Wala ng mas sasakit pa sa eksena,
Na ikaw mismo ang bida,
Ngunit nasapawan ka ng kontrabida.
Wala ng mas papait pa,
Sa kapeng ibinuhos mo sa akin sinta,
Para lang magising ako sa katotohanang wala kana.
Katotohanang hindi mona ako maalala.
Gabi gabi nalang akong nagigising at lumuluha,
Kada segundo dahil hindi na kita kasama.
Malimit akong nagmumukmok at magisa,
Hinihiling na sana magbalik ka,
Ngunit hindi dahil ako'y nilimot mona.
Ako'y kinalimutan mona.
Wala ka ng maalala.Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pwersa,
Upang lapitan at tulungan ka.
Upang piliting may maalala ka.
Paano kung wala ng natitirang tyansa?Binitawan mona ang ating relasyon,
Sinayang mo ang pagkakataon,
Na sana'y ika unang taon na natin ngayon.
Ngunit hindi dahil tinapos mona yuon,
Siguro ngayon isa na akong opsyon.
Wala na sa akin ang iyong atensyon.
Kaya naman wala na akong intensyon,
Na ipagpatuloy pa ang paghabol sa alaala natin noon.
Tama na ang pagaakalang babalik kapa.
Dahil wala ng pagkakataon pa...
Dahil hindi mona ako maalala.Sa tagal ng ating pagiibigan,
Iiwan mo pala ako ng ganun ganun lang.
Mabilisan mo akong binitawan,
Gaya ng proseso kung paano mo ako kinalimutan.Bakit kaya nakakaramdam ako ng kalungkutan?
Ganun ba talaga kahirap makamit ang kaligayahan?
Na pati malalapit sayo hahamakin kang saktan?
Nakakapagod naman.Binigyan mo ako ng dahilan,
Para tuluyan kang sukuan.
Kaya ngayon ito na ay aking gagampanan,
Ang ibigay sayo ang kalayaan.
Patawad kung ako'y nagkulang.
Nawalan na ako nang rason para ika'y ipaglaban,
Kase ang ating relasyon ay tuluyan mo nang napabayaan,
Naging madali nga lang sayo na ako'y palitan,
Na ako'y kalimutan.
Habang ako naman nagpapanggap na okay lang,
Kahit na patindi na ng patindi ang pait na aking nararanasan.Sana makaya ko na ika'y layuan,
Sana makaya ko na ika'y tularan.
Para magawa narin kitang kalimutan.
Hindi ko lubos maisip na ganito ang dahilan,
Para akong mahirap na inaapak-apakan.
Parang ninanais ko nalang maging laruan,
Para sanay na kapag laro ang pinaguusapan.
Baka sakaling wala na akong maramdaman.
Baka sakaling sakit ay maiwasan.Mabuti pa akin na itong tigilan,
Mabuti pa ikaw na ay aking tantanan.
Para rin maging masaya kana sa kasalukuyan,
Para magawa ko ng burahin ang nakaraan,
At palitan ito ng bagong kaganapan.Kahit hindi ko parin lubos na maunawaan,
Kahit hindi ko parin lubos na maintindihan,
Pinipilit kona lang kalimutan ang nagdaan,
Dahil wala narin akong pagpipilian.Ito na siguro ang kasukdulan,
Kasukdulan na magpapalaya satin mula sa nakaraan,
Nakaraan na mananatiling mapait na karanasan nalang.Wala pa akong sapat na kakayanan,
Upang magawa kang kalimutan.
Siguro hindi naman talaga ako makakalimot,
Pero baka sakali rin na mabawasan ang lungkot.Hindi mona kailangan pa akong alalahanin,
Sapat ng aral ang nangyari sa atin.
Pagod narin akong magpaalipin.
Malaya kana.
Tungkulin mo sa akin ay tapos na.Huwag mona sana akong babalikan,
Kapag nagsimula na akong ikaw ay layuan,
Dahil lahat ng ito'y mapait nalang na karanasan.
Dahil ang aking naranasan ay bahagi na lamang ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Puisi|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.