HUWAG MONA AKONG BABALIKAN

2.3K 21 0
                                    

Kinokontrol ko ang sarili ko sa tuwing kasama ka,
Pinipigilan kong mahulog sa bitag na iyong ginawa.
Umiiwas ako hanggang sa aking makaya,
Huwag lang bumalik ang mga alaala nating dalawa.
Ayokong masanay muli na nadyan ka,
Natatakot na ako muli dahil lumalapit ka.
Takot na ako.
Takot na ako sa ideyang baka bumalik ka,
Tapos hindi ko makontrol ang sarili ko na sayo'y sumaya.
Pakiramdam ko nasa panganib ako kapag umaaligid ka,
Yung tipong bigla-bigla nalang ako makakaramdam ng kaba,
Dahil takot na ako.
Ayoko na.
Ayoko na muli makulong sa nakaraan nating dalawa.
Matagal ko ng itinigil ang aking nararamdaman para sayo,
Matagal ko ng winakasan ang isip ko sa tayo.
Ayoko na muling balikan pa ito,
Dahil hindi na ako makampante sa tuwing ito'y sumasagi sa isip ko.
Siguro sa tindi ng sakit na aking natamo,
Kaya siguro ako nagkakaganito.
Natatakot na akong humalubilo sa ibang tao,
Pakiramdam ko lagi'y kabado,
Bakit ako nagkaganito?
Hindi naman ito ang dating ako,
Ngunit magmula ng sirain mo ang tulay ko papunta sayo,
Pakiramdam ko parang mundo ko ay guguho.

Hindi ko alam.
Hindi ko maintindihan.
Maaari mo ba akong layuan?
Pakiusap huwag mo akong lalapitan,
Dahil maaari lang muli akong masaktan.
Hindi ka naman dati nagpaparamdam,
Ngunit bakit kung kailan tayo na ay humantong sa hiwalayan,
Bakit ngayon mo pa ginugulo ang aking isipan?

Ayoko ng ganito.
Hindi ko ito ginusto.
Sapat na noon ang sakit na aking natamo,
Hindi kona hahayaan na madagdagan pa ng bago.
Dahil hindi pa naghihilom ang mga ito,
Ang mga dating sugat na natamo ko sayo.
Mula ng ika'y nilisan ko,
Pinagaralan ko ang salitang pagbabago.
Pinagaralan ko kung paano matuto.
Sinubukan kong maging matapang,
Pinilit kong lumaban.
Umaasa kasi ako na kapag ika'y aking nasilayan,
Hindi mona mababakas pa ang aking kahinaan.
Ngunit hindi...
Nagkamali ako ng akala,
Akala ko magagawa ko ng ngitian ka.
Pero mali lalo lang nadagdagan ang aking kaba.
Lalo lang ako nakaramdam ng takot na malayo sa ideyang saya.

Paano ako makakabalik sa tunay kong pagkatao,
Kung nasa harapan kita at pilit pinapalambot ang aking puso.
Wala na sa isip ko na sayo'y maawa,
Dahil kung sinabi mong nagbago kana,
Hindi ako naniniwala...
Dahil alam kong sasaktan mo lang ulit ako.
Alam mo bang kumalas na ako sa ganitong laro?
Pagkatao ko'y pilit kong binubuo,
Sinasanay ang sarili sa panibagong mundo,
Mundong malayo sayo.
Mundong magbibigay sa akin ng kalayaan,
Kalayaan upang magawa ko ng kalimutan ang nakaraan.

Kaya maaari bang tumabi ka sa aking dinaraanan?
Ayoko na muling masaktan,
Kaya hanggang sa aking makakaya ika'y patuloy na tatarayan,
Upang sumuko ka sa aking kaugalian,
Nang sa ganon magawa mona rin ako layuan.

Sa mundo ko ay hindi ka nabibilang,
Presensya mo ay hindi ko hahayaan,
Bagkos ito'y aking ipagtatabuyan,
Upang hindi makasama ang kalungkutan.
Alam kong hindi mo ako maiintindihan,
Gaya dati kaya tayo'y nagkaroon ng alitan.
Kaya sana pakiusap naman,
Huwag mona ulit ako pakialaman.
Dumistansya kana upang hindi kita kagalitan,
Humanap ka nalang ng ibang mapagtitripan.
Huwag na ako dahil tapos na ako riyan.

Binuo kona muli ang aking sarili,
Dahil ayoko na maulit pa ang nangyari,
Tapos na akong kaibiganin ang pighati,
Panahon na para ako naman ang ngumiti.

Hayaan mona akong mabuhay ng wala ka,
Wala ka ng karapatan pa,
Na pagbawalan ako kung saan ako sasaya,
Dahil matagal ng tapos ang tayong dalawa.

Ramdam ko na ang ligaya,
Sana nakita mona rin ang tunay na sa iyo ay magpapasaya.
Hayaan na natin ang isa't isa.

Huwag mona tatangkaing ako'y lapitan pa,
Huwag mona subukang ako'y balikan pa,
Tama na yung minsan mo akong sinira,
At hindi kona hahayaang ito'y maulit pa.

Hindi ako laruan,
Kaya maari ba pakiusap nalang...
Huwag mona ako babalikan.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon