Kristeena Abegaile
DAHAN-DAHAN akong naglakad. Ewan ba. Parang kinakabahan ako na ewan. Baka kasi mamaya may alarm na bigla na lang tutunog.
There are paintings everywhere! Mukhang kilala ang mga gumawa o gumawa dahil napaka ganda!
"Ang lawak pala dito," saad ko sa sarili.
May mataas na ceiling at puro glass window. Wooden floor and sahig na naka varnish. Kung sa baba modern, 'tong sa second floor naman ay medyo western style. Puro carvings at maraming mga furnitures.
Nadako ang tingin ko sa isang picture frame sa may lamesa. It's a picture of a beautiful girl wearing a white dress while smiling genuinely at the camera. Whoever took the photo must've made her smile that day. Sino kaya 'to?
Binaba ko na 'to at dahan dahang lumapit sa window at nakita na may malaking pool sa labas. "Wow." Rectangular and shape ng pool. And made of glass din ang palibot. Hilig niya sa glass.
I slid the door aside. I guess it wouldn't hurt if I take a peek.
Akmang lalapitan ang pool nang...
"Hoy!" Oh, shit!
---
"Ah, gan'to kasi yan, boss," saad ko sa guard na nakahuli sa akin sa 2nd floor, "may nakita kasi akong pusa! Tapos hinabol ko! Tapos 'yun, uhm, napunta ako sa 2nd floor. Hehe."
Nasa sala kami ngayon, banda sa hagdan. Para akong batang pinapagalitan ng tatay. Mukhang medyo may edad na kasi ito siya.
"Anong tingin mo sa akin, hija? Bata? Hindi mo 'ko madaanan sa mga gan'yang palusot. Umamin ka na lang kasi! Anong ginagawa mo sa taas?" tanong nito uli.
"Kuya! Kuya, 'wag niyo po sabihin kay Harris na umakyat ako! Please, masisisante po ako!" pagmamakaawa ko.
Natawa siya. "Hija, kumalma ka. Hindi ako magsusumbong kung aamin ka. Anong ginawa mo sa taas?"
Napatingin ako sa baba. "Nakakagigil kasi 'yang boss mo, kuya! Pinasuot-suot ako ng dress! Nakakainis talaga! Kaya ayun... Naisipan kong suwayin 'yung utos niya, para lang makaganti."
"Pasalamat ka na lang at ako ang nakahuli sa'yo," he sighed.
Tumango ako. "Oo nga po e. Thank you po pala, kuya..."
Hinawakan niya ang ulo ko. "Devenan ang pangalan ko hija. Ikaw ata 'yung Kristeenang nakwento niya nung isang araw."
"Nakwento na niya ako?" And why the hell would Harris do that?
Umiling siya. "Wala, wala. Osia, maglinis ka na. At 'wag mo na uulitin 'yung ginawa mo ah."
"Opo." Ngumiti siya at umalis na. I blew a breathe of relief.
---
Ang tagal naman umuwi ng gago na 'yun! Hayst. Lalamig na 'tong niluto kong hapunan, jusko. Sarap pa man din 'to.
"Oh, kuya Devenan!" tawag ko sa kaniya nang makita ko siya sa loob.
"Kristeena!" he acknowledge me. "Bat naman nakapasalumbaba ka dyan?"
Napa buntonghininga ako. "Ang tagal kasi ni Harris umuwi. Masasayang lang 'tong niluto ko." Bigla akong nabuhayan nang may maisip. "Teka, baka gusto niyo pong kumain? Ito po oh! Para hindi masayang!"
Agad siyang umiling. "Naku, hija, hindi na. Busog na ako."
"Eh 'yung iba pong guards dyan sa labas? Ilan ba kayo dyan, kuya?"
"Lima kami, kabilang na ako dun." Inestimate ko ang niluto ko kung kakasya ba sa aming lahat.
"Kasya naman po 'to sa atin. Dali, tayo na lang ang magsalo-salo dito! Sayang naman po kasi, kuya." Tumayo na ako at naghanap ng plastic na plato, or kaya nama paper plates.
He sighed. "Tutal, mapilit ka naman, sige na lang."
"Yes! Sa labas tayo kumain, kuya. Isabay na natin 'yung mga kasamahan mo."
Kumuha ako ng isang mangkok ng niluto kong Kare-Kare at isang plato ng kanin. "Napakarami naman niyan, hija."
"Kaya 'yan, kuya. Tara na po," ani ko habang dala ang dalawang plato.
Kinuha ni kuya ang mga ito. "Ako na."
Hindi na ako naka hindi dahil nilabas na niya iyon. I just shrugged my shoulders and followed him outside.
Alas otso na ata. Pero dahil sa liwanag ng mga poste sa harap ng bahay ni Harris ay nakikita ko pa ang paligid. Malawak rin ito at maaliwalas. May garden sa tabi na punong-puno ng flowers.
"Mga kasama, 'lika na muna rito! May dala itong si Kristeena para sa atin," tawag nito sa mga kasama.
"Pagkain? Pagkain nga!" rinig kong sigaw nung lalake sa may gate. Sinalubong niya si kuya Devenan. "Wow, boss, ang bango naman nito!"
"Dala ni Kristeena." Tinuro ako ni kuya Devenan kaya napatingin sa akin 'yung guard.
I saw his mouth formed an "o". Napatingin ako sa suot ko. "Putek," bulong ko sa sarili. Nakadress pala ako! Pasimple kong binaba ang suot na dress.
"Ah, hi! H-Hi po, miss Kristeena! Ako nga pala si Gerard." Lumapit siya at ibinaba ang suot niyang cap. "Isa sa mga security guards ni Sir."
Tumango ako at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "Hi," maikli kong sagot at agad na binawi ang palad.
"Hoy, Ger, ano na naman 'yan!" Napatingin ako sa lalake na may dalang upuan at lamesa. "Tulungan mo nga ako dito! Landi mong bata ka!"
Speaking of bata, mukha ngang bata si Gerard. 18, I guess. "Ah, opo!" Agad niyang pinuntahan ang kasama.
"Oy, kakain na? Wow, sino nagluto?" May sumulpot na naman mula sa parang munting kwarto-kwarto na malapit sa gate kung saan sila nakaupo kanina. Humikab siya at mukhang galing lang sa pagtulog.
"Siya," turo nung lalake na may dalang upuan at lamesa na ngayon ay busy sa pagkain. "Dali, Oscar, kuha ka ng tubig sa loob. Labas mo dito."
"Tangna 'yan, ikaw na lang, Loui! Tamaran 'to."
Lumapit sa akin si kuya Devenan. "Gutom na gutom ata 'yung mga kasama mo, kuya."
"Hay. Pagpasensyahan mo na ah."
"Nasaan po pala 'yung isa? Diba lima kayong lahat?"
"Ah, si Ross... andun kasama si boss." Napatango na lang ako.
YOU ARE READING
Faking Delays
Romance"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...