53. Shell

12 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

I WAS contemplating whether I should do this now or not. Pero naalala ko ang sinabi ni Sandy. I should do everything. It's all or nothing.

"It's now or never..." saad ko sa sarili. I know that after I do this, something will change. Pero kung wala akong gagawin, walang mangyayari.

"Hey," rinig kong sabi niya. Nilingon ko siya. Nakatshirt siya na blue and a shorts. "What's that?"

Tumayo ako. "Um... ano... I don't know when your birthday is kaya may pa advance gift ako para sa'yo." Habang sinasabi 'yun ay hindi ko siya tinitignan

"February 1," sabi niya kaya inangat ko ang tingin ko. "That's when my birthday is."

I smiled. "Belated happy birthday, then. Uh... here." Inangat ko ang kamay at nilahad ang kwintas.

Kinuha niya ito. "Wow. I appreciate it... pero bakit? What's this for?"

I shrugged my shoulders. "Wala lang." Syempre 'di ko sasabihin ang special powers nung kwintas.

He smiled and stared at the shell in the middle. "Hmm. You know, I once heard a story about a necklace made by a fisherman who gave it to the one he loves... now they're together living a happy life."

Namula ako. "I wonder if it's this shell..." Nakangiti siya habang tinititigan ang shell. And I knew then that he knows that I know what he's talking about.

"Uh," I tried explaining. "Harris... I... like you." Nakahinga ako ng maluwag. There. I said it. It's done. Now's the time to face the consequence.

"W-What?" he stuttered. The first time. Tinigan niya ako at obvious na hindi niya inaakalang manggagaling 'to sa akin. "That's not a funny joke, Kristeena," tawa nito.

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Kristeena," tawag niya sa akin. Seryoso na ang aura niya. The amusement is gone and he's not smiling anymore. Kinabahan ako.

"Harris?" Lumapit siya at isinuot sa akin ang kwintas na binigay ko.

He held my shoulders. " 'Wag ako..." he said. And exit the house to go outside.

---

Mag uumaga na nang matanaw ko ang tinutuluyan naming kwarto. Hindi ko alam how I managed to find it, but I'm grateful I did.

Sa likod ako dumaan, kung saan ako lumabas kagabi. Nakita ko si MJ na pabalik balik.

"ATE! My god, where have you been? Nagulat na lang ako pag gising ko, wala ka na sa kama mo! At bakit gan'yan ang suot mo? Panlalake?" sunod-sunod na tanong niya pagpasok ko.

Sorry lang ang kinaya kong sabihin bago ako pumasok sa kwarto at nag lock. I want so sleep. Tinapon ko ang kwintas kung saan at dumapa. "Potnginang kwintas 'yan. Peke," I mumbled.

And I drifted off to sleep.
 

'Tama na, Ron. Ayoko na. Kung pareho na lang rin tayong naglolokohan, mas maigi pa kung maghihiwalay na lang tayo,' rinig kong sabi ni mommy isang gabi. She's drunk again. Like last night. And the night before that. Lagi na lang.

'Tama na nga ang inom mo, Eva! You're acting like a child!'

Rinig kong tumawa si mommy. "A child? Ako pa? Ha?! Sino ba sa ating dalawa ang may kabit?!'

'Babaan mo nga ang boses mo, baka magising si Abby!' rinig kong sabi ni dad. 'And give me that bottle! Matulog ka na dun!'

'Kung pwede kang mambabae, pwede rin akong uminom! Why stop me? Pinapakielaman ba kita, ha?'

'Ilang beses ba natin pag uusapan 'to! You agreed to this!'

May narinig akong nabasag kaya tinakpan ko ang tenga ko. 'Tama na, tama na...' I muttered while choking back my sobs.

'Oo na! Pumayag na akong mag pakasal dahil I thought that aside from saving your company, matututunan mo rin akong mahalin! Oo na, tanga na ako! That's what you want me to say, 'di ba? That all of this is happening because I wanted this to happen!'

'Ano bang gusto mong mangyari, Eva?'

'I want a divorce...' seryosong sabi ni mommy.
 

"Ate Kristeena? Gising na po," rinig kong sabi ni MJ habang kinakatok ang pinto ko. "Ate may dala po akong pagkain dito."

"Maya na, Em. Inaantok pa ako," sabi ko kahit ang totoo ay tinatamad lang akong magkilos-kilos.

"It's already past 2 in the afternoon po. You already skipped breakfast and lunch. Hindi siya maganda sa kalusugan."

Bumangon ako at chineck ang oras. It's already 2:40. I sighed. "Seriously, Kristeena, dahil lang sa nareject ka magkakaganyan ka? Wake the fuck up! Lalake lang 'yan! It's your first time, yes, pero gan'yan ang buhay! You can't have it all," pag eencourage ko sa sarili ko.

"Sige, MJ, lalabas na rin ako. Saglit lang." Tumayo ako at pumasok sa banyo. Maybe that's all I need to stop this 'crush' crap. Siguro kailangan ko lang talaga mareject para matauhan, noh. Buti na lang at mababaw pa. Kundi... I'd have a hard time moving on.

---

Habang kumakain ay nakatitig lang sa akin si MJ. And it's creeping me out. Wala rin ang mga guards sa kwarto. Saan kaya ang mga 'yun?

"Umm, okay ka lang?" tanong ko nang hindi pa rin tumitigil si MJ sa pag tingin sa akin.

"Okay ka lang?" tanong niya pabalik.

Ngumiti ako ng pilit. "Oo naman. Mukha bang hindi?"

"You looked like you've just been in a heartbreak or something... Your eyes, they're lifeless. And you! You're lifeless, too! Ano bang nangyari?"

Ibinaba ko ang kutsara't tinidor na hawak ko. I smiled, bitterly. "Hindi mo naman ako ininform na paasa pala ang kuya mo."

"Bakit po 'yun? Ano bang nangyari?"

Since sa tagal ng pagsasama namin as a friend, I decided that mapagkakatiwalaan din naman siya. So kinwento ko. "I liked your brother," I started. "Nakakatawa man aminin, pero nagkagusto ako sa kan'ya. Wala e. He's caring, he's sweet and he treats me as if I'm special kapag kami lang dalawa. Pero kaninang madaling araw, nung umamin ako, sabi niya 'wag daw siya. So was it my fault? Siya 'tong nagdala sa akin sa ere, tapos iiwan niya ako dun and it's supposed to be my fault?"

Hinawakan ni MJ ang pisnge ko at pinunasan ang mga luhang 'di ko napansing tumulo. "There's a reason behind everything, ate Kris. Maybe there's a reason why he said that. Because based from I see, he doesn't mean it. Trust me, I know."

"What's your point?"

Ngumiti lang siya. "Just trust him as much as you trust me. And hold on to that feeling. I swear, ate, something good happens to those who wait."

---

Author's Note:

Argh! The rejection! *heart aches* Sakit nun! Danas niyo 'yun? Danas ko eun. Sakit veh!

Love,
RM

Faking DelaysWhere stories live. Discover now