Ito yung bagay na minimithi ko,
Bagay na inaasam ko mula sayo.Simula ng mapagtanto kong sayo ako masaya,
Palagi na akong umaaligid at pumupunta kung nasaan ka.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong kulitin ka,
Pagkatao mo nama'y iritado at ayaw ng ligaya,
Kung kaya't pilit mo akong pinagtatabuyan kahit saang banda.
Hindi mo manlang napapansin na gusto na kita,
Dahil lahat ng atensyon mo'y nasa iba,
Lahat ng oras mo'y nakatuon sa kanya.
Paulit ulit mo ako nababalewala,
Paulit ulit mong pinupunit ang puso kong nagwawala,
Nagwawala sa pagsigaw ng pangalan mong kay ganda.
Ngunit lahat ng ito'y para lang hangin,
Bagay na palagi mong kailangan ngunit hindi mo napapansin.
Nagmimistulang aninong nagtatago sa dilim,
Mga patapong bagay gaya ng basura na kawangis ko narin,
Dahil walang silbi, walang pagasang mapansin.
Para akong krayolang hindi na masaya,
Wala ng kulay at hindi na taglay ang ganda.
Kaya nga siguro hindi mo ako makita,
Dahil wala sa mukha ko ang salitang sigla.
Ako'y patuloy paring aasa,
Nagbabaka-sakaling makuha ko ang simpatsya,
Na baka sakaling sakin mo mahanap ang ligaya.
Magkukunwari munang hindi nasasaktan,
Magsusuot ng maskara upang may panlaban,
Mula sa mapagkunwari mong katauhan.
Maghihintay hanggang sa makayanan,
Patuloy na magtatago habang nakikipagsapalaran.
Patuloy parin kitang susuportahan,
Patuloy parin kitang susubaybayan,
Magpapatuloy parin sa pakikipaglaban,
Kahit wala naman akong pagasang magwagi sa ganitong laban.
Siguro mas mabuti narin na nagawa kitang ipaglaban,
Kaysa naman isuko kita ng parang wala lang.Unti unti ng nanlalagas,
Ang mga petals ng rosas.
Unti unti ng lumilipas,
Ang mga naaaksayang oras.
Batid ko wala kang pakialam,
Sa tunay kong nararamdaman.
Hindi mo nga manlang magawang pahalagahan,
Ang presensya kong sayo lagi'y inilalaan.
Hindi ka manlang nasisiyahan,
Sa tuwing ako ang nasa iyong tabihan.
Kahit ginagawa mona akong sandalan,
Kahit ginagawa mona akong pampalipas oras lang,
Bakit hindi kita magawang pigilan?
Bakit hindi kita magawang sumbatan?
Bakit hindi kita magawang iwan?
Kahit na alam kona ang tunay mong dahilan,
Nananatili parin akong ika'y ginagabayan.
Likas na sa akin na ang oras ko'y sayo lang nakalaan,
Uunahin kita laban sa kahit ano pa man.
Maaring lahat ng oras ko'y nasa iyo ngayon,
Pero baka dumating na yung panahon,
Na mapagod na ako kakahintay sayo ng tamang pagkakataon.
Siguro nga naaksaya lang lahat ng aking intensyon,
Wala ng silbi dahil nasa kanya ang iyong atensyon.
Hindi na ako magtataka na kung sa oras na pinapili kita,
Kung ako laban sa kanya,
Alam kona ang isasagot mo sinta.
Na mas pinipili mo sya,
Dahil wala na talaga akong pagasa,
Dahil sa kanya ka naman talaga masaya.
Para lang akong naghihintay sa wala.
Sobrang tindi pa...
Kasi nagmumukha akong naghihintay sa parang mayroon.
Iniisip ko lagi ang kapakanan mo,
Sa bawat oras minuto o segundo,
Palagi kong iniisip ang kalagayan mo.
Pero ikaw ano bang naiisip mo?
Sino bang naiisip mo?
Sigurado akong hindi ako.
Paano kung yung taong nagpapasaya sayo?
Paano kung yung pinaglalaanan mo ng oras mo?
Paano naman ako?
Oras mo sana para sa akin naman,
Kasi kung ako lang rin naman kaya kitang pahalagahan,
Kaya kitang ingatan.
Sa akin hindi ka masasaktan.
Hindi ko sya kayang tularan,
Hindi ko sya magagawang lagpasan,
Pero ang tanging pangako ko lang,
Habang koya kopa ika'y aking pagsisilbihan.
Hindi magsasawang ilaan sayo ang bawat oras sa aking buhay.
Basta mapansin mo lang na buhay mo'y kaya korin lagyan ng kulay.Sana dumating na sa punto,
Na oras ko'y hindi na maabuso.
Maghihintay ako sayo.
Sana kapag dumating ka may pagasa pang natitira,
Sana may matitira pang oras at tyansa.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poetry|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.