Dahilan kung bakit ako nasasaktan,
Palagi nalang kulang ang aking kakayanan.
Sinusunod ka naman at iginagalang,
Pero bakit lahat ng ginagawa ko sayo'y palaging kulang?
Hindi pa ba sapat ang aking nagawa?
Bakit nagagawa mo pang ngumawa?
Kulang pa ba ang aking malawak na pangunawa?
Ako'y nasasaktan at nawawalan ng gana,
Pakiramdam ko ako'y laging nanghihina.
Dahil sa bawat binibitiw mong salita,
Ay nakakasakit ng damdamin bigla.
Sa tingin ko'y wala na akong nagawang tama,
Kung kaya't puro panunumbat ang iyong isinasagawa.Ginawa kona ang nararapat,
Palagi naman akong nagiging tapat,
Ibinigay na sayo ang lahat,
Pero bakit ganon?
Hindi parin siguro sapat.Mahirap man para sa akin,
Pero ikaw ay rerespetuhin ko parin.
Masakit man ito sa aking damdamin,
Titiisin ko at hindi ipapakitang ako'y nasasaktan narin.
Hanggang sa aking makakaya ako'y magtitimpi,
Sa harap mo ay laging ngingiti.
Itatago ang lungkot sa aking labi,
Magkukunwari na hindi nakakaramdam ng galit at pighati.
Kahit na mayroon akong napapansin,
Napapansin na palagi akong inaapi,
Wala na yata akong kakampi,
Parang magisa lang ako hanggang sa huling sandali.
Ipinagdarasal ko na nga lang na sana hindi na ako magkamali,
Para hindi na ako makaranas ng pagkalungkot muli.Malapit na nga lang akong magalit,
Malapit na mapuno ang puso ko sa lahat ng sakit.
Pero hanggang sa makakaya kong itago ang pait,
Ipagpapatuloy ko parin ang pagtatago sa likod ng takip.
Upang hindi nyo matanaw na nanghihina ako.
Ayoko kasing kinaawaan ako.Pero sa oras na hindi kona magawang magtago,
Lahat ng sama ng loob ay ilalabas kona.
Mga pinipigilang luha ay palalayain kona.
Para hindi na mahirap sa pandama.Sana kapag dumating yung araw na may mapatunayan ako,
Sana naman matanggap mo na ang aking premyo.
Sana malaman mo rin na kaya ko.
Na magtatagumpay ako,
Basta hayaan nyo lang ako.
Pero hanggang ngayon ganon parin ang iyong pakikitungo,
Para na akong naloloko.
Pero kahit ganon hindi ako magagalit sayo,
Siguro magagalit nalang ako sa sarili ko.
Patawad kung hindi ko naabot yung inaakala nyo.
Pero lahat ng ito ay magiging hakbang ko,
Ito ay bahagi ng aking pagkatuto.
Salamat narin ng dahil sa inyo...
Ng dahil sa inyo ay nasanay ako.
Naging matatag ako.
Lumalaban ako.Balang araw makikita nyo rin ang halaga ko,
Marahil ngayon hindi nyo pa mapapansin ito,
Pero kahit ngayon man isumpa kona mismo,
Darating at darating ang araw na kakailanganin nyo rin ako.
Na manlilimos rin kayo ng pinaghirapan ko,
Kaya sana makaya kong tulugan kayo.Balang araw...
Mapupunan ko rin lahat ng aking pagkukulang.
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY
Poesia|Completed| Collection of Tagalog Poetries about Love and Heartbreaks.