55. Atom

13 1 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

PAGLABAS NAMIN ay ang tatlong kumag at si kuya Dev ang nakita ko. Wala si Harris. Nakasuot din sila kahit papaano ng pang beach.

Nang makita ako ay sumipol si Loui. "Babae tayo ngayon ah," biro niya. "Nagpapaganda 'yan para kay boss, pre. Gusto kasing talbugan 'yung chic na nakasama natin kanina," rinig kong bulong niya sa iba.

Hinampas ko siya. "Bulong bulong ka d'yan! Sapakin kita e!"

"Ang ganda niyo po talaga," sabi naman ni Gerard na nakatingin sa akin. Nginitian ko lang siya saglit.

"Aray naman! At ano ba 'yang suot mo? Mangingisda ka ba?" natatawa niyang tukso sa suot kong cover-up.

"Aba--" Hahabulin ko sana siya pero mabilis siyang lumayo sa akin.

"Mary." Natigilan lang kami nang marinig namin si Harris. Lumingon ako at nakita ko siyang nakatingin sa akin. Mabilis akong nag iwas ng tingin. He's wearing a hawaiian shirt at shorts. Nakabukas pa ito kaya't nakikita ko ang dibdib niya.

"Yes, dear brother?" nangingiti pang tanong ni MJ at lumapit.

"What are you two wearing?"

Tumingin siya sa suot niya. "Oh this? This is called a jumpsuit. At 'yung suot ni ate naman--"

"That's not what I mean..." sabi niya sa mababang tono. Halatang hindi niya nagustuhan ang nakita. Pake niya ba? Tch.

"Why? What's wrong ba? We look great naman, 'di ba?"

"It's too much."

She rolled her eyes. "Kuya, when did you become this conservative? Eh kapag nagpaparty naman ako you only care about my curfew and not on what I'm wearing ah."

Ipinasok niya ang kamay sa bulsa at tinignan si Mary ng masama. "Iba na ngayon."

Tumawa lang si MJ at isinawalang bahala ng sabi ng kuya. "We're going to a party, kuya, for pete's sake. I'm sure you don't want us looking like manangs."

Magsasalita pa sana si Harris nang may kumatok. "Room service," the voice giggled. Biglang nag iba ang mood ko. I knew exactly who it is.

"Not her again," Harris muttered.

"Um, can I come in?" Tumingin kami kay Harris. Tinanguan niya si kuya Dev. Mukhang nagkaintindihan ang dalawa at binuksan niya ang pinto. "Oh, hello again."

She's wearing a red two piece and a cover-up na hindi rin nakubli ang kaniyang suot. Her blonde hair is cascading down her shoulders. She's beautiful.

Argh! Insecurities lubayan mo'ko!

"Ericka," tawag sa kaniya ni Harris.

Nang makita si Harris ay agad na kuminang ang kaniyang mga mata. "Harris!" Lumapit ito at yumakap. "The party's starting... and wala pa kayo. So I decided to go here."

"We're about to leave, actually. There's no need to do that."

"Oh, but it's okay. So... c'mon?" Hinawakan niya sa braso si Harris at hinatak palabas.

Lumapit naman si MJ sa akin at bumulong. "Kung may gusto ka idispatsya, just tell me, okay. I know some people who could hid a body very well."

Tumawa ako at hinampas siya. "Ano bang pinagsasasabi mo. Okay lang ako."

"Hmm. You sure?"

"Oo! Tara na." At lumabas na rin kami sa kwarto at sinundan sila.

---

As we approach the venue, malakas na music ang bumungad sa amin. It's a bar. Pero nasa beach. Hmm. Ang daming mga nagsasayawan.

And all of them were wearing swim wears. I guess natural na lang para sa kanila ang magkakitaan ng balat.

"Ate!" Lumingon ako kay MJ. "Doon tayo sa counter. Order tayo ng drinks."

"No alcoholic drinks for me, Em."

Ngumiti siya. "Of course! I'll order a cocktail, and for you, an orange juice. Fair enough?"

"Sige."

"Oh, saan na naman po kayo pupunta?" tanong ni Loui.

"We'll just buy something. Just stay here and keep watch," ani MJ.

"Kami na lang po siguro ang bibili. Maupo na lang po muna kayo," suhestiyon ni Oscar.

She waved her hand. "Just go. Dance with those beautiful ladies or whatever. Doon lang kami." Itinuro niya ang bilihan ng maiinom. "Sige, bye!" At hinila na ako ni MJ palayo.

Habang lumalayo ay nakita kong may nga lumapit na babae sa tatlo. Nakita ko silang napa iling.

"Hey there, Mr. Bartender guy. One drink for me and my girl here," sabi ni MJ sa lalakeng nagmamaneobra sa counter.

Humarap siya nang marinig si MJ then he smriked. "Hey my ass. What do you want, Jane? Something strong? Something bitter? O something hot?" At ibinalandra pa ang galit na galit na abs nito sa amin. Umiwas ako. Nakabukas kasi ang polong suot niya pababa kaya't expose ang katawan nito.

Kailangan talaga mag pabida? Mas galit pa abs d'yan ni Harris e.

Teka, what?

NO! No Harris tonight, Kristeena. Tonight is all about yourself.

"Haha," pagpeke nito ng tawa.

"Just kidding. So what could I get you tonight?" tanong nung lalakeng may mahogany brown hair.

"You know me. And for this girl, right here, one orange juice." Napatingin sa akin 'yung.

"And who might this be?" And gave a long stare. Creep. "Care to introduce me, Jane?"

"Of course!" Hinawakan ni Em ang likod ko. "This is my ate Kristeena. The bestest friend I could ever have. Ate, this is Atom. The co-owner of this resort, the next in line manager, actually. And also a friend of mine."

Co-owner, huh. So kaano-ano niya 'yung Ericka?

Natawa 'yung Atom kaya napatingin ako sa kan'ya. "You can call me Tom. I'm not really a part of this science-y stuff," nakangiti niyang sabi. His chinito eyes, gleaming. Nilahad niya ang kamay matapos ito ipunas sa bimpo. "It's nice to finally meet a beautiful girl tonight."

"Wow," nasabi ko na lang. "You usually flatter girls this much?"

"No, I don't, actually. You're the first." At mukhang seryoso naman siya sa sagot niya.

Umubo si MJ. "I know you're atttacted to her, Tom. But could you get our drinks first? Then you can flirt."

Sumaludo si Tom at ngumiti. "Of course, ma'am. One cocktail and an orange juice coming right up." At nagsimula na itong magpabida.

---

Author's Note:

Everybody meet ATOM! *iniharap si Atom sa madlang people* Say "hi", baby!

Atom: Hi, baby. *winks*

Love,
RM

Faking DelaysWhere stories live. Discover now