54. Party

13 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

SO I figured that ang nais iparating ni MJ ay kailangan kong maghintay hangga't sa maging mutual ang feelings namin.

But I'm not fond of waiting. If it's supposed to happen, then it should happen now. Time is gold at ang paghihintay ko ay pag sasayang na rin ng oras. He rejected me? Then, okay! He doesn't want me? Then okay pa rin!

That doesn't make me any less of a woman and a person.

"Uy, saan kayo galing?" tanong ko pag pasok nila Oscar, Ger at Loui sa room namin. "Kanina ko pa kayo hinahanap ah."

"Sinamahan namin si Sir sa kabilang isla. Kasama namin 'yung chic na kulay gold na ewan 'yung buhok."

"Ahh, eh si kuya Dev? Nasaan?"

Umupo sila sa sofa. "Papunta na rin sila ni Sir. Kinausap lang saglit si miss Ericka," ani Oscar.

"May gusto man kasi ata 'yun kay Sir. Kung maka dikit kala mo linta," komento ni Gerard. Mag sasang ayon na sana ako nang maalala kong wala pala akong pake.

"Ah sige. Luto na muna ako ng hapunan natin."

Umiling si MJ. " 'Wag na, 'te. Mag antay na lang tayo uli ng maghahatid dito ng pagkain." Kaya hindi na ako tumuloy.

Inantay na lang namin makarating sila Harris sa loob. Maya-maya ay dumating na rin sila.

I saw Harris gave me a glance pero hindi ito nagtagal.

"Uh, so kuya, how's the island?" tanong ni MJ.

Umupo ito sa stool. "Okay naman."

"Binili mo na?"

Tumango ang kuya niya. "Yes. May aayusin na lang na mga papeles and it's mine."

"Oh, that's good. By the way, may party pala mamaya dito sa resort and I'm planning on going. Wanna come?"

"I know. Ericka told me herself."

"Oohh, Ericka. So nasa first name basis na pala kayo ngayon. Ikaw ha," asar ni MJ. Not that I mind anyway.

"Whatever, Mary Jane."

She laughed. "So... shall we go? I mean, aalis na rin tayo bukas, 'di ba? Kasi 'yung pinunta lang natin dito is 'yung island?"

"Aalis tayo the day after tomorrow."

"Kahit na! Ate Kris, sama ka?" tanong ni MJ sa nananahimik na ako. Tinignan ko siya at saglit kong pinasadahan ng tingin si Harris bago muling bumaling kay MJ.

"Okay lang. Hindi naman ako busy."

"Okay! So kung hindi ka sasama, kuya, e kami na lang ni ate ang pupunta."

"I'll go. Someone need to watch over you," ani Harris na muli na namang nagbukas ng laptop niya.

She rolled her eyes. "Oh, come on, brother. Para namang may gagawin akong masama."

"Wala ba?"

"Wala! At isa pa, may mga guards ka naman. Sila na lang ang sasama kung napipilitan ka lang. You look busy."

Isinara niya ang laptop. "I'm not."

Ngumiti si MJ at hinila ako patayo. "Good! So mag pe prepare na kami ah, 'cause the party starts at sundown and it's almost sundown. Chiao!" Pinasok niya ako sa kwarto.

"Teka, wala akong susuotin. If it's a beach party, then 'di ba dapat..."

She shushed me. "Ate, I got you covered."

"Don't tell me papasuotin mo 'ko ng..."

"Just trust me, okay? And promise me that you'll do everything I tell you to do."

"Mary Jane," tawag ko dito. Nag aalangan kung dapat ko ba siyang sundin.

"Ate could you quit that worried face. I just want to know whether I'm right or wrong."

Taka akong tumingin sa kan'ya. "About saan?"

"Basta. Just take a bath. Ako na bahala sa susuotin mo. And like I said, just trust me."

---

Paglabas ko ng banyo ay tapos na si MJ sa pag ayos ng sarili niya. She put up her hair in a messy bun. And now she's applying lipstick.

"Buti naman at tapos ka na. Come sit here. I dryer natin 'yang buhok mo."

"Ano ba talagang iniisip mo, MJ?" tanong ko at umupo sa harap ng salamin. "Medyo kinakabahan ako sa'yo."

Natawa siya sa sinabi ko. "Relax! Walang mangyayaring masama sa'yo." At sinimulan na niyang patuyuin ang buhok ko. "Gusto ko lang i curl 'tong hair mo. Parang mas maganda kasi siya pag may curves."

"Bakit? Para sa'n?"

"Wala naman. And can I fix your brows? I mean, maganda naman siya just as it is, pero gusto ko siya ayusin. And let me paint your face a little ah."

"Okay, Mary, tell me what you're planning. Alam kong may binabalak ka. Spit it out."

"Nothing!" she looks at me innocently. "Wala nga po. Just trust me. Okay? Now let's fix you up."

---

"Sure ka ba? Hindi ba ako mababastos sa suot ko?" Puting parang bra na ewan ang suot ko. Tapos maikling shorts na kahit anong baba ko, maikli pa rin talaga.

"Ate, we are going to a beach party," she said emphasizing the word 'beach party'. "Choose... that tied tank top with a short shorts, or a two-piece. Wala kang ibang masusuot, ate. You need to pick one."

"Eh ba't ganyan na rin 'yang options! Alam mo namang wala akong mapipili d'yan e!"

She smiled. "It's settled, then. You'll wear that white top, and the shorts. Here," aniya at may tinapon sa akin na long sleeved na net na hanggang taas ng tuhod ang haba. "A cover-up. Para mabawasan ang hiya mo.  Tara labas na tayo, you're already done with your hair and make up so we're ready to go!"

Faking DelaysWhere stories live. Discover now