15. Cry

21 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

AGAD AKONG umalis sa bahay matapos sabihin ni Fella kung saang ospital dinala si Tito Arnel. Medyo malapit lang rin 'yun sa amin kaya hindi ako mahihirapang bumyahe.

"I'm on my way," sabi ko kay Fella gamit ang earpiece ko. "Kasama mo si Sandy?"

[ K-Kanina. Lumabas muna kasi ako ng ospital, I don't think I can watch it, Kris, ] sumisinghot-singhot niyang sabi.

"Okay, stay there. And as much as possible, 'wag kang lumayo sa tabi ni Sandy. She needs us right now."

[ O-Okay, okay. Babalik na ako sa loob. ] And she hung up.

---

Good thing at walang traffic sa dinaanan ko. Kaya mga sampung minuto lang ako sa daan.

"Miss, saan po ang room ni Mr. Arnel Rosario?" tanong ko sa babae na naka toka sa may front desk. She looked at me from my head to my toe.

"Um, good evening po... uh, kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong nito.

"Kamag-anak po," I lied. "Please, miss, emergency po. Where is he?" Di nagtagal ay sinabi na rin niya kung nasaan si Tito.
 
Sa fifth floor daw makikita kung nasaan si Tito Arnel. Room 209. Agad akong nag elevator para mabilis na makarating doon.

"Oops, coming through," saad ng isang lalake. Sumingit siya sa papasok sa kamuntik nang sumara na elevator at nagawa pang mapa ngiti. "Oh, hello there," anito sa akin. Tch. Common playboy.

Saglit ko lang itong tinignan at lumingon na naman sa ibang direksyon. "Snub alert," he muttered.

Nilabas ko ang cellphone ko at ang aking headset. Nagkunwari akong busy. May message sa akin si Fella. I opened it.

Fella:

Tito Arnel's stable now. He's resting here in his room. Diretso ka na lang dito.

I sighed. Thank God! Kahit papaano ay nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan. Pinasok ko uli ang cellphone ko at inantay na makarating sa 5th floor.

"Yow, bro!" rinig kong sabi ng katabi ko. Nakita kong hawak niya na rin ang phone niya at mukhang may kausap. "Sup? Ah, nice, nice... Atleast you had a good catch tonight." Englishero pala itong gago na 'to. "Me? Nah, don't even ask, bro. It went fucking bad! She slapped the hell out of me!" kwento nito.

Third floor na. Kanina pa ako naririndi sa lalakeng to. Ang ingay-ingay, kalalakeng tao!

"Yeah! What you said, didn't work, bro! You fucker, I'mma get you for this!" tumatawa-tawa nitong sabi. "Just you wait!"

Ting. Ah, thank God, makakalabas na rin. Mabilis akong lumabas at nagtaka ako nang makitang sumunod sa'kin 'yung lalake.

Naglakad lang ako ng diretso pero hindi pa rin siya nag-iiba ng landas. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng kwarto ni Tito.

"Are you following me?" diretsa kong tanong.

Napa tigil siya sa paglalakad at napa tingin sa akin. He looked much older than me by two or three years, yet he acts like a kid. Medyo messy ang brown curly hair niya kaya mas nagmukha siyang bata.

He pouted and tilted his head a little. "Following you?" he asked. "How do you know that it's me who's following you and not you who's following me?"

"Simpleng tanong lang, ang dami mo pang sinasabi. Oo o hindi? Are you following me?" tanong ko.

He crossed his arms. "No." Itinaas niya pa ang kanang kamay at ngumiti sa akin. "Swear."

Tumalikod na ako para buksan ang pinto pero nagulat ako nang gawin niya rin ito.

"Hey!" pigil ko rito. "What are you doing?" takang tanong ko.

"Umm... opening a door?" pambabara niya sa akin. Aba, may attitude 'tong lalake na 'to ah!

"I mean, bakit mo bubuksan 'yung pinto? What's your business here?"

Hinarap niya ako. "Visiting my uncle. Masama ba?" At tuluyan na siyang pumasok sa loob. What? "Tita," tawag nito. Tita?

Sumunod ako sa kan'ya at nakita kong naka upo si Sandy at si Tita Loren sa tabi ng natutulog na si Tito Arnel. "Oh, Cent. Andito ka pala," bati ni Tita sa kan'ya. Napalingon siya sa likuran nung lalake at nakita ako. Tumango ito. "Kristeena," she greeted. Tumango ako pabalik.

"How's Tito? Okay na ba siya?" Lumapit 'yung lalake sa kanila.

"He's stable now. But he still needs to stay here in the hospital for a few days. They said that they need to run some tests," paliwanag ni Tita. Nagpatuloy na mag-usap ang dalawa.

Tahimik akong lumapit kay Sandeiya. "Sandy." Kinalabit ko siya. Naka tulog na pala siya habang naka yuko. "Hey," gising ko dito.

Bahagya siyang gumalaw. "It's me Kris." Inangat niya ang kaniyang ulo. I looked at her. I never saw her this vulnerable and weak. Nakakapanibago. No lipstick, no make-up, no nothing. Just her and her true self. "It's gonna be fine." Pagkasabi ko nun ay agad siyang umiyak.

"Kris!" she cried. "I almost lost my daddy, Kris! I-I can't... it wasn't..."

"Ssh." I tapped her back gently. "It's okay. Your father's okay now, tahan na." Umiyak lang siya ng umiyak hangga't sa makalipas ng ilang minuto at tumigil na rin.

She don't really cry this hard. She looks tough but she's really soft inside.

"Akala ko talaga huli na ang lahat. I-I never even said 'I love you' to him. I just can't loose him, Kris, I'd never forgive myself." Hinagod ko ng marahan ang kaniyang buhok.

"Hey, Tito's okay now, couz." Napalingon ako nung lumapit 'yung lalake. "So stop crying. You look like a big baby," natatawa nitong komento.

Humiwalay si Sandy sa akin at sinuntok ang kaniyang pinsan sa braso. Mukha namang hindi ito nasaktan. "Whatever, Kocent. Just get the hell out of here."

"For your information, my dear cousin, ako ang may ari ng ospital na 'to. So you can't kick me out," pagmamayabang nito. I secretly rolled my eyes. Bigla siyang napatingin sa akin. "Anyway, can you introduce me to this lovely lady right here?"

Nanlaki ang mata ko. Nilalandi ba ako ng gago na 'to?

"Sorry ka na lang," pagpigil ni Sandy sa kan'ya. "But she's not into mayabangs like you."

Biglang bumukas 'yung pinto at pumasok si Fella na may dalang canned coffee. "Tita, here's the..." Natigilan siya nang mapatingin sa lalake.

Halata rin sa mukha nung lalake na nakikilala niya si Fella. "Oh my -- it's you!" Dinuro niya 'yung pinsan ni Sandy. "You're that pervert!"

Faking DelaysWhere stories live. Discover now