Binibilang ang bawat hakbang ngayong lumalayo ka na,
Nagbabakasakaling ako'y lilingunin mo pa.
Hindi na ba talaga maibabalik?
Ang mga panahon na sa isa't isa tayo'y nasasabik?
Hindi na nga siguro matatanaw muli,
Hindi na mauulit ang sandali,
Ang mga panahon na may lalim pa ang iyong mga ngiti.
Saang parte nga ba ako nagkamali?
Kung kaya't nawalan ka ng rason para manatili?
Pinapaliwanagan at minamahal ka naman palagi,
Ngunit bakit nagawa mo pang sa iba mamili?
Tila ako'y nakaranas ng pighati,
Nadudurog ang puso ko ng pakonti-konti,
Habang natatanaw kita na sa iba na ngumingiti.
Para bang nararamdaman kona ang matinding hapdi,
Nang sinubukan mo ng luwagan ang ating pagkakatali,
Masakit na ang iyong pagalis hindi ko na magawang magkunwari.Umuwi ako ng tila lahat ay nagbago na,
Nasa malayo pa lang ako ngunit ramdam ko na ang iyong pagkabalisa.
Nawalan na ng kinang at sigla ang iyong mga mata,
Ito ang naging ugat ng pagbagsak ng aking mga luha.
Ngayon ko na lang ulit madarama,
Ang lungkot kahit kayakap kita.
May nararamdaman akong kakaiba,
Natatakot ako sa pagsapit ng umaga,
Baka kasi ang kasabay nito'y paglisan mo na.
Tama nga ako ng hinala,
Pinalipas mo nga lang ang gabi bago ka tuluyang kumawala.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa,
Nang magsalita ka na para ka ng mawawala.
Sambit mo sa akin ito na ang huli nating pagkikita,
Ito na ang huling eksenang mayayakap at mahahalikan ka.
Sabay patak ng maiinit na luha,
Mula sa aking mga mata patungo sa gilid ng aking mukha.
Hindi ko na nakayang ikubli ito sa maskara,
Sapagkat ang paglisan mo ang pinakamasakit na pakiramdam na aking nadama.Bakit ka nga ba nag-iba?
Siguro nga mayroon ka ng iba.
Matapos sa akin ay lumipat ka na sa kabila,
Na para bang kay bilis lang sayo na bitawan ang lahat ng aking nagawa.
Napakabilis lang para sayo na limutin ang ating mga alaala.Mas lalo lang nadagdagan ang sakit na aking dinadala,
Nang hindi inaasahang matanaw ang iyong presensya.
Bigla nalang ako nakaramdam ng kaba,
Kasabay ng panghihinayang sa ating pagsasama.
Kaya pala nagawa mo akong iwan ng basta-basta,
Dahil mahalaga nga pala sayo ang iyong kasama.
Nakaramdam agad ako ng galit at poot,
Nang biglang kamay ng babae sa iyong bewang ay pumulupot.
Ito na naman nagbabalik ang salitang takot,
Nang mapagtantong ako lang pala ang asungot.Oo nauna syang dumating kaysa sa akin,
Ngunit di nagtagal siya'y lumisan lang rin.
Ako ang nanatili sa itong piling,
Tinulungan kang umahon mula sa dilim,
Sinubukan kong ikaw ay pasayahin.
Ngunit matapos pala ng sakripisyong sinubukan kong gawin,
Ako pala ay susukuan morin.
Ako pala ay iiwanan morin.
Sobrang sakit pa ng katotohanang sinubukan kong bungkalin,
Dahil ang pagbabalik pala niya ang dahilan kung kaya't pangako mo sa akin ay napako na rin.Sana hinayaan mo akong katotohanan ay alamin,
Sana hinayaan mong malaman ko ang dahilan ng pagkakasira natin.
Kahit ang pagbabalik niya ang maging dahilan,
Tatanggapin ko naman ito ng maluwag sa aking kalooban.
Hahayaan naman kita sa bagay na magbibigay sayo ng kasiyahan,
Kahit kapalit nito sa akin ay matinding kalungkutan,
Ibibigay ko parin sayo ang iyong kalayaan.Pero dapat pagmamahal ko ay iyong sinuklian,
Sana hindi mo ako pinaasa na magagawa mo akong panindigan.
Kung sya ang iyong katwiran,
Wala akong magagawa kundi ikaw ay pabayaan.
Sa totoo lang siya naman ang may karapatan,
Dumating lang talaga ako upang ikaw ay tulungan,
Upang sa pagbalik niya ikaw na muli ay mapapakinabangan.
Hanggang sa ako naman ang unti-unting nalulugmok sa kawalan,
Dahilan nito ang iyong kapabayaan.Sana sinabi mo noong una palang na sya ang hinihintay mo,
Hindi naman talaga ako maghihinanakit kung ito ang magbibigay ngiti sayo.
Sana sinabi mong panghalili lang pala ako,
Sana hindi na ako umasa sayo.Alam kong dama mona ang saya sa iyong pagkatao,
Dahil dumating na ang dating sinisinta mo.
Pero sana kahit saglit ako'y naalala mo,
Dahil ang mundo na minsan ay naging sentro ko,
Ito na ngayon ang dahilan kung bakit hindi na ako buo.
Sana hindi mo hinayaang mahulog ako sayo,
Sana hindi mo pinaramdam na may pagasa tayo.Sana pala hindi na ikaw ang itinuring kong mundo.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poetry|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.