Tila wala akong mahanap na iyong kagaya,
Walang makakapantay sa iyong presensya,
Natatangi ang ngiti at sayang iyong dala-dala,
Ako yata ang tunay na pinagpala,
Dahil natagpuan kona ang sa aki'y maghahatid ng ligaya,
Sapat kana sa akin sinta.
Wala na akong mahihiling pa,
Kung ikaw ay nasa piling kona.
Ang bawat oras mo'y mahalaga,
Kaya wala akong sinasayang na minuto kapag tayo'y magkasama.
Ipinararamdam ko agad sayo ang saya,
Baka sakaling kada segundo ika'y aking mayaya.
Kung ang gusto ko ay paglalaanan,
Kung kahilingan ko'y pagbibigyan,
Ito ay labis kong kasisiyahan,
Sapagkat ikaw lamang naman,
Ang nagpapaliwanag sa mundo kong sinakop na ng kadiliman.
Palagi na kitang masusulyapan,
Madalas na kitang makakakwentuhan,
Palagi kona rin mararamdaman,
Ang ligayang malayo sa ano mang kaguluhan.
Malayo sa mapanghusgang lipunan.
Mga problema ay nalilimutan ng pansamantala,
Sa tuwing kapiling kita.
Ikaw, Ang nagpapagaan ng pakiramdam ko.
Ikaw, Ang nagbibigay kulay sa aking mundo.
Ikaw, Ang nagpapalakas sa buo kong pagkatao.
Ikaw, Ang taong hindi magsasalawahan pagbigayan ang aking gusto.
Kaya naman napaka swerte ko sayo.
Pero ako...
Ako lang ang nakakaramdam ng kahinaan.
Ako'y hindi mangangakong palaging nariyan,
Sapagkat sa sandaling oras nalang,
Lilisan rin ako at ika'y iiwan.
Hindi ko mapipigil ang aking hantungan,
Dahil habang tumatagal lalo ko ng nararamdaman ang kahinaan.
Kaya sana sa kahit maikling panahon nalang,
Magawa mo ang akong alagaan at pahalagahan.
Ito na ang magsisilbi kong huling kahilingan,
Kaya sana hindi mona ako matanggihan.
Gustuhin ko mang manatili sayo ng pangmatagalan,
Gustuhin ko mang palaging nasisilayan ang iyong kasiyahan,
Ngunit hindi maaari dahil malapit na akong magpaalam.
Patindi na ng patindi ang aking karamdaman,
Hindi kona matansya kung hanggang kailan ako mananatili.
Ipangako mo sana sa akin na palagi kang ngingiti,
Ipangako mo sana sa akin na hindi ka dadanas ng pighati,
Huwag ka sanang makaramdam ng pagiging sawi,
Dahil itong ang magpapalungkot sa aking labi,
Sa panahong lumubay na ang ating pagkakatali.
Sa panahong wala na ako sa iyong tabi.
Hindi ako maghahap pa ng iba,
Ikaw lang ang gusto ko hindi sila.
Ang natatanging ikaw,
Ang gusto kong masilayan sa araw araw.
Hanggang sa maikling panahon bago ako pumanaw,
Tanging ikaw lang ang nais kong matanaw.a/n: Don't forget to vote and leave a comment about your insights, thankyou!!
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poetry|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.