Dito sa malupit na mundo,
Hindi ko hahayaang ako'y maloko.Sabi nila maraming nasisira kapag puro lang pagaakala,
Ngunit ako'y hindi naniniwala,
Dahil ako sa kanya ay nagtitiwala.
Walang masisira hangga't malalim ang pangunawa.
Walang magwawakas kung pagibig ninyo ay wagas.Ngunit kahit gaano pala natin pinaghandaan,
Ang mga bagay na ating kinatatakutan,
Darating pala talaga sa puntong hindi tayo magkakaunawaan.
Darating ang oras na susubukin ang ating katatagan.
Ngunit hindi naman ako labis na naaapektuhan,
Sapagkat alam ko ang tama mula sa kamalian,
Ikaw lang talaga ang labis kong pinangangambahan,
Dahil bukod sa taglay mo ang karupukan,
Alam kong madali ka rin matukso at malihis sa katinuan.
Matagal na nating binuo ang aking kalawakan,
Na kung saan tayo ang kauna-unahang tauhan.
Habang ako'y abala kung paano ka protektahan,
Isip mo naman ay nagugulo at pilit sinasakop ng kalaban.
Nangangamba lang talaga ako sa tuwing napapalapit ka sa iba,
Sapagkat pakiramdam ko'y nagtataksil ka sa ating pagsasama.
Pero kahit ganon sinubukan paring kitang maging malaya,
Hinayaan kita sa bagay na sa iyo'y magbibigay saya.
Pero habang natatamasa mo ang ligaya,
Nakakalimutan mong narito pa ako at balisa.
Hindi naman ako magtataka,
Kung hindi ka lang talaga nawawalan ng oras sa ating pagsasama.
Hindi naman talaga ako maghihinala,
Kung talagang sa paningin ko ay tama ang iyong ginagawa.
Kinakabahan lang talaga ako sa maaaring mangyari,
Baka isang araw gumising nalang ako na tuluyan ka ng wala sa aking tabi.
Tiyak sa ganoong pagkakataon ay malulungkot ako kung ako ang magkakamali,
Ito ang maaaring pumawi sa ngiti na tinataglay ng aking labi.Hanggang sa isang araw hindi ko na napigilang sundan ka,
Kahit labag sa loob ko ngunit nadala na ako ng pagaakala.
Hinahabol kita habang papunta ka sa kanya,
Pilit ako lumalapit sayo habang lumalayo ka papunta sa iba.
Hindi kona talaga mapigilang maluha,
Dahil sa nasaksihan na eksena ng aking mga mata.
Tama nga siguro ako ng hinala,
Pero nanatili parin akong tahimik at hindi nagsasalita.Isang araw...
Isang araw ng linawin mo sa akin ang lahat,
Pilit mo akong sinasabihan na ako dapat ay magtapat.
Ngunit sino nga ba sa ating dalawa ang may dapat iungkat?
Ako ba na itinuring ka kung ano ang nararapat?
O ikaw na nagkukunwaring pagibig ko sayo'y sapat?
Hanggang kailan tayo magtatago?
Hanggang kailan mo balak magtago?Huwag mo lang sana sabihing mali ang aking akala,
Dahil saksi ako sa ginawa mo na hindi tama.
Inamin ko sayo ang aking nakita,
Pero natahimik ka lang at hindi nagbibitiw ng salita.
Hanggang sa umagos na ang aking mga luha,
Sanhi nito ay ang tuluyan mong pagkawala.
Hindi ako makapaniwala,
Dahil sambit mo sa akin ay mali ang aking hinala.
Nanahimik ako at napaluhod nalang sa labis na hiya.
Kung nagawa ko lang sana panghawakan ang iyong tiwala,
Sigurado ako na hindi ka sa akin mawawala.
Kung hindi lang talaga ako naghinala,
Siguro ngayon wala paring nasisira.
Baka hanggang ngayon hawak parin kita sinta.
Ngunit hindi na...
Dahil ang lahat ng mayroon sa ating dalawa,
Lahat ito ay tila napawi at nagwakas na.Tapos na ang ating istorya.
Sa pagkakahawak ko ay tuluyan ka ng kumalas.
Ang tali na naguugnay sa ating dalawa ay bigla nalang napigtas.
Ito na nga ang sinasabing wakas.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poetry|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.