KATAPUSAN

1.7K 11 3
                                    

O kay liwanag ng buwan,
Kasabay nito ang pagpatak ng ulan.
Payapa ang kapaligiran,
Ngunit yumayakap sa akin ang kalungkutan.
Nakaupo lang ako sa isang upuan,
Nagmamasid sa kawalan,
Hinihintay ang pagtila ng tubig mula sa kalawakan.
Magisa kaya walang makahuntahan,
Kaya naman hindi ko maiwasang lungkot ay maramdaman.

May naiwang blangko sa aking isipan,
Hindi ko alam kung paano ito pupunan.
Wala naman akong maisip na paraan,
Unti-unti nalang rin ako nawawalan ng pakialam.
Hanggang sa isang araw may dumaang kakaiba sa aking harapan,
Tiningnan ko kung sino ang nagbabantay sa akin mula sa kalayuan.
Namalayan ko nalang ay dinala ako sa damuhan,
Pagkamulat ng aking mata ay ibang paligid na ang aking nasaksihan.

Sinubukan kong maglibot ng wala sa katinuan,
Umaasang mahahanap ko ang lagusan,
Lagusan patungo sa aking tinitirahan.

Sinubukan kong maghanap ng mga kasagutan,
Sa mga tanong na gumugulo sa aking isipan,
Baka dito ko ito matagpuan.
Baka dito ako may kailangang malaman.
Humakbang ako ng wala sa kasiguraduhan,
Pero pinagtibay ko ang aking kalamnan,
Naalala ko mayroon nga pala akong misyon na dapat gampanan.
Kaya bago pa ako abutin rito ng kinabukasan,
Mga pakay ay akin ng sisimulan.
Dapat bago ako makakita ng kaliwagan,
Bago ako mabisto sa gitna ng kadiliman,
Dapat layunin ko ay agad ko ng nakamtan.

Tahimik lang ang ginagawa kong paghakbang,
Hanggang sa isang sandali ako'y may nasilayan.
Hindi ko pa makita ang kanyang kabuuan,
Kaya nagpasya akong siya ay lapitan.
May iba ako sa kanyang pakiramdam,
Siguro naging bahagi na sya ng aking nakaraan.
Hindi ko mawari at hindi ko maintindihan,
Kaya naman nagpasya akong magbitaw sa kanya ng mga katanungan,
Ngunit wala siyang naging kasagutan.
Tanging nagawa nya lang ang ako ay ngitian,
Bigla naman ako kinilabutan,
Nakaramdam ako ng takot dito sa aking kinatatayuan,
Dahil sa mga mata mong nakakatakot tingnan,
Parang may dilim sa iyong katauhan.
Sinundan kita sa iyong paglisan,
Hinabol kita patungo sa dapat mong puntahan.
Hanggang sa may ibang tao pa akong nasilayan,
Ito ang mahahalagang tao na nakagawa sa akin ng kasalanan.
Naalala ko nalang na walang dulot na ginhawa ang kasakiman,
Kaya naman inihain kona sa kanila ang kapatawaran.
Bago ko pa makaligtaan,
Mayroon nga pala akong sinusundan.
Hindi pa naman sya kalayuan,
Kaya nagawa ko pa syang mapantayan.
Bigla nalang may kumulbit sa akin sa likuran,
Laking gulat ang aking naramdaman,
Nang ang mukha niya ay tuluyan ko ng nasilayan.
Sabay patak ng luha na matagal kong pinagipunan,
Ngayon ko lang nagawa na ito ay bitawan.
Ang nagiisang tao na ako ay pinangakuan,
Siya ngayon ay nasa aking harapan,
Duguan at bakas ang kapaguran,
Hindi ko na napigil ang sarili ko na siya ay kahawakan,
Ngunit may dumaloy na kuryente sa aking katawan,
Tanging binanggit nya lang ay ukol sa paghingi ng despensa't kapatawaran.
Hindi kona siya nagawang makakwentuhan,
Sapagkat unti-unti na syang naglalagas mismo sa aking harapan.
Pighati ang aking naging sandigan,
Sa tuwing naaalala ko ang hirap na aking pinagdaanan.

Ngunit napatigil ako ng panandalian,
Dahil ang hinahabol ko ay hindi kona matanaw dahil may kalayuan.
Nagpursigi parin ako upang siya ay malapitan,
Kahit nauubos na ang aking kalakasan.
Sa huling pagkakataon ako'y makikipagsapalaran,
Basta mahabol ko lang ang taong malapit sa aking katauhan.
Isang hakbang nalang,
Para muli ko syang mahawakan,
Ngunit biglang tumindi ang hangin dumadampi sa aking katawan,
Hindi ko na namalayan na wala kana sa iyong kinatatayuan,
Wala ka na sa aking harapan,
At tuluyan ng naging madilim ang aking pinagmamasdan.

Wala ka na sa aking isipan,
Tanging nakakapagtakang presensya mo nalang ang naiwan.
Ngayon nandito parin ako sa dati kong tambayan,
Umaasang muli kitang masisilayan,
Pero mukhang hindi na dahil ang paglalakbay ko'y nagkaroon na ng katapusan.
At sa muling pagmulat ng mata ko sa katotohanan,
Wala na ngang ikaw sa kasalukuyan.

SPOKEN POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon