PANAHON NA SIGURO PARA TIGILAN NA KITA

6.4K 113 4
                                    

Isa dalawa tatlo...
Ititigil na ang kahibangang ito.
Apat lima anim...
Nawalan na ng pagasang ako'y iyong mapapansin.
Pito walo siyam...
Nangangakong hindi na ako magpaparamdam.
Sampu labing isa labing dalawa...
Kinakailangan na nating makalimutan ang isa't isa.
Labing tatlo labing apat labing lima...
Umaasang makaya kong sayo'y dumistansya.
Labing anim labing pito labing walo...
Ako'y tatakbo palayo sa magpalarong mundo.
Labing siyam dalawampu...
Nagpasya akong magpahinga muna at huminto,
Huminto sa pagtakbo para makapagpahinga kahit iisang minuto.
Nagisip ng mga bagay na kapupulutan ko ng ligaya,
Maaaring magbigay sa akin ng saya ngayong wala kana.
Haharap ako sa panibagong mundo,
Panibagong mundo na ako'y malayo sayo.
Ngayon nasisipat kona ang kalayaan ko,
Maaring hindi na muli masaktan ang aking puso,
Ang isip ko'y hindi na muli magugulo,
Maari ko nang makuha ang susi ng pinto,
Na magbibigay kasiyahan gaya ng inaasam ko.
Ito na yata ang panahon,
Ito na yata ang huling pagkakataon,
Huling pagkakataon na ako'y makakaahon,
Makakaahon mula sa bahid ng kahapon,
Na magsisilbing napakalaking desisyon,
Susi ng aking pagbangon.
Sobrang sakit pala nang pangbabalewala mo,
Pangbabalewala mo sa isang katulad ko,
Na hindi ko agad napansin sapagkat nagkakagusto na ako sayo,
Lahat pala ng sakit natiis ko,
Pati sariling kasiyahan ipinaubaya sayo,
Ako paba ang iyong gusto?
Ang pagsisikap ko ba'y hindi pa husto?
Tapos na ako sa pagpapapansin,
Hindi ko nanaisin na ito'y ulitin,
Dahil napakasakit lang kung iisipin.
Kung may tyansa pa mang natitira,
Tama na ayoko na.
Ang lahat ay huli na...
Dahil nakapagpasya na akong kalimutan ka.
Magpapatuloy na ako sa pagtahak ng bagong destinasyon,
Ito na lang yata ang natitirang aksyon,
Na maaari kong isagawa sa ngayon,
Para narin makalimutan kona yung noon,
At makausad sa makabagong panahon.
Sabay bigkas ng mga katagang...
Panahon na siguro para tigilan na kita.
Hinding hindi na muling manlilimos ng atensyon mo,
Hindi na muling mangungulit ng sayo,
Hahayaan na kita kung saan mo gusto,
Ako na ang kusang lumayo,
Dahil ayaw na kita maabala o di kaya'y magulo.
Paalam sa iyo,
Maging masaya ka sana ngayong wala na ako.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon