KALAYAAN

20.5K 57 8
                                    

Lahat ng tao sa mundo ay may pantay-pantay na karapatan,
Karapatan na maaaring maghatid sa atin tungo sa kaginhawaan.

Sa bawat araw na pagharap ko sa lipunan,
Unti-unti kong nababakas ang mga suliraning hindi pa naaagapan.
Marahil may tinuturing na hadlang,
Kung kaya't pagsubok ay hindi malampasan.
Batay sa aking mga nalalaman,
Batay sa aking mga napapakinggan,
Kawalan ng karapatan ang dahilan.
Ako ay isa sa mga kabataan,
Na mulat na ukol sa katotohanan,
May kakayahan ng kayo ay tulungan,
Kaya naman panahon na para kami ang magahon sa inyo sa kadiliman.

Hindi batayan ang naiibang kasarian,
Sapagkat lahat ng taong isinilang,
Lahat sila ay taglay ang nasabing karapatan.
Estado sa buhay ay hindi dapat tingnan,
Bata man o matanda dapat paring igalang at maging magalang,
Sapagkat sa pamamagitan ng pagtutulungan,
Sa kabila ng pagpapahayag ng tunay na nararamdaman,
Sa hinaharap ay maayos din ang bansang ating sinilangan.
Hindi dapat tumigil ang may mga kapangyarihan,
Dahil sila dapat ang mamuno upang mapuksa ang mga kalaban.
Walang sinoman ang magtataglay ng kahinaan,
Walang sinoman ang magkakamaling kapwa ay husgahan.
Maaari kayong makasuhan,
Kung nilabag ninyo ang batas na may kaugnayan sa karapatan.
Hindi mo maaaring ihayag lagi ang iyong kagustuhan,
Sapagkat paminsan-minsan,
Mayroon naring nasasaktan dahil sa iyong kaugalian.
Mabuti pang manahimik nalang,
Lalo na kung layunin mo naman ay wala sa katinuan.

Isyung panlipunan ay hindi na dapat madagdagan,
Kaya kung ako ikaw sisimulan ko na ang pagpapahayag ng kabutihan,
Dahil sa totoo lang walang maidudulot na maganda ang kasakiman.
Tama na ang minsan tayong nahirapan,
Hindi na dapat pa ito mapatungan.
Kailangan natin pagtibayin ang ating katauhan,
Nang sa ganon ay hindi agad tayo mawasak ng kung sino man.

Pagkakaisa at pagkakapantay-pantay,
Ito ang dapat nating isabuhay.
Tanging kabutihan lang ang maaari nating maging gabay,
Upang matahak ang landas tungong tagumpay.
Kaya naman bago pa sumapit ang bukang-liwayway,
Taglayin mo na ang katapangan para sa susunod na paglalakbay.

Hindi kayo hahayaang masugtan,
Pero dapat marunong rin kayo makipaglaban,
Para hindi naapakan ang nasabing karapatan.
Yakapin ang salitang kapayapaan,
Damahin ang bunga ng kabutihan,
Ibahagi ang aral mula sa mga natutunan,
Pag-ugnayin upang makuha ang premyo mula sa laban.
Pagiging malaya na maituturing na karapatan,
Karapatang mabuhay sa kahit ano paraan,
Karapatang mabuhay sa kahit anong dahilan.
Kahit ano mang sakuna ang pagdaanan,
Hindi magpapatinag hangga't may pinaglalaban.
Kaunting pasensya nalang,
Darating rin ang araw na tayo naman ang aakap sa nasabing kalayaan.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon