Kristeena Abegaile
SO TAMA naman si MJ. Juice nga lang 'to. Pero utang ng ina, hindi minimal ang percentage ng alcohol content nito! Lakas ng tama, tol! Potek, medyo hilo na ako!
"Okay, okay, iikot ko na ah." Meron kaming parang maliit na roleta sa gitna na napapalibutan ng mga shots. Kung saan tatapat ang kamay nung roleta, 'yun ang iinumin mo.
And I think naka dalawang baso na ako? Argh! I'm starting to forget.
"Oy, ikaw na!" sigaw ko dun sa katabi ko nang matapatan 'yung shot niya.
"Tama na."
"You're no fun, Oscar," sabi nung katapat kong babae.
"Magpahinga na po kayo."
"Okay, last na. Pag ininom mo 'yan, tama na."
Ininom niya ito na parang wala lang. Tumayo siya pagkatapos. "Magligpit na tayo."
"Ikaw lang. I already said that pag nainom mo 'yun, tama ka na. But we'll continue drinking," paliwanag nung cute na babae.
"Ha? Eh hindi niyo na nga kaya. Si Kristeena, tignan mo, sabog na sabog na!"
Umiling-iling ako. "Anong hindi kaya? Kaya ko, okay? Kaya ko! Iikot mo na 'yan!" tukoy ko doon sa babae. Sino nga uli 'tong mga kainuman ko?
"Sige! And by the way, hindi pa ako lasing ah."
"Ako rin!" sabat ko at tumawa.
Natawa s'ya. "Hindi kaya! Nakaka limang baso ka na po, ate. And I think may tama ka na."
"Aw lima na ba?" Binilang ko ang daliri. "Ay, oo nga noh. Hehe."
"Naku, lagot tayo kay Sir neto! Pinainom natin 'yung dalawa!" rinig kong sabi nung isa.
"Sabi kasi nila isang ikot lang e! Eh nakakalimang ikot na tayo!" sagot naman nung kausap niya.
"Labas po ako d'yan ah! S-Sabi ko 'wag na natin ituloy! Ayoko po masisante."
May narinig akong daing na para bang may binatukan. "Gago ka ba? Syempre ayaw din namin 'yun!"
"Eh ano pong gagawin natin?"
Biglang may humablot sa shot ko. "Hey!" reklamo ko. "Iniinom ko pa 'yan."
"Sorry, ma'am. Pero pag lasing na, tama na." Tangna ng kulot na 'to.
Nagsimula nang magligpit ang iba pa niyang kasama. "Ang kj niyo naman!" sigaw nung babae.
"Sorry po. Pero ayaw namin mapagalitan."
Biglang may bumatok sa akin ng mahina. "Kaya ikaw, K, magpahimasmas ka na at baka dumating na si Sir!"
"Ha? Sino?"
"What's happening here?" Napalingon kami sa may pintuan.
"Pota," rinig kong mura nung lalake. "U-Uh, Sir, g-good evening po."
"Anjelou..." tawag nito. "What is happening here?"
"Sir... uh, ganto po 'yun--"
Pero tumayo ako at sumingit sa usapan nila. "Hi!" naka ngiti kong saad. "I'm Kristeena, nice to meet you!"
Pero imbes na pansinin ako ay may tinawag siya. "Mary Jane."
"P-Po, kuya?"
He took in a breathe. "Tell me... why did you let this happen... again."
"Eh kasi nga... we were bored, t-tapos, ayun, basta! Wala kasi kaming magawa na. Then I thought that maybe we could drink a little."
"And you think drinking is the best way to waste your time?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi naman mataas ang alcohol content nito!"
Nakita kong lumingon sa akin 'yung lalake. Ngumiti ako. "That doesn't look like sober to me."
"Ang baba kasi ng alcohol tolerance ni ate e! Hays. Eh wala nga kaming tama."
"I'll cut off your allowance for this, Mary Jane. And you three... I have a job for you."
Biglang umikot ang paningin ko nang lumingon ako at nakaramdam ng kakaiba sa tiyan ko. "Shit," mura ko at sabay tumakbo. Pero hindi ko na napigilan at isinuka ko na lahat sa may sahig malapit sa sink.
"Clean that," rining kong sabi nung lalake. Hindi ko sila pinansin at naghugas ng mukha at nagmumog. "At ikaw naman... matulog ka na."
And he didn't need to tell me twice. Parang zombie akong dumapa sa sofa at diretsong nakatulog.
---
Nagising ako ng madaling araw. Nakadapa ako sa kama at sa kabilang kama ay nandun si MJ. Tulog. What happened?
Ang pagkaka alala ko ay uminom kami. Pero hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari.
Sinilip ko ang cellphone ko para tignan ang oras. It's already 2 in the morning. Nakauwi na kaya si Harris?
Bumangon ako at lumabas sa sala. I want to drink some cold water para naman maibsan ang uhaw ko at ang hilo ko. Naglabas ako ng pitsel mula sa ref. Habang umiinom ay tinignan ko ang labas.
Maliwanag dahil sa sinag ng buwan at walang tao na makikita. Tanging ang paghampas lang ng mga alon sa dalampasigan.
Kung gising lang si MJ ngayon ay sigurado akong gugustuhin niyang maligo.
I opened the sliding door at malamig na simoy ng hangin ang agad na sumalubong sa akin. I missed the sea.
Saglit akong kumuha ako ng jacket mula sa banyo bago ako lumabas. Sinara ko ang pinto ng dahan-dahan. Baka magising ang mga tao sa loob. Maglalakad-lakad muna ako saglit, para antukin ako.
"Can't sleep?" Napatalon ako at napahawak sa dibdib ko. Lumingon ako at nakita si Harris sa bukana ng pinto, wearing a tshirt and a jogging pants.
"My god, lagi ka na lang nanggugulat!" saad ko.
"No. Magugulatin ka lang talaga," he reasoned out.
"Ba't gising ka pa?"
"Ba't gising ka pa?" pagbalik niya ng tanong niya sa akin.
I crossed my arms. "It's none of your business."
Ipinasok niya ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa. "Of course, it is."
"Pumasok ka na nga sa loob."
He stared at me with that amused grin. "Hindi porke't nasa Zambales tayo at wala sa bahay ay kakalimutan mong ako ang nagpapasahod sa'yo. I'm still your boss."
"Edi pumasok ka na po dun sa loob, Sir."
Pero imbes na lumayo ay lumapit siya. "No."
"Sir--"
"Sshh," he silenced me by putting his finger on my lips. "Come with me. I want to show you something." At hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula siyang maglakad.
YOU ARE READING
Faking Delays
Romance"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...