Kristeena Abegaile
MABILIS AKONG lumabas sa kwarto na 'yun nung lalake bago pa niya ako maabutan. Imagine kung magising siya at makita akong suot ang shades at long sleeves niya. Baka isipin niyang kawatan ako!
"Kawatan ka naman talaga," I thought. Hindi ko na ito pinansin. And also imagine how awkward it would be! Tch. Lalong ikasisira ng dignidad ko kapag naabutan niya pa ako doon!
Lumingon ako sa kaliwa at sa kanan. Walang tao. Good. Anong oras na kaya? Hinahanap na siguro ako nila Sandy at Fellonie.
Nang nakita ko ang elevator, agad akong sumakay dito. I pressed the ground floor, before I can even think about it. Which I regretted a lot.
Nasa top floor ang kwarto nung lalake, which is the 5th floor, kaya medyo matagal pa bago ako nakababa. Inantay ko hangga't sa makarating ako sa pinaka first floor.
TING! The elevator door slowly opens.
At pagbukas na pagbukas ng pinto ng elevator ay grupo ng mga tao agad ang nadatnan ko.
"Shit," I muttered. Lahat sila nakatingin sa mutanga kong itsura and some of them were gawking like an idiot. Bakit? Dahil mukha akong babaeng di mo alam kung nagahasa o sadyang high lang? Napayuko ako at lumabas na. And...
"Wow..." I looked at the high ceiling down to the well-furnished walls.
Putek, kaya naman pala gulat na gulat sila! This is a high class condo! At lahat sila naka suot ng mga magagarang damit habang ako, ito, mukhang napadaan lang. Pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan sabay bulong sa isa't-isa.
Che! Mukha lang kayong mayaman pero mga ugok din kayo deep inside! I held my chin up and walked towards the door. Yes, makakalabas na rin ako! Sa wakas!
But wait a minute, kapeng mainate...
"Oh, shit!" Naiwan ko rin 'yung purse ko! The hell! No time to go back now, sigurado akong gising na 'yung ugok na 'yun!
Natigilan ako sa paglalakad at napasabunot sa aking buhok. Maya-maya ay may lumapit sa akin. "Miss, are you okay?" tanong sa akin ng isa sa mga staffs. "You look troubled."
"Anything I can do to help?" dagdag niya pa.
Tinignan ko siya at binigyan ng isang alanganing ngiti. "Hehe. Hi. Um... pwede mangutang ng singkwenta?" She looked at me as if I'm crazy.
Kapal talaga ng mukha ko!
---
Buti na lang talaga at mabait si ateng at pinautang ako. Dinala niya ako sa locker room nila at doon kami nag usap.
"Thank you po talaga! Promise po, babayaran ko kayo pag makadaanan ako uli dito," ani ko kay Mary Jane. That's her name.
Ngumiti siya. "Kahit 'wag na po, miss."
"Call me Kris. And again, thank you. Basta, babayaran kita."
Tumango na lang siya. "Sige. Kayo pong bahala." Pinahiram niya rin ako ng tsinelas at plastic para paglagyan ko ng punit kong dress at isang heels.
"Ang dami ko nang utang sa'yo. Sige. Mauuna na ako, Mary Jane. Thank you uli."
Paalis na ako nang magtanong siya. "Ano po bang nangyari? Ba't ka po napunta dito?" tanong niya. Napalingon ako uli sa kan'ya.
"Ah, kasi..." Ano ba?? Nag isip ako ng mga iba't-ibang maaaring palusot. "Kasi nalasing ako kagabi. Oo. Tapos nakitulog ako sa isa sa mga kaibigan ko," pagda dahilan ko na mukhang hindi niya naman pinaniniwalaan.
After a moment of staring bigla siyang tumawa at napailing.
"I get it... you're one of his playmates, aren't you?" tanong nito with a glint of amusement in her eyes. "Ni boss?"
"Ha?" takang tanong ko. "Umm..." ano bang isasagot ko dito? Sinong boss? Putek, sabog din ata 'tong babae na 'to e.
"Anyway, may extra rin akong damit dito. Ayaw mong magbihis muna?" alok niya habang naka ngiti ng kakaiba. Hindi ko na lang ito pinansin at umiling ako.
"Hindi na, but thanks. Baka kasi hinahanap na ako ng mga kaibigan ko. Hindi nila pwede malamang nandito ako. Pwedeng ituro mo na lang sa akin ang daan palabas?"
"Oo naman. Tara." Sa likod kami dumaan kung san wala gaanong tao. "Dito. D'yan ka na lang mag abang. Maraming dumadaang taxi dyan."
"It was nice meeting you, Mary Jane," sabi ko at kumaway.
"Likewise," aniya. Still smirking. Tch. What a weird girl.
YOU ARE READING
Faking Delays
Romance"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...