ANG PAGKATUTO

3.9K 21 0
                                    

Nadapa man kahapon,
Bukas ay babangon.
Mga hinanakit ay tuluyan ng ibabaon,
Upang makapagsimula ng bagong pundasyon.

Lahat tayo ay may pagkakataon,
Maaari pa tayong makaahon,
Mula sa pait na dulot ng kahapon.
Maaaring nadala lang tayo ng matinding alon,
Kung kaya't nakagawa ng pagkakamali noon,
Ngunit ang higit na mahalaga ay ang maituwid ito sa ngayon.

Ang karanasan ang magiging motibasyon,
Mga kaibigan ang ituturing na inspirasyon,
Nang sa ganon ay mahabol pa ang nakalipas na panahon.
Maaaring ang nakaraan ay hindi na maulit pa,
Oo ang pagkakamali ay nangyari na,
Ngunit hindi naman kailangang ito'y ipilit pa,
Dahil may tyansa ka pang piliin ang tama,
Lalo na kung sa kasalukuyan ay magbabago kana.
Hayaan mo ang sarili mong maging malaya,
Pero ang pagiingat ay higit na mahalaga,
Kaya dapat ito rin ay taglayin mona.
Alam kong walang taong perpekto,
Pero likas sa atin ang kabutihan ng puso,
Sa atin nakasalalay ang plano ng pakikitungo.
Kung paano mo bibigyang bisa ang pagpapakatao.
Kung paano mo isasabuhay ang salitang pagkatuto.

Bago pa man maaksaya ang iyong tyansa,
Bago pa man kumupas ang natatangi mong pagasa,
Maigi pa ay magsimula ka na.
Hindi mo mababatid kung hanggang kailan lang pwede na,
Mas magandang sumubok ng maaga,
Maaga pa lang ito'y itama mona,
Upang hindi ka magsisi kung huli na,
Dahil gaya nga ng nabanggit ko noong ikauna,
Ang nakalipas ay hindi na kailanman maibabalik pa.
Ang nakaraan ay tapos na.
Tanging pagpipilian mo na lang ay dalawa,
Ang matuto o di kaya'y magdusa.
Ang maging malaya o maging balisa.

Hawak mo na ang alas,
Nasa iyo ang desisyon kung ikaw ay tatakas,
O baka nais mo pang magpumiglas,
At igiit na may magagawa ka pang tama hanggang bukas.

Maaari kang maging bilanggo ng nakaraan,
Mananatili kang nakakulong sa rehas ng kalungkutan,
Kung magpapatuloy ka lang sa pagiging balisa at walang ginagawang paraan.
Kung pipiliin mo ang kabilang pwesto,
Layunin nitong ikaw ay magbago.
Tutulungan kang mapabuti ang kalagayan mo,
Basta't piliin mo lang lagi ang tama at ang husto.

Hindi ka pa tuluyang natatalo,
Hanggang hindi ka pa sumusuko.
May pagkakataon ka pang magbago,
Kung ihahayag mo lagi ang eksena kung saan ka sigurado.
Hindi ka kailanman madedehado,
Kung pipiliin mong bumangon at itama ang lahat ng ito.
Maaari pang maghilom lahat ng sugat na iyong natamo,
Kung hahayaan mong may gumamot sa mga ito.

May kakayahan ka pang matuto,
Basta isipin mo lang na pwede ka rin magseryoso.
Na baka sakaling maisabuhay mo pa ang pagkatuto.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon