39. Knight In Shining...

11 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

LUMBAS NA rin kami sa kwarto matapos nun. And the moment we stepped out of the room, he was back to being himself. Cold and serious.

"Sorry talaga," I muttered. I remembered drinking, yes. Pero 'di ko talaga inakalang malalasing ako. Nakakahiya!

"It's fine, Kristeena." Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makasalubong namin si MJ.

"Oh, okay ka na po ba, ate?" tanong nito. Tumango ako. "Thank god! Hindi mo na pipisil-pisilin ang mukha ko! Sakit na e."

"I'm sorry, MJ! Hindi ko talaga sinasadya. This won't happen again, I promise."

She shrugged. "It's okay, ate. Alam ko naman kasi talaga na cute ako."

"Mary, mauna na kayo sa sasakyan. Susunod lang ako," sabi ni Harris sa tabi ko.

"Pero kuya, hindi ako sasabay sa inyo. I have my own ride."

"It's late. Sa bahay ka na matulog," ani Harris.

"But---" magrereklamo pa sana si MJ pero pinigilan siya ni Harris.

"Mary Jane..." he called her.

She sighed. "Fine. Come on, ate, let's go."

Wala na ring masyadong tao sa labas nang dumaan kami. Wala nang mga nag pi picture. Siguro ay pinaalis na sila.

Saglit ang ginawa naming paglalakad at nakarating rin kami sa kotse.

"Ma'am Mary, Kristeena, aalis na tayo?"

"Not yet po, kuya Dev. Inaantay pa natin si kuya." Pumasok na kami at agad kong hinubad ang killer hills na suot ko.

"Hooo, thank you, Lord."

Ganun din ang ginawa ni MJ. "So ate, if don't mind my asking, you are a Henderson, right?"

Tumango ako. "Oo. Bakit mo natanong?"

"Are you somehow related to Hidalgo Henderson?" I gulped as he mentioned my father's name.

Umiling agad ako. "No, no. I've never heard of that name."

"Really?"

"Oo nga. Bakit ba 'yun?" Nakita niya kaya 'yun dito sa Baguio? Ang pagkaka alam ko ay nandoon na sila sa ibang bansa ng kabit niya

"Wala naman po, ate. Natanong ko lang."

Nagpamusic kami sa loob at nagkwentuhan. Medyo nahihilo pa ako dahil sa hangover pero nakakaya naman.

"Ate, do you want to open one of the wines?" suhestiyon ni MJ.

"No, of course, not! Ayoko na malasing uli, MJ."

"Mababa ang level of alcohol content nito, okay." Binuksan niya na 'yun without even asking his brother.

"Magagalit si Harris."

She shrugged. "Edi magalit siya! He can't do anything about naman e." At nagsalin siya sa dalawang wine glass. "Cheers!"

---

"Okay, okay, okay... never have I ever... played in a play at school." Uminom ako dahil sa sinabi ni MJ. Medyo may tama na ako, pero atleast kaya ko pa.

"Oh, you did? What were your role?"

"Witch," natatawa kong sabi. "Okay, my turn. Never have I ever... made out with someone sa school." Uminom siya. "Hala, lagot ka sa kuya mo!" Tumawa ako.

Tumawa rin siya. "It's not really a make out. We were both innocent and we were just exploring! Okay, ako na uli! Umm... never have I ever..." Tumingin siya sa labas ng bintana. "Si kuya!"

Kasama niya 'yung magandang babae kanina. At hawak nito ang kamay ni Harris. I don't know but that slightly irritated me. Kalanding babae ah.

"Ay, mukhang ayaw siya pakawalan, ate. Someone needs to be his knight in a shining gown." Tinignan ko siya. She's still looking outside. "Ate Celia had hurt my brother so bad that it almost cost him his life. I want you to hurt her back."

"Gusto mong sapakin ko siya?" tanong ko.

Nanlaki ang mata niya at natawa. "What? No! Though that would me amusing, pero hindi. That's not enough. I need you to get out there and do something."

"Ano naman?" Lumapit siya at bumulong. "Ayoko!" saad ko matapos niyang sabihin 'yun. "Ano ka ba naman, MJ."

"Sige na! You're pretending na rin naman e. Sagad sagarin mo na lang."

"But it's his ex! Look at her! Maganda, mayaman, maputi. And I'm just..." I sighed. "No one would believe me."

Hinawakan niya ang balikat ko. "I believe you. Now get out of here and save my brother's ass! Hindi niya pauuwiin si kuya at ayokong mag antay ng ilang oras dito sa sasakyan. Inaantok na kaya ako!"

---

Lumapit ako sa kanilang dalawa na nag uusap. Malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ni Harris.

"I need to go, Celia," saad niya doon sa babaeng hanggang ngayon ay hindi pa rin siya binibitawan.

"Please, Lui, I need to talk to you. Just hear me out."

"Hear you out?" he scoffed. "Ano na namang sasabihin mo? Na hindi mo sinasadya? Na mahal mo pa rin ako? Unti-unting tumataas ang boses ni Harris. "Eh hindi mo nga ako pinakinggan nung ako 'yung kumakausap sayo noon e!"

"Lui, please, I'm sorry. I---"

"Love," tawag ko at pareho silang lumingon. "Where have you been? Kanina pa kita inaantay."

"Love?" takang tanong niya. Myghad, Harris. Sa lahat ng oras, ngayon ka pa talaga na-slow! Bahagya ko siyang pinanlakihan ng mata. "Oh, love! Sorry." Lumapit siya at hinawakan ako sa bewang. Tinignan kaming pareho ni Celia. Lalo na ako. From head to toe. I can already feel her dislike towards me. "May kausap lang. This is Cecelia. My business associate."

"And I'm Natalia Amadon," pakilala ko sa sarili. "Her girlfriend, so do me a favor and take your hands off of him." Kinuha ko ang kamay ni Harris at hinawakan iyon.

I saw the hurt in her eyes. And shocked. A bit of betrayal. "O-Of course. I'm sorry. Harris, I, uh... nevermind. Thank you again for attending. Have a great evening." At umalis na ang gaga. Buti naman!

"Hoo!" Huminga ako ng malalim. "Tara na, hinahanap na tayo ni MJ." Pero hindi niya binitawan ang kamay ko. "Hoy. Sabi ko hinahanap na tayo ni MJ, ano ba."

"You just agreed..." aniya.

"To what?"

"To be my pretend girlfriend." And he said that with that stupid smile on his face. Nanlaki ang mata ko. And I felt my face heat up.

"No, no, no, you got it all wrong! I was just acting!" I tried to explain. "Ang tagal mo kasi bumalik, inisip namin na baka ayaw ka paalisin nung babae na 'yun. Ano ba, tara na nga. Nilalamig na ako sa suot ko." Nauna na akong naglakad at hindi na siya nilingon.

Faking DelaysWhere stories live. Discover now