Hindi pala sapat ang salitang mahal lang kita,
Dahil kahit anong gawin ko para relasyon nati'y gumana,
Hindi magiging sakto ang aking pwersa,
Hangga't hindi mo nasusuklian ang pagmamahal na iyong nadarama.
Pagmamahal na nadarama mo mula sa akin sinta.
Hindi sapat ang mahal lang kita,
Lalo na kung may mahal ka namang iba.
Ang mga paghihirap at pagtitiis ko'y hindi uubra,
Hangga't hindi mo nakikita ang tunay kong halaga.
Mananatili akong patapon na basura,
Mananatiling umaasa,
Hangga't hindi mo nararamdaman sa akin ang tunay na saya.
Ngunit hanggang saan nga ba ang aking makakaya?
Kung nasa kalagitnaan palang ako'y nagsasawa na.
Hindi ako nagsasawang iparamdam sayo na mahal kita,
Pero naaawa na ako sa aking sarili sa tuwing naghahabol ako sayo sinta.
Kaunting unawa naman sana,
Kung sana nga lang una pa sinabi mona,
Hindi na sana ako nananatiling umaasa.
Bakit parang sa una ka lang sumaya?
Bakit parang sa una lang tayo lumigaya?
Bakit parang nanlalamig kana?
Unti unti kong napapansin na parang nagbabago ka,
Wala na yung kinang na aking nakita,
Mula sayong mga mata,
Nung panahong nililigawan mo palang ako bilang panimula.
Sinong hindi magaakala,
Na parang ako nalang ang hindi kumakawala.
Unti unti kana lumalaya,
Mula sa pagibig na pinag-igting ng tadhana.
Madalas mona akong nababalewala,
At ito ang mga pangyayaring hindi ko lubos inakala.Nakakapagtaka.
Matanong nga kita sinta...
Hindi na ba ako ang laman ng isip mo?
Hindi na ba ako ang sinisigaw ng puso mo?
Hindi na ba ako ang nagpapangiti dyan sa mga labi mo?
O hindi naman talaga ako ang naging dahilan ng mga ito?
Hindi kana man nga siguro sumaya sa piling ko,
Baka nga ginawa mo lang akong panangga,
Para lang maitago mo sa iba na nagiisa ka,
Pero patuloy parin kitang inuunawa,
Kahit nga bumalik ka sa dati mong kinakakasama,
Hahayaan kita kung saan ka sasaya.
Hahayaan kita kahit na matinding sakit ang maging resulta.
Sana pala hindi mona ako sinanay ng ganito,
Yung masaya at pakiramdam na lagi panalo,
Kasi dahil dito unti unting puso ko'y nagdurugo,
Dahil sa mga pangako mong napako,
Sana hindi nalang ako nahihirapan ng husto.Pipilitin kong punasan,
Ang mga luha mula sa nakaraan.
Pipilitin kong pairalin ang katatagan,
Upang maipagpatuloy ang aking nasimulan.
Para sa panibagong kaganapan,
Para sa panibagong laban.
Kung wala na talagang tayo,
Ako na ang magwawakas nito.
Kung hindi naman talaga naging tayo,
Salamat parin ako sayo'y natuto.
Siguro nga hinihintay mo lang ako sumuko,
Para makuha mona ang matagal mo ng ginugusto.
Mali na siguro lahat ng ito.
Pero kung wasto man ito,
Wala naring rason upang makipaglaban pa ako.
Minsan ka ng naging mahalaga sa buhay ko,
Minsan ka ng naging parte nito.
Pero mahal, paalam na.
Hindi sapat ang mahal lang kita,
Lalo na kung hindi ka naman para sa akin talaga.
Ipinauubaya na kita sa tunay na nagnanais sayo,
Hinahayaan na kitang puntahan ang tunay na nagpapasaya sayo.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poesia|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.