Kristeena Abegaile
MAGMULA NG araw na 'yun, lagi na akong sinasamahan ni MJ dito sa bahay ni Sir. Every weekend, or sometimes thrice a day. Sabi niya, wala naman daw siyang gagawin kaya dito muna siya. Oh and she said that I should call her MJ since we are now "best friends". Ewan ba dito sa kaniya.
"So, ate, tingin mo anong babagay sa akin? The white one, or the red one?" Nasa kwarto kami ngayon. As usual, wala si Harris. Ayun, nasa trabaho. Tapos ko na rin ang mga gagawin ko kaya time ko na mag pahinga.
"Bagay naman sa 'yo 'yan pareho. Just pick one," ani ko at kumain sa ice cream na dala niya.
"I know! But I can't decide! Kaya nga dito ako sa 'yo pumunta eh," she pouted.
I rolled my eyes. "Alam mo naman siguro na hindi ako maporma, 'di ba. At hindi ako nagsusuot ng dress."
"You're wearing a dress now," tukoy nito sa suot kong maid uniform.
Nainis na naman ako. Mag tatatlong buwan na ako dito at hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapayagang mag suot ng gusto ko. Hays. "Napilitan lang ako mag suot netong basura na 'to, okay!"
"Just help me, will yah." Sinukat niya ang pulang long gown na masyadong revealing. At tinignan ang sarili sa full length mirror. "Ang ganda nito."
I cringed. "Seriously? Eh parang unting hila na lang dyan, mahuhubaran ka na ah."
She rolled her eyes. Itong bata na 'to! "This is called fashion, ate. Porke't wala ka kasing ibang alam suotin kundi 'yung mga granny clothes mo."
"Aba! Iniinsulto mo ba ako? Gusto mo ba sabihin ko sa kuya mo na pinagnanasaan mo 'yung bodyguard niya?"
Ngumiti siya at nag peace sign. "Just kidding."
"At saan ka ba pupunta at kailangan mo mag suot ng ganyan?"
"May fund raising event akong aattendan mamayang gabi para sa mga orphans at isa ako sa mga special guests. Syempre, I need to dress to impress."
Muli akong sumubo sa ice cream. "Papayagan ka kayang pumunta doon ng kuya mo na gan'yan 'yung suot mo?"
"Hindi naman siya mag aattend. At isa pa, he can't stop a girl like me. You know that, 'di ba."
I sighed. "You look mature in that dress. At kung magre red lipstick ka, you'd really look stunning."
Ngumisi ang gaga. Magyayabang na naman 'to. "Ate, kahit wala pang lipstick, I already look stunning! Paano pa kaya pag nag ayos na ako?"
Napailing ako. "Hangin mo talagang bata ka."
Tunawa siya at humarap sa salamin. Umupo siya sa upuan at nagsimulang mag make up. I, on the other hand, continue to devour the ice cream. Nakadapa ako sa kama habang pinapanuod siya. She tied her hair up in a messy bun.Backless ang red, long, glittery gown na suot niya at medyo fitted. Kaya't kitang-kita mo ang pagiging payat niya. Ang design naman sa harap ng gown niya ay parang may hati sa gitna at kita ang cleavage niya hangga't sa itaas ng pusod niya. Liberated na talaga 'tong bata na 'to.
Humarap siya at ngumiti sa akin. "Ta-da! How do I look?"
Sandali akong napatitig. "Mary Jane," tawag ko.
"Hmm?"
"Alam mo bang kung lalake ako ngayon, liligawan kita..." biro ko.
Tumalikod siya muli sa akin. "Nako, ate. Natitibo ka na naman sa akin. You must watch yourself. Baka mainlove ka," pagsakay niya sa biro ko.
Tumawa na lang rin ako. Hinubad na niya ang gown at nagsuot ng tshirt. "It's settled, then. Ganun ang magiging look ko mamaya. I'm excited!"
"Sino 'yung kasama mo sa event?"
"My date."
"At sino naman 'yung date mo?"
Ngumiti siya. "Sino pa ba? Edi si Ross!"
"Wow. Mukhang may improvement na kayo ah."
Umupo siya sa tabi ko at kumuha din ng ice cream. "Of course! Ako na 'to. I work fast."
"And that's okay with your brother? Akala ko ba against siya sa ideyang magkagusto ka dun sa Ross?"
Nagtaray na naman siya. "How many times do I have to tell you, ate Kristeena! He can't stop a---"
"A girl like you, I know," pagtuloy ko sa sasabihin niya. "Pero papagalitan ka niya."
"Duh, ate. It's already the 21st century. Hindi na uso ang pagalit-galit keme na 'yan." Pinunansan niya ang gilid ng kaniyang labi at tumayo. "Ate," she called.
"Po?"
She smiled. "May I paint your face?" simple nitong sabi habang nakangiti sa akin.
"Paint?"
"With these." From her purse, nilabas niya ang kaniyang makeup kit.
"The fuck, no! No, MJ, no. Magkamatayan na, hindi ko ipapagalaw 'tong mukha ko sa'yo."
She pouted like a child. "I'm an expert at this. Sige na!"
Dahan-dahan akong tumayo at humanda sa pagtakbo. "No, MJ. Nako ba talaga."
Nang lumapit siya ay tumakbo ako palabas ng kwarto. Pero nabangga ko si Harris kaya napaupo ako sa sahig.
"Hey!" sigaw ni MJ at nilapitan ako. "Ano ba, kuya, watch it naman."
"Are you done cleaning?" tanong nito sa akin at hindi man lang nag sorry! Maski tulungan akong tumayo, hindi rin! Chivalry really is dead to him.
Buti pa si MJ tinulungan akong tumayo. Nagpasalamat ako sa kaniya. "Sorry ah!" sarkastiko kong sabi kay Harris.
"I asked if you're done---"
"Oo, tapos na!" Pinagpagan ko ang aking puwetan. "Ikaw anong ginagawa mo dito? Alas singko pa lang ah. 'Di ba gabi pa ang uwi mo?"
"Oo nga, bro. Why are you here?" tanong rin ng kapatid niya.
"You have nothing more to do?" Hindi niya pinansin ang mga tanong namin at hindi rin niya inalis ang tingin sa akin.
"Wala na nga. Bakit ba 'yun?"
Saka ko lang napansin na may dala siyang malaking puting box. Inilagay niya ito sa kama. "Good. Put this on."
"Ha? Sino ako?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin saglit. "Yes, Kristeena, I am talking to you." Inilagay niya rin sa kama ang mga shopping bags na dala niya. Saan kaya 'to galing?
"Wow, kuya! This is... this is from Alyana's collection of famous dresses! How did you got one of these?"
"I bought it," seryoso nitong sabi. "From France."
"And these branded makeup?"
"Bought them from France as well."
Ibinaba ni MJ ang mga bags at tumingin kay Sir. "Kuya, don't tell me nagbakla ka na!"
"What the hell, Mary!" singhal ng kuya niya. "Those are not for me." Tumingin siya sa akin. "Those are for her."
Lumingon si MJ sa akin. "For her? Why?"
Maging ako ay nagulat at nagtaka. "Oo nga, bakit? Anong meron?"
"You, miss Kristeena, are going to be my date for tonight," he seriously said. And my heart just skipped a beat.
YOU ARE READING
Faking Delays
Romance"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...