21. Need Me

14 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

GABI NA ako umuwi. As always. Pagtapos sa panederya na nagsasara ng alas sais ng gabi, pupunta ako kila Nica para mag alaga ng anak niya. I just really love children.

"Kumain ka na?" tanong nito. Tumango ako at nilaro si Sofia. Her three year old child.

"Opo. Kanina pa, ate."

Umupo siya sa sofa habang kami'y naglalaro ni Sofia sa sahig. "Sigurado ka? Ang putla mo na oh. Parang magkakasakit ka na."

Natawa ako. "Gan'to lang po talaga ang kulay ng balat ko," ani ko. Pero ang totoo ay hindi ko pa rin makalimutan ang itim na kotse na nakaparada sa may tapat ng bakery kanina. Black na Montero Sports. Tch. Isang tao lang ang alam kong may ganoon.

"Osia, kumain ka na lang. Mag aalas siete na oh. Baka magutom ka."

"Hindi na po. Kumain ka rin ako kanina. Baby, oh." Inabot ko kay Sofia ang laruan niyang manika. Ngumiti naman ito.

She sighed. "Tch. Saan na kaya si Ern ah. Kanina pa dapat siya naka uwi," anito sa kawalan.

"Ano po bang trabaho ng asawa niyo?"

"Naglalako siya doon sa bangketa, malapit sa palengke. Nagbebenta siya ng kung ano-ano," paliwanag niya. "6:00 dapat andito na 'yun e." Halata ang paga alala sa mukha niya.

I smiled. "Ayaw mo iyon, te? Mas matagal mo 'kong makakasama?"

Ngumiti rin ito pabalik. "Ikaw talaga. Oh, sige na. Kumain ka na. At 'wag ka nang humindi ah. Babawasan ko sweldo mo," panakot pa nito.

---

Umuwi na rin si kuya Ernesto kaya umalis na ako. Singkwenta kita ko sa ilang oras na nandoon ako. Okay na 'yun kesa wala.

Kaya ito, naglalakad na ako ngayon pabalik sa apartment. 8:30 PM na. Sigurado akong wala na namang tao sa apartment dahil lahat sila ay may kan'ya-kan'yang raket na inaatupag.

Madilim sa loob nung apartment pag-uwi ko. As always naman. Kinapa ko 'yung switch pero hindi ito gumana. Pundi na?

"Umm... kuya Do --- HMM!" Napapitlag ako nang may naglagay ng kamay niya sa bibig ko. Pwe!

"Sige, sumigaw ka at lalagyan ko ng butas 'yang tagiliran mo." Nanlaki ang mata ko.

Hindi ako pwedeng magkamali! Si kuya Dodong nga 'to! "Kaya tumahimik ka kung ayaw mong mapahamak." Ramdam ko ang matulis na bagay na nakatutok sa tagiliran ko.

"Hmm!" ani ko. Lalo niyang hinigpitan ang pagkaka kapit sa akin at diniinan ng marahan ang aking tagiliran.

Kinalma ko ang aking paghinga. "Madali ka naman palang kausap," natatawa nitong saad. Amoy ko ang alak mula sa kan'ya. Tumawa siya. "Lakad!" utos nito. Naglakad siya hanggang sa makapunta kami sa tapat ng pinto ng kwarto niya.

I became pale. "Hmm!" I panicked. Alam ko kung ano ang binabalak niyang gawin.

"Ssh. Mamaya ka na sumigaw. Hindi pa nga tayo nagsisimula," nakakadiri nitong sabi. Tangina!

Mabilis kong inangat ang mga kamay ko sa aking dibdib at inalis ang pagkakakapit niya sa akin. Tumakbo ako ng mabilis palabas ng pinto habang nagsisi sigaw. "TULOOONG!"

Rinig ko ang mabilis niyang pag sunod sa akin. "Pag naabutan kita, yari ka!" aniya. Tumakbo akong muli. Adrenaline taking over. Where are the bystanders when you need them the most?!

Pagliko ko sa kanto, bigla akong may nakabanggang katawan. Alam kong malakas ang impact ng pagkakabangga dahil napa hakbang ako pabalik. Pero 'yung katawan hindi man lang natinag. Inangat ko ang tingin dito.

"You!" I shouted. "What the hell are you doing here?!" sigaw ko.

Hanggang dito ba naman, masusundan ako ng mokong na 'to?!

"HOY, KRISTEENA!" Mabilis akong napalingon kay kuya Dodong na may hawak na kutsilyo. "BUMALIK KA RITO!"

"Shit." Tatakbo na sana ako uli nang hawakan ni Harris ang braso ko para mapigilan ako. "Ano ba!"

"Stay behind me," aniya. Pinalikod niya ako at nanatili sa unahan as if shielding me. I rolled my eyes.

"Kaya ko na ang sarili ko! Bitawan mo nga ako!" Hinihila ko pabalik ang braso ko pero hindi niya ito bitawan.

Pareho kaming natigilan nang dumating na si kuya Dodong. Nakaramdam ako uli ng kaba.

"Hoy, Kristeena!" tawag niya sa akin. "Halika rito!" Pa zigzag siyang naglakad papalapit.

Muli kong hinila ang braso ko para makatakbo palayo pero hindi talaga ako bitawan ni Harris. Argh!

Nang hahablutin na ako ni kuya Dodong ay hinarang ni Harris ang katawan niya. "Sino ka?" inangat niya ang mapungay niyang tingin dito.

"Stay away from her," he said. It was a warning. A deadly warning coming from him.

"Ano kamo?" tanong nito.

"Sabi ko 'wag kang lalapit sa kan'ya," he simply replied.

Natawa si kuya. "Hoy, bata, 'wag ka ngang nagtatapang tapangan dito! Hindi mo ba ako nakikilala? Lugar ko 'to! At bisita ka lang! Kaya wag kang magmayabang!" Nag amba siya ng suntok pero mabilis na naka iwas si Harris kaya't napa dapa si kuya sa lupa.

Binitawan na niya ang braso ko pero nanatili sa harapan ko. Muling tumayo si kuya at sinugod si Harris gamit 'yung dala niyang kutsilyo pero mabilis nitong nahawi ang kutsilyo palayo sa katawan niya. "Enough!" ani Harris.

Pero hindi nakinig si kuya at muling nagsubok. Umilag siya at hinawakan ang palapulsuhan ni kuya. Hinigpitan niya ito kaya nabitawan ni kuya Dodong ang hawak na patalim. "Bitawan mo nga akong gago ka! Papatayin kita!" banta niya.

He then smashed his head in kuya Dodong's face which left him unconscious on the cold road.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong naglalakad siya palayo. "Hoy, saan ka pupunta?! Hindi mo siya pwedeng iwan ng gan'to!"

He stopped. "I know." Lumayo lang pala siya para magtawag ng pulis at ambulansya. Naglakad na rin siya pabalik nang matapos. "They're on their way."

Tinignan kong muli ang katawan ni kuya Dodong. "He won't be awake for a couple of days," aniya.

I heaved a sigh. Saka lang ako nakaramdan ng pagod at gutom. Napa upo ako sa tabi ng kalsada. That was close. Kung hindi ako nakatakas kay kuya Dodong, marahil ay kung ano na ang nangyari sa aking masama.

"A thank you will suffice." Inangat ko ang tingin sa kaniya.

"A 'thank you'? Ako? Magpapasalamat sa'yo?" Tumayo ako. "Sabi ko naman sa'yo, 'di ba. I can take care of myself. Kahit hindi mo 'ko tulungan, makakaya ko pa ring makatakas mula sa kan'ya!"

He gave me a cold look. "If I weren't there to help you then you would've been dead by now." Nagkatitigan kami at walang planong magpatalo ang bawat isa nang bigla siyang napayuko at napahawak sa tagiliran niya. "Fuck," he cursed. Sa suot nitong dark blue na tshirt ay kita ko ang dugong unti-unting bumabakat.

"May sugat ka?" tanong ko. Agad akong lumapit sa kaniya. "Ba't hindi ka nagsabi?!"

Nilabas ko ang panyo ko at itatapal sana sa sugat niya pero iniwas niya ito. "I can take care of myself," he said, copying me. Naglabas siya ng sarili niyang panyo at nilagay dito.

Magpa panic na sana ako pero ilang saglit lang ay dumating na rin ang ambulansya at mga police cars.

Faking DelaysWhere stories live. Discover now