Ikaw ang aking idolo,
Isang tao na hinahangaan ko ng husto.
Sa sipag mo at talino,
Maraming tao ang napapabilib mo.
Isa kang mabuting huwaran,
Nagsisilbing bituin ng sanlibutan,
Sapagkat taglay mo ang salitang kaginhawaan,
Kung kaya't maraming tao ang gusto kang masilayan,
Ng sa ganon raw isip nila'y maliwanagan.
Maituturing na pagasa,
Lalo na sa iba't ibang banda,
Dahil nais mo lagi'y tumulong sa kapwa,
Kahit na may nanghuhusga na sa iyo sa kabila.
Panghuhusga ay hindi mo pinapansin,
At yuon ang higit na nakapagpabilib sa akin,
Humahanga ako sa lakas na patuloy mong tataglayin,
Mas pinapaunlad mo pa upang kami'y guminhawa rin.
Isa ako sa mga taong sumusuporta sayo,
Marami kaming nagmamahal at inaabangan lahat ng pagtatanghal mo.
Kahit na hindi namin madalas nasisilayan ang iyong pagkatao,
Naniniwala parin kami na mabuti kang tayo.
Marami nga lang mapanghusga sa mundo,
Kung kaya't pati pangalan mo'y nadadawit sa eksenang ganito.
Marahil na iinggit sila sa iyong kagalingan,
Siguro nasisilaw sila sa iyong kasikatan,
Kaya nagagawa ka nilang pintasan,
Siguro layunin nilang pangarap mo ay wakasan.
Pero dapat ang eksenang ganito ay hindi mo pinauunlakan,
Dahil baka malagay ka lamang sa kapahamakan.
Sa kabila namang bahagi,
Sa tuwing masusulyapan mo kami,
Inaalay mo sa amin ang matamis mong ngiti,
Na nagbibigay samin ng lakas upang lumaban sa kabila ng pighati.
Kaya naman hindi kami nagsasawang sumuporta,
Sa kabila ng pagod na aming nadarama.
Patuloy lang kami sa pagsubaybay,
Patuloy lang sa paggabay,
Ipagpapatuloy parin ang paglalakbay,
Upang makamtan ang inaasam na tagumpay.
Hindi kami bibitaw.
Susuportahan ka parin namin sa araw araw.
Hindi kami magbabago at gagaya sa iba,
Bagkos ipapakilala ka namin sa kanila.
Gaya ng pagkakakilala namin sayo diba.
Susuportahan ka namin sa abot ng aming makakaya,
Handa kaming ipagtanggol ka,
Ipaglaban basta nasa tama,
Mananatiling tagasuporta,
Hanggang sa huling paghinga.
Nangangakong hindi bibitaw sayo,
Sapagkat ako'y solidong tagahanga mo.
Itinuro mo sa akin kung paano manindigan,
Kaya ngayon sayo ko ito sisimulan.
Tungkulin sayo ay aking gagampanan,
Pagmamahal sayo ay aking ilalaan.
Dahil ikaw ang aking idolo,
Ang nagpapatibay sa aking pundasyon,
Ang nagbigay sa akin ng labis na inspirasyon,
Nagturo sa akin ng salitang motibasyon.
Motibasyon para umahon sa problema na kinakaharap namin ngayon.
Ikaw ang naging dahilan kung bakit patuloy akong bumabangon.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poetry|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.