WALA KA NA

1.3K 11 0
                                    

Gabi-gabi nalang akong nalalasing at lumuluha,
Puno ng pighati at lungkot ang aking mukha,
Dahil sa biglaan mong pagkawala.
Nagtatanong sa kahit saang banda,
Hindi mapigilan ang pagtataka,
Kung bakit nga ba lumisan ka.

Nagising nalang ako mula sa pagkakahimbing,
Nang maramdaman kong wala kana nga sa aking piling.
Nagsisisigaw pa ako at humihiling,
Na sana panalangin ko'y dingin,
Upang makitang kang muli at makapiling.
Ngunit hindi pa yata sapat ang aking pagpapapansin,
Sapagkat maraming taon narin,
Ang nakalipas pero ako'y nasasabik parin,
Sa pangakong ako lang ang iyong mamahalin,
Baka may pagasa pang magbalik ka sa akin.
Minu-minuto akong tumitingala at tumitingin,
Sa kalawakan na kay raming bituin,
Umaasang isa ka roon at nagniningning,
Para kahit nasa malayo ka makakaya parin kitang tanawin.
Ngunit hindi dahil iba ang sitwasyon natin,
Parang ako ang gutom na pulubi at ikaw ang pagkain,
Na sa kahit anong bahagi ng mundo ika'y hahanapin,
Dahil ako'y nananabik sa iyong pagdating.
Hanggang sa may malamig na tubig akong naramdaman,
At yuon ang nagpagising sa akin mula sa katotohanan,
Sa katotohanang ako nga pala ay iyong iniwan.
Siguro nga wala ng tyansa na ako'y iyong babalikan,
Dahil maraming oras narin kitang inabangan,
Ngunit walang ikaw sa aking harapan.
Minsan rin aking sinubukan,
Na ipikit ang aking mga mata ng marahan,
Umaasang sa pagdilat ko ikaw na ay nariyan,
Pero umaasa nalang pala ako sa kawalan.
Parang paulit-ulit ng nawawasak ang puso kong labis ng nasasaktan,
Kaya siguro panahon na para ika'y aking pakawalan.
Dahil kung talagang para sayo ako'y may kahalagahan,
Baka noon pa nagawa mona akong balikan.
Baka noon pa hindi mo parin ako iniiwan.
Kung tutuusin marami ka namang pagpipilian,
Dahil kahit naman minsan hindi kita nilagay sa laylayan.
Palagi parin kitang inuuna at sarili ko ang nasa hulihan.
Kaya nga hindi ko labis maunawaan,
Hindi parin ako tuong nalilinawan.
Marahil ay maraming katanungan,
Ang naiwan sa aking isipan,
At patuloy na naghahanap ng kasagutan,
Pero blanko at sarado naman lahat ng lugar na aking pinaghahanapan.
Kahit ikaw hindi parin kita natatanawan.
Kaya naman pasensya ko ay tuluyang nagkaroon ng hangganan,
Bakas na rito ang kapaguran,
Kaya naman ang paglisan mo at hindi pagpaparamdam,
Ay tuluyan ko ng hinahayaan.
Kung saang lupalop man ang iyong kinaroroonan,
Maging masaya ka sana at patuloy na damahin ang kapayapaan.
Lumilinaw na ang lahat ng aking napagdaanan,
Unti-unti narin akong umuusad sa aking dapat kalagyan.
Ngunit may bago akong nararamdaman,
Dahil wala ka na sa aking tabihan.
Hindi ko pa tuluyang napagsasanayan,
Kung paano sanayin ang sarili ko ng wala ka na riyan.
Sinusubukan ko paring magpakatatag at patuloy na lumaban,
Kahit malaking bahagi ng aking buhay ang nagkulang,
At oo ikaw yon, ikaw ang matindi kong kakulangan.
Wala sa isip ko na magagawa mo akong pabayaan,
Ngunit nangyari na ang aking kinatatakutan.
Dahil wala ka na.
Ako'y iniwan mona.
Hinahayaan mona akong nag-iisa,
Hinayaan mo ako ng walang kasama.
Diba dati naman ay wala ka,
Noon naman sanay akong magisa.
Dapat pala hindi mona ako sinanay na nandyan ka,
Sana hindi mona sinanay ang puso ko na laging maligaya,
Sana hindi mona pinaramdam na ganon ako kahalaga,
Kung sa huli ay iiwan morin pala akong nakatulala at balisa.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon