19. Need You?

16 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

HUMIKAB AKO paglabas ko ng ospital. I'm really sleepy. Wala na akong matinong tulog this past few days, and I think that I'll be getting more sleepless nights, especially now.

Nilabas ko ang susi ng motor ko at pumunta sa parking lot. Siguro mag a ala-una na. Wala na masyadong kotse sa parking lot. At wala na ring tao.

Shit. Anong oras na kaya 'to? Napailing ako. Puyat na naman pre!

Paangkas na ako sa motor ko nang may humablot sa akin mula sa likod. "Hmm!" I shouted. I struggled to break free pero tinakpan ng kung sino man ang bibig ko ng isang panyong may nakakahilong amoy.

---

Alam mo 'yung feeling na parang ang dami mo pang hindi nagawa sa buhay mo? 'Yung alam mong may kulang pa rin kahit na marami ka nang naranasan sa buhay? Kasi 'yun 'yung nararamdaman ko ngayon.

It was the end, I was sure that time. But in the darkness, I saw the light. Kukunin na ba ako ni Lord? I thought. It's blinding, but it felt safe. I'm safe.

"Hey," a voice called me. An angel? "Are you awake now?"

I tried to speak, but I can't. Nanunuyo ang lalamunan ko. "It's okay. You're safe," he assured.

"T-Tubig," was the first thing that came out of my mouth. I was thirsty as hell!

"Oh, of course!" Narinig ko siyang umalis at makalipas ang ilang minuto ay bumalik na rin siya. Naramdaman kong hinawakan niya ang batok at likuran ko para maka upo ako. "Here. Drink."

Kahit nakapikit ay kinapa ko ang bukana ng baso at uminom. At para akong batang uhaw na uhaw sa gatas ng isang ina.

The angel stayed silent beside me.

"Are you okay now?" Tumango ako sa tanong niya at humawak sa sentido. "Can you open your eyes?" anito.

Minasahe ko ang aking mga mata. Ang sakit ng mata ko! Matapos ng ilang hilot ay nabuksan ko na rin ito.

Hindi ko pa gaanong maaninag lahat peto unti-unti ko rin itong nakikita paglipas ng sandali. Laptop? May laptop sa langit?

Nilibot ko ang tingin ko at nakitang wala ako sa mga ulap. Kundi sa isang modernong kwarto na pamilyar ang amoy. Oh no!

I looked at the guy beside me. He was looking at me weirdly. "Are you fully awake now?"

Damn. "Ikaw na naman," I muttered. I closed my eyes again, hoping that once I open them he'll disappear.

"That won't work, love." He laughed and stood up. "Get up. You got a lot of work to do."

Minulat ko na ng buo ang aking mga mata. Ano bang nangyari kagabi at napunta na naman ako sa kwarto ng lalakeng 'to? I wondered. I remembered going out the hospital and passing out... pero anong nangyari?

"Someone tried to rape you." Napalingon ako sa kan'ya. "Buti na lang at may nakakita sa inyo bago ka pa nagalaw."

"And that wasn't you?" I asked.

Kung ano ang suot ko kagabi ay ganun pa rin ang suot ko ngayon. Pero itong asungot na 'to, walang suot na pang-itaas. So who knows right!

Niyakap ko ng mahigpit ang kumot na naka balot sa katawan ko.

Tumawa siya. Shit. 'Yan na naman ang sexy laugh na 'yan. "Kahit maghubad ka sa harap ko, hindi kita papatulan," anito. Nakakainis! Gwapo na sana amputek.

Pumasok siya sa isang walk-in closet at kumuha ng white t-shirt.

"At ang kapal mo naman ha! Sino namang nagsabi na gusto kong maghuhubad ako sa harapan mo!"

I saw him smirked. "You did," he whispered.

Sasabat sana ako nang umunat siya sa harapan ko. Napa iwas ako ng tingin. Tanggala naman oh! Alam kong maganda ang katawan mo, pero 'di mo na kailangan ipangalandakan! Bushet!

Tumalikod siya at sinuot ang kaniyang t-shirt. Nakita ko na naman 'yung tatoo sa bandang tagiliran niya. It seems like a foreign word.

"Wag ka nang tumanga d'yan, and start doing your job." Humarap siya. Wala akong kibo. Anong sinasabi ng gago na 'to? "Hey. Are you sure you're awake now?"

Nagtaka ako. "What job?"

Naglabas siya ng isang black and white outfit mula sa drawer at nilagay sa lamesa. "Housekeeper. Starting now, you'll work for me."

Wow ha. Iba talaga ang kapal ng lalake na 'to. "Housekeeper ka d'yan. Sinong nagsabing magta trabaho ako para sa'yo? Ha? Utot mo! Bahala ka sa buhay mo!" Tumayo ako. I don't care if I look like shit. "Where's my key?" tanong ko.

Umiling siya. "No. You're not going anywhere."

"And who are you stop me?" I crossed my arms. "I'll go wherever I fucking want."

"And I said no." Ayan na naman ang tono ng boses niya. Kala mo talaga boss! "I said no and that's it."

I pointed a finger at him. "Listen here, you. Kung mataas ang tingin mo sa sarili mo't kaya mong pasunurin lahat ng tao sa paligid mo, pwes nagkakamali ka." Nagpamulsa ako. "I don't care how desperate you are, but I'm not going to do anything that includes you."

He snickered. "You think it's me who needs you? You seriously think that I need you?" Tumawa siya ng tuluyan. "Woman, it's the other way around! I know that you're in a crisis with your friends and family right now. And don't lie because I saw you at the rooftop last night. Troubled and confused."

Hindi ko pinansin lahat ng sinabi niya. I headed to the door. "Uuwi na'ko. Where's my key?"

"Uuwi? Saan?" Rinig ko ang paglapit niya. "Hindi ba't pinapaalis na rin kayo sa bahay niyo? And you're not in good terms with your daddy so you can't go home."

Mabilis akong napalingon sa kan'ya. "How did—"

He smirked. That fucking irritating smirk. "I know a lot of things about you, Kristeena Abegaile... About how you ran away when you were 16, how your father left you and how your grandfather—"

"TAMA NA!" sigaw ko. I clenched my teeth. He knows everything. "Hindi ko alam kung ilang P.I. ang hi-nire mo para pag aralan ang buhay ko, pero sinasabi ko sa'yo na wala sa kalingkingan ng mga kwento ng mga P.I. mo ang pinagdaanan ko." Nag-iinit na ang mga gilid ng mata ko, but I kept it all in. "Wala akong ginusto sa mga nangyari at wala kang alam sa nangyari. So keep the fuck out of my life, naiintindihan mo?"

At lumabas na talaga ako ng tuluyan. Maiwan na kung maiwan ang susi ko. Bahala na siya d'yan. Basta ako, uuwi na.

Faking DelaysWhere stories live. Discover now