IKAW ANG TULA

1.2K 21 0
                                    

Sa panahon ngayon pinaninindigan kona ang pagiging makata,
Patuloy akong sumusulat ng iba't ibang uri ng akda.
Marami na akong natutunan na mga bagong salita,
Mga malalalim at kinakailangan ng mataas na pangunawa.
Ito ang itinuturing kong sangkap na napakahalaga,
Dahil sa pamamagitan nito ay marami akong napagtutugma.
Marami akong nabubuong paksa,
Na kadalasan ay nararanasan ng aking kapwa.
Ikinagagalak ko na kung minsan sa akin ay may humahanga,
Dahil raw sa aking kakayahan at talas ng pangunawa.
Kaya naman dahil sa kanilang papuri ako'y nakaramdam ng ligaya,
Ito ang naging ugat na ipagpapatuloy ko ang paglikha,
Magpapatuloy ako sa paghahatid ng aral sa mga mambabasa.
Patuloy akong naghahanap ng mga bagong ideya,
Hanggang sa isang araw ako'y may naalala.
Minsan ko nga palang naramdaman na wala akong halaga,
Doon nagbukas ang aking isipan sa pagsulat at paglalathala.
Mula sa mga sakit at panghuhusga,
Ay bumubuo ako ng mga natatanging pagasa,
Na maaaring makatulong sa mambabasa,
At maging solusyon sa kanilang mga problema.
Sa totoo lang talaga wala pa akong sinisinta,
Dahil pagaaral ang pinagtutuunan ng pansin at binibigyang halaga.
Kaya nga ilan sa mga kaibigan ko'y nagtataka,
Kung paano raw ako nakakasulat ng tungkol sa pagibig ang paksa.
Pero kahit ako hindi korin maalaala,
Dahil tanging puso ko lang naman ang nakakaalam at nakakatanda.
Puso ko lang ang maaring magdikta o di kaya'y makaunawa.

Maraming mga bagay ang nagtataglay ng hiwaga.

Ngunit sa likod ng aking mga maskara,
Sa likod ng aking masasayang likha,
Ay mayroon ring mga salita na minsan sa aki'y nagpaluha.
Mayroong nagiisang tao na patuloy akong pinapaluha,
Dahilan nito'y matinding pambabalewala.
Kaya naman sa lahat ng sakit na aking nakukuha,
Ito'y ibinubuhos ko sa papel at pluma.
Isinusulat ko lahat ng masasakit na alaala,
Inilalabas ko lahat sa pagsulat ang lahat ng aking nadarama.
Minsan nga nakakaramdam ako ng labis na tuwa,
Sa tuwing may nagmemensahe tungkol sa aking mga akda,
Pakiramdam ko lahat ng pighati na naranasan ko ay unti unti ng nagbubunga.
Unti unti ng sumusuloy ang itinanim kong punla.
Natatanaw ko na ang liwanag sa dulo ng aking mga likha.
Ipinagpapasalamat kong sa tagumpay ko ay bahagi ka,
Ikinararangal ko kung ika'y isa sa aking mambabasa.
Patuloy akong susulat hanggang sa patuloy parin ang inyong suporta.
Araw-araw akong gumigising sa umaga na bitbit ang saya,
Dahil ito sa inyo, dahil sa matindi nyong pagpapahalaga.
Dahil ito sa pagbibigay kwenta sa aking mga likha.
Salamat...
Sa kabila ng aking pagluluksa at pagkabalisa,
Nariyan parin kayo na patuloy ang paghanga at pagkalinga.
Kahit mayroong namamagitang distansya,
Upang mapagdugtong ang ating mga ideya,
Hindi ako susuko hanggang sa lahat ng nais nyo ay masulat kona.
Dahil kayo ang aking tula.
Ikaw ang tula.
Kung wala ka ako'y mananatiling basura,
Mananatili akong pariwara.
Pero sa kahit anong subok ko at pagtyatyaga,
Ikaw parin ang tula.
Mayroon paring distansya mula sa mundo nating dalawa.
Ikaw siguro ang tula.
Mayroon parin tayong pagitan sa isa't isa.
Ikaw nga...
Ikaw ang tula na kahit kailan ay hindi sa akin tu-tugma.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon