25. Back

12 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

   

I CAN'T believe that I saw Harris' naked back again! And this time, mula ulo hanggang binti na! I was hyperventilating. He's so damn sexy!

Hutangina yan. Bat ganun?! Ngayon lang ako nakakita ng lalakeng may malaking pwet!
 
Nanatili akong nakasandal sa pinto ng banyo para burain lahat ng nakita ko sa aking isipan. Napatalon lang ako nang marinig kong pinipihit ang pinto. "Fuck!" I cursed.
 
Agad akong umalis sa pagkakasandal at nagkunwareng may hinahanap sa aking maleta. Just in time for Harris to go out the bathroom. Phew!

"You're awake. Good," rinig kong sabi niya. Hindi ko siya nilingon at nanatiling nakatalikod. Ang hula ko ay naka tapis lang ito ng tuwalya. Shet!

"Ah, oo," sabi ko na lang. "Bago-bago lang."

Narinig kong may binuksan siyang cabinet. Mukhang may kinuha siya sa loob nito. "You're sweating, Kristeena," anito. Napahawak ako sa noo at tama nga siya. "You feel hot?"

Actually, hindi. Sadyang kinakabahan lang ako. Did he see me? Alam niya kayang unintentionally ko siyang nasilipan?

"Uhm, kulang lang ako sa ligo. Pwede bang mahiram 'yung banyo mo?" tanong ko. Nanatili pa ring nakatalikod sa kaniya. Mahirap na.

Rinig kong may binuksan siyang pinto uli at pumasok siya doon sa loob. "Of course," sagot niya mula sa loob. Walk-in closet ata 'yung pinasukan niyang pinto.
 
I took that opportunity to run to the bathroom. I blew a breathe nang masara ko na ang pinto. Kalma, Kris!

Tinuon ko na lang ang pansin sa banyo niya. Ang ganda rin! Really, really sytlish. Nakatiles ang sahig at malawak ang loob. Ang bango at may magandang painting na naman sa loob. Hilig niya sa paintings noh.

May cabinet sa wall. May salamin, at meron ding sink.

Binuksan ko ang glass door kung saan ko siya nakitang hubad kanina. Damn that toned ass of his! At ang puti ah, in fairness! Paano pa kaya pag...

Hinampas ko ang pisnge ko. "Taena 'yan. Tama na nga, Kristeena! Ang manyak mo!" pagalit ko sa sarili.

Nilagay ko ang tuwalya ko sa sabitan at pinatong ko ang aking mga damit sa sink. Sinugurado kong naka lock ang pinto bago ko hinubad ng tuluyan ang saplot ko sa aking katawan.

---

Matapos kong maligo ay nagbihis na ako sa loob. Hindi ko na pala kailangan magdala ng toothbrush at toothpaste dahil pagbukas ko ng cabinet ay kumpleto ito sa kagamitan. Mga tuwalyang naka rolyo at hindi pa nagagamit, hindi pa nabubuksan na lotions, at iba pa. Basta! Kumpleto!

Pinapatuyo ko na lang 'yung buhok ko paglabas ko ng banyo. Nakita ko siyang nakasandal sa dingding habang nagbabasa ng libro. "Buti naman at naisipan mo pa lumabas," aniya. "You spent almost 10 minutes in there."

"Kagabi pa ako walang ligo, okay. Masama bang maglinis?" Inalis niya ang reading glasses niya at tinignan ko.

"Maganda 'yun kung wala kang trabaho. May I remind you that you are a maid here and not a visitor?" I rolled my eyes secretly. "And from now on, you may start calling me Sir."

Natawa ako. "Ba't kailangan pa ng ganun?" Actually that was a stupid question. Syempre, he's you boss, Kristeena! Sige bobohan mo pa...

"For formalities, miss Henderson," seryoso niyang sabi. Ibinaba niya ang libro at lumapit sa akin. "Now dry your hair fast, and meet me outside." At umalis na siya.

Napailing na lang ako at ginawa ang gusto niya.

---

Paglabas ko ng kwarto, isang mabangong amoy ang sumalubong sa akin. Hmm! What is that familiar smell?

Hindi ko na muna pinansin ang magarang sala ni Harris. Agad kong sinundan ang amoy. It brought me to a modern kitchen. May glass window ito kaya't kita ko ang bulubundukin na nakapaligid sa bahay niya.

"Sit down," aniya habang nakatalikod. Wearing a white apron. Mukhang nagluluto siya.

"Anong niluluto mo?" tanong ko at umupo sa Island style kitchen niya.

Humarap siya hawak ang pan at nilagay sa isang puting plato ang niluluto niya. "Sunny side up."

Sunny side up lang pero ganun ka bango? Wow! ani ko sa aking sarili. Sunod niyang nilagay ang tuyo at fried rice. May gatas din sa tabi.

Nilapit niya sa akin ang plato pati ang baso. 'Bon appetit.'

Natigilan ako. Gan'tong-gan'to ako ipaghain ni mommy noon. Isang gatas na puno, tuyo, fried rice at itlog sa umaga. Tapos hahayaan niya akong magkamay.'

"Kristeena?" Natigilan ako at napatingin sa kaniya. "Are you okay?"

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa plato ko. "Uh, oo. Okay lang. Umm, hindi ka ba kakain?"

Inalis niya ang apron at sumandal sa sink. "I already ate."

Tumango lang ako. Hinawakan ko ang kutsara't tinidor. Pero shet, hindi ako sanay na may tumitingin sa akin pag kumakain ako! Tsaka mas gusto kong magkamay! Pero putcha, para naman akong tanga kung nagkakamay ako sa harapan niya diba!

"Sa sala lang ako," aniya bigla. He must've sensed the doubt and anxiousness I am feeling. "After eating your breakfast, wash the plate and follow me there." Lumakad siya para siguro umalis pero tumigil din.

"Bakit 'yun?" takang tanong ko.

"Pwede ka nang magkamay." At umalis na siya.

Faking DelaysWhere stories live. Discover now