4. Uh-oh

18 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

KASALUKUYAN AKONG naka sakay sa taxi. At maging si kuyang driver kung makatingin sa akin ay para bang may sakay siyang adik.
 
"Ayos ka lang ba, hija? Ayaw mo bang magpadala sa ospital?" tanong nito.

Napasimangot ako. "Grabe naman to," bulong ko. "Ikaw ipadala ko sa ospital eh, makita ko ba."

"Ano kamo?"

"Ah wala po. Hehe. Nagtatanong lang po sana ako kung anong oras na," pagdadahilan ko. Tch.

"Ah. Alas syete na, hija." 7 pa lang. Masyado pang maaga. Siguro ay tulog pa sila. 10 or 9 nagigising ang mga bruha na 'yun eh.

Buti na lang at hindi masyadong malayo ang tinitirhan ko mula sa condo kung saan ako nanggaling. Naging mabilis lang ang byahe.

"Kuya, magkano ho?" tanong ko. Tinignan ko ang metro. 50 ang nakalagay dito.

"Singkwenta, ga." Inabot ko ang bayad. Phew! Sakto lang ang pera ko. "Salamat," anito at umalis na.

I heaved a sigh. Tinignan ko muna ang taxi hangga't sa maka layo ito bago ko binuksan ang gate ng bahay. Tahimik akong tumungo sa pinto, maingat na hindi makagawa ng anumang ingay. Dahan-dahan ko itong binuksan at tinignan kung may tao ba o wala.
 
Wala. Good.

Okay, ito ang plano. Aakyat ako, pupunta sa kwarto, magbibihis at magkukunwaring tulog. Para pag tinanong nila ako kung saan ako galing, sasabihin kong kagabi pa ako nandoon. TAMA! GANUN NGA! "Shet, talino mo talaga, Kris!" pag puri ko sa sarili.
 
Binuksan ko ang pinto at tinignan ang paligid. Naka patay pa rin ang ilaw. So it means that the bitches are still asleep. Yes!

Dahan-dahang akong naglakad paakyat sa hagdan, papunta sa kwarto ko.
 
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay...
 
"AHHH!!" Nagulat at napatalon ako nang may sumigaw nang malakas sa likuran ko. "MAY MAGNANAKAAW!! SANDDDY!" Si Fella lang pala. Hinarap ko siya.

"Huy, tumahimik ka nga, kay aga-aga ang laki na ng bunganga mo," pabulong kong saway. Mahuli na ako ni Fella 'wag lang ni Sandy. Tch.

"SANDDDDY! KINAKAUSAP NA 'KO NUNG MAGNANAKAAAW, BILISAAAAN MOOO!" tili nito. Napailing ako at magpapatuloy na sana sa paglalakad nang...

"Well, well, well. Andito na pala siya." Si Sandy, ito, naka tayo sa taas ng hagdan at nakatingin sa akin. "Hi, Kris." Great.

Napalunok ako ng laway. "Hi, Sandy!" naka ngiti kong bati. "Uh, naka luto ka na? Kumain na ba kayo? Teka, magluluto lang ako..." Bababa sana ako ng hagdan pero mabilis na bumaba si Sandy at hinawakan ang aking braso.

"Not so fast, young lady. You are not going anywhere until you tell us where you've been. And why the hell are you wearing a man's clothes?"

Bumaba kami at naglakad papunta sa sala. "Teka, you know her, Sandy?"

"Dumdum, it's Kris. The one and only her." Inalis niya ang suot kong shades. "See?"

"KRIS!!" gulat niyang sigaw. "Magnanakaw ka na ngayon?"

"Tanga!" marahan ko siyang binatukan. "Hindi nga ako magnanakaw!"

"Eh ba't kung maka dahan-dahan ka kanina parang may masama kang balak?" Umiling na lang ako sa kan'ya.

"Talk, Kris, now." Pinatayo niya ako sa gitna ng sala bago sila umupo ni Fella sa sofa na katapat ko.

"Tulog na muna kayo uli. Aga-aga pa oh. Mamaya na natin to pag-usapan, pwede?" pakiusap ko.

"No." Hayst. Pag si Sandy talaga, kung hindi, hindi. Kung oo, oo.

"Baka pwedeng paliguin niyo muna ako?" Medyo amoy alak pa rin kasi ako. Baho ko! Shit.

"Hindi ka makakaligo hangga't di ka nagpapaliwag. San ka galing pagtapos natin pumunta sa Clubx? Bigla ka na lang nawala! At ba't ganyan ang damit at amoy mo? Wag mo sabihing..." Hindi niya tinuloy ang sasabihin at tinignan ako ng may pagdududa.

I rolled my eyes. "Oh, bago ka magsalita at mag assume ng kung ano man---"

"Malaki ba, Kris?" singit ni Fella. "Anong size? 6,7?"

"Baka nga 10 eh," sagot naman ni Sandy nang may ngisi.

Namula ako bigla. "A-Ano bang pinagsasasabi niyo?" My god, the perverted minds of these two...

"Mukhang daks ata, Sandy. Namumutla siya eh," ani Fella na sinamaan ko ng tingin.

"Hoy, hindi ako namumutla noh!" depensa ko. "Ganto lang talaga ang kulay ko!"

"Oo nga eh. Medyo halatado. 10 siguro." Tumatango-tango pa si Sandy. Magsasalita pa sana ako nang tumayo si Sandy at inakbayan ako. "Alam mo, Kris, tanggap naman namin eh. Ayos lang. 20 ka na rin naman at legal ka na para makipag sex."

Tinulak ko siya ng bahagya. "Parang tanga to! Hindi nga ako sabi nakipag sex eh! Virgin pa ako!"

Okay, so habang nasa taxi ako, napag isip-isip ko na, kapag first time mo daw, magiging masakit ang pempem mo.

Pero hindi naman masakit 'yung akin, at isa pa, naka bra at panty pa naman ako pagkagising ko kanina. So I arrived to the conclusion that we didn't do anything last night!!

Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o ewan.

"Teka, you didn't had a one night stand?" tanong ni Fella. "Hala! Ibig sabihin kailangan kita bayaran ng 10 thou?!"

"Duh, obviously." 10 kyaw each. HAHAHA. Insta pera!

"So ano pa lang ginawa mo kagabi?" tanong naman ni Sandy. "Don't tell me you just played bahay-bahayan all night with god-knows-who."

"Bakit ba pinoproblema niyo kung anong ginawa ko kagabi? Magbayad na kayo! Iniba niyo na ang usapan eh!"

Faking DelaysWhere stories live. Discover now