Sa oras ng kagipitan,
Sila ang iyong makakapitan.
Sa oras na may karamdaman,
Sila ang iyong mahihingahan.
Nasusuplayan nila ang iyong pangangailangan,
Palagi silang nariyan,
Upang sa problema ikaw ay damayan.
Sa hirap man o kaginhawaan,
Sa lungkot man maging kasiyahan,
Sila ang palaging nariyan.
Bukod sa ating mga magulang,
Ating mga kaibigan ang madalas na pinagkakatiwalaan.
Pakiramdam natin sikreto natin sa kanila ay nasa kaligtasan,
Para silang kahon ng kayaman,
Na maaari nating pagtaguan,
Upang mahalagang bagay ay maingatan.
Wala ng makakapalit pa sa dala nilang kaligayan,
Wala ng makakapantay pa sa alaalang pinagiipunan,
Wala ng hihigit pa sa balde-baldeng aral na natutunan,
Wala ng makakalamang pa sa aking mga kaibigan.Hindi ko masasabi na perpekto ang aming samahan,
Pero sa tuwing naaalala ko ang aming mga pinagdaanan,
Pinaghihilom nito ang mga sugat na kasalukuyan kong nararamdaman.
Tumatak sa isip ko ang mga salitang kanilang binibitawanan,
Na nagiging sanhi ng pagbangon ko mula sa putikan.
Kahit na labis akong nahihirapan,
Kahit masama na ang aking nararamdaman,
Patuloy parin akong lumalaban.
Yan ang natutunan ko sa aming pagkakaibigan.Natutunan ko kung paano pagtibayin ang aking pagkatao,
Naisabuhay ko kung sa paanong paraan ako dapat matuto,
At yuon ay mula sa salitang pagbagon.
Pagtanggap mula sa pagkatalo sa kahapon,
Pagsubok muli para sa panibagong pagkakataon.
Matatag na haharapin ang mga hamon,
Kahit na may bahid na ng takot ngayon.Habang tumatagal ang aming samahan,
Mas lalong tumitibay ang aming ugnayan.
Mga miyembro ay patuloy na nadadagdagan,
Nagmimistulang isang masayang angkan.
Sa problema ay nagtutulungan,
Suliranin ay agarang sinusulusyunan,
Palaging ipinakikita ang katatagan,
Na kadalasan ay nagbubunga ng kaunlaran.Minsan man ay nagkakaroon ng alitan,
Kung minsan man ay may tampunan,
May isang miyembro agad ang mangunguna sa usapan,
Upang di-pagkakaunawaan ay matapos ng agaran.
Marami man masasakit na karanasan,
Ito'y napapawi ng aming kasiyahan,
Na nagmumula sa aming mga kaibigan.Masasabi kong hindi palagi masama,
Ang epekto ng tropa o barkada.
Minsan ito rin ang nagiging pundasyon ng bawat isa,
Upang mapatatag ang sarili nila.Wala ng mas sasaya pa,
Sa ugnayang pinagsaluhan naming magkakabarkada.
Wala na akong ibang mapipili pa,
Kundi sila nalang talaga.
Ayoko ng palitan pa sila,
Dahil sila na ang kahulugan para sa akin ng ligaya.
Siguro ako'y manghihina,
Kapag samahan namin ay nawala.
Pero hangggang sa aking makakaya,
Hindi ko hahayaang mabuwag ang aming tropa.
Ibibigay lahat ng makakayang pwersa,
Upang relasyon namin ay mas mapatibay pa.
Dahil hanggang sa hinaharap,
Magkakatuwang parin kaming aabot ng pangarap.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poetry|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.