang makuha mo muli ang atensyon ng kaibigan ko.
Alam mo kung gaano kasakit?
Yung pakiramdam na nagtiwala ako sayo ngunit ako'y iyong pinagpalit.
Niloko mo ako.
NILOKO NYO AKO.
Malalaman kona lang na may relasyon ka na palang iba,
At mabigat ang sakit dahil sa kaibigan kopa.
Nagpaloko na lang pala ako,
Hindi ko inakalang mangyayari ito,
Hindi ko inakaalang masasaktan mo ako ng ganito,
Pati narin sa kaibigan kong ginamit lang rin pala ako,
Akala ko totoo,
Pero nasa loob lang rin pala ang kulo.Mula ngayon tinatapos kona ang ating ugnayan,
Hindi na dapat nating patagalin ang ganitong kasinungalingan.
Para naman sayo, na itinuring kong kaibigan,
Nawa'y masaya ka dahil ito naman ang iyong kagustuhan.
Manggagamit kayong dalawa,
Isinampit nyo pa ako sa inyong problema.
Tama na ang panlilinlang,
Tapos na ang pagtatago ng kasakiman,
Sapagkat ito'y akin nang nasilayan,
Nakakatakot.
Takot na akong magmahal muli.
Nakakatakot ng sumugal ulit.
Kung saan kayo sasaya,
Hahayaan ko kayo ng dati kong sinisinta.
Sapat na yung sakit para lumaya,
Sapat na yung sakit para ako naman ang maging malaya.
Aalis muna siguro ako pansamantala,
Para mabawasan ang sakit at kayo'y makalimutan kona.
Hahayaan ko muna ang sarili kong sumaya,
Ngunit sa tama at legal na paraan na.
Hahayaan ko muna ang sarili kong makalaya mula sa rehas ng sakit,
Sa lahat ng poot at galit.
Hanggang kailan kaya ako iiyak?
Bahala na basta ang alam ko,
Malaya na ako sayo,
Malaya na ako sa inyo.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poésie|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.