Dito sa mundong mapanghusga,
Dito ako nahihirapan makisama.
Pakiramdam ko palagi ay magisa,
Kahit na napapalibutan ako ng madla.
Hindi madama ang kanilang presensya,
Sapagkat ang atensyon nila'y nakatuon sa iba.
Siguro dahil wala akong taglay na ganda,
Itsurang basura kung inyong ikukumpara.
Kaya siguro hindi ko makuha ang inyong simpatsya,
Dahil hindi naman ako kaaya-ayang makilala.
Minsan nga naisip ko nalang mabuhay magisa,
Yung hindi pinapansin lahat ng naririnig na boses o salita.
Pero habang tumatagal ako'y nanghihina,
Mga pagasa na pinanghahawakan ko'y biglang nawawala.
Hindi ko na kinakaya ang panlalait at panghuhusga,
Kaunti nalang talaga ako'y tutumba na.
Kakayanin ko naman makipagkompitensya,
Natatakot lang talaga akong matalo at maging balisa.
Dahil bukod sa wala naman susuporta,
Parang wala rin naman ako mapapala.
Kahit siguro kumain ako ng lupa,
Tanging gawi nyo lang ay ang matuwa,
Kahit na ako'y nagmumukha ng kawawa.Nais ko lang naman ay makisama sa inyo,
Ngunit bakit hindi nyo matanggap ng ganito lang ako?
Bakit pilit nyong kinokontrol ang aking pagkatao?Napakadaya talaga ng mundo,
Hindi pantay ang pagkakatimbang rito.
Palagi nalang akong nasa laylayan o dulo,
Palagi nalang sila ang nasa itaas at tinitingala ko,
Kailan ba matatapos ang paghihirap na ito?
Magiging masaya ba kayo kung mawawala ako?Sa tunay lang talaga,
Nakakapagod magpanggap na okay pa,
Dahil ang totoo puso ko'y durog na durog na.
Sabayan pa ng walang sawang panghuhusga,
Mga nakakatawang balita na ako ang paksa.
Ayoko na...
Hindi ko na hahayaang sugat ay madagdagan pa.
Tama na ang minsang pakikisama,
Kahit na hindi nyo naman talaga ako sinama.
Panahon na para magiba ako ng ruta,
Pipiliin ko nalang na sa ibang lugar magpunta.
Duon ako kung saan ako magiging malaya.
Siguro magtutungo ako sa lugar na marunong makuntento,
Yung makakayang tanggapin ang aking pagkatao.
Sisimulan ko na ang byaheng ito,
Malayo-layo pa ang tatahakin ko.
Nais ko munang sambitin ito sa inyo...
Na sobra na ang pang-aapak sa aking pagkatao,
Panahon na para ako naman ay matuto.
Tinatapos ko na ang pagiging alipin mula sa mga kamay nyo.
Hindi na ulit ako magpapatalo sa inyong pagtrato.
Mas nanaisin ko na sigurong sa inyo ay lumayo,
At sa ibang lipunan naman ako makikipagtagpo.
Tama na ang pagkukunwaring buo,
Pero sana sa lilipatan ako'y maayos pang muli at mabuo.
Kung ikukumpara sa ibang aspeto,
Hindi magiging katanggap-tanggap ang mga nagawa ninyo.
Dahil kung masakit na nga ang magmahal ng taong hindi ka gusto,
Mas masakit ang maging alipin ng sariling mundo.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poesía|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.