Kristeena Abegaile
SO THIS is Zambales.
Hmm. Not bad. It has the sand and everything. Not really what I was expecting because...
IT'S ACTUALLY GREATER THAN THAT! The white sand and the clear blue sea, and more, it's all here!
Medyo malayo pa naman kami sa dalampasigan pero tanaw ko na ang kagandahan mula dito!
"This is going to be the greatest trip, ever!" komento ni MJ. So the trip was just 30 minutes or so, pero hindi umabot ng oras. Then 30 minutes from the airport to this beach.
"Let's check in first." Napalingon ako kay Harris na suot ang shades niya uli. "Gerard, Anjelou, the bags..."
"Yes, sir!" sagot ng dalawa. Pumasok na kami sa parang hotel dito sa beach.
Dumiretso si kuya Dev sa front desk at kinausap ang babae doon habang naiwan kami malapit lang sa may pinto.
Si Harris naman ay busy sa pagtipa ng kaniyang cellphone. Maya-maya pa ay may lumapit sa kan'ya. "Good morning, Mister... Everett?" bati nung babaeng may maikli at blonde na buhok na naka two piece underneath a cover-up.
Nag angat ito ng tingin at tinignan ang babae. "Yes?"
"I'm Ericka Badenas, the manager... Just want to welcome you personally to Zambales and to our hotel," aniya.
"Yes... and what do you want from me?" tanong agad ni Harris. Staight forward talaga.
She smiled. "I'm supposed to take you to the island that you wish to purchase, remember? We talked on the phone..." she said in her sultry voice. Tngna, what a flirt!
"Oh, of course. I remember." Nakipag kamay ito. "So what time do you plan to go?"
Natawa ito na animo'y nag joke si Harris. May nakakatawa, te?
"Hindi ka naman masyadong excited... don't worry. As long as I'm here, the island is all yours," marahan nitong sabi at humawak sa balikat niya. Aba!
Harris gave a brief laugh. "I'm a busy person and I want to get things done as soon as possible. So how about later?"
Ngumisi 'yung Ericka. "How about tomorrow? After breakfast? You can join me so we can go there together..."
"Okay," sagot ni Harris. "Tomorrow it is."
She smirked. "Okay, then, Mr. Everett. See you in the morning." At bago pa umalis ay may pahawak pa siya sa braso ni Harris. Kalanding babae oh!
May umubo sa tabi ko. Pag lingon ko ay si MJ. Nakatingin sa akin at nakangiti. "Ano?" tanong ko.
Umiling siya. "Like I said... this is going to be the best trip, ever." Magtatanong pa sana ako nang tawagin kami ni kuya Devenan.
---
"So we'll all be together in a big room. That's cool." At pumasok na si MJ sa loob ng malaking kwarto na may mga glass windows para tanaw mo ang view sa labas pati ang dagat. "May tatlong kwarto dito, 'di ba? So I'm guessing... one for the guards, for me and ate Kris, then you?"
"You guessed right," sagot ng kuya niya. "Ayusin niyo na mga gamit niyo," anito at pumasok na sa isang kwarto.
I sighed. "Medyo putol-putol ang tulog ko kanina, so baka pwedeng umidlip muna ako?"
"What? No! We are here in Zambales, one of the greatest tourist destination here in the Philippines tapos tutulugan mo lang? We are going to look around, and buy things!" suggestion ni MJ.
"Argh, pwede bang bukas na? 'Di ka pa ba pagod? Kala ko ba..." and I gave her a you-know-what stare.
"Sus. Walang pagod-pagod."
Nilingon ko ang mga guards. "Sama kayo?" tanong ko.
"Kahit 'di niyo po kami tanungin, sasama kami," sabi ni Loui.
"It's our job na bantayan kayo saan man kayo mag punta," dagdag naman ni Oscar.
"Dito lang ako. Ako ang maiiwan dito para magbantay."
"Dito lang rin po ako. Masyado pong maraming tao sa labas," Gerard said, being the shy guy he is.
"Okay! Bihis lang ako! Hey you," turo niya kay Oscar, "please put the bags inside the room. Kahit d'yan lang sa may pinto."
Tumango si Oscar at pinasok na sa loob ang mga bags ni MJ. Sumunod din si Loui at pinasok din ang bag ko.
"Thank you! Ate, magbibihis ka pa?" Umiling ako.
"Okay na ako sa suot ko."
She shrugged her shoulders. "Sige po."
Nang magsara siya ng pinto ay umupo ako sa sofa na nasa sala. "Eh kayo? 'Yung mga bags niyo?"
"Nasa kwarto na po, ma'am," sagot ni Loui.
"Hoy! 'Di ba sabi ko... no ma'am kapag wala si Harris."
Ngumiti siya. "Sabi ko nga."
"That's more like it."
Maya-maya pa ay lumabas na si MJ suot ang white tube, square pants na itim at big summer hat. Talagang summer na summer siya oh.
"Let's go!" At sinuot na niya ang shades niya.
---
"Yes po, magkano po dito sa small turtle?" tanong ni MJ sa tindera dito sa souvenir shop. "Ah, okay po. Isa po. Tapos isa rin po nitong necklace po. No, 'yung katabi po. 'Yung may big shell sa gitna. Yes, thank you po!" Naiwan sila Oscar at Loui sa labas ng shop.
Ako naman ay busy sa pag tingin ng iba't-ibang shells na naka display. Meron pang isa na heart shaped. Ang astig naman.
"Gusto niyo pong bilhin, ma'am?" tanong nung saleslady. Agad akong napalayo.
"Uh, hindi po. Tumitingin lang." Tumango siya.
"Ganun po ba, ma'am... sayang naman. May special powers pa naman po ang shells na 'yan," kwento niya.
"Special powers?" pag uusisa ko rin.
Ngumiti siya. "Yes po. Ang nakakuha po kasi ng shell na 'yan, sawi noon sa pag ibig. At ayon ho sa kwento niya, iniregalo niya ito sa nililigawan niya. Ngayon ay kasal at may anak na sila."
"Bale kung bibigyan mo ang taong gusto mo nito, magkakagusto rin s'ya sayo?"
"Nadale niyo po, ma'am!
Tumango ako. "Ahh. Interesting naman..."
Duh! Sinong maniniwala sa ganung kwento! Bata siguro, pwede pa. Sus. 'Tong ate na 'to. Lakas maka salestalk. Hays.
"Ate, tara na po," tawag sa akin ni MJ na may dalang plastic.
"Sige sige!" Lumabas na siya. Tumingin ako muli kay ate at bumuntong hininga.
"Um... magkano po ang isa?" tanong ko't nagba baka sakali.
YOU ARE READING
Faking Delays
Romance"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...