14. Hospital

15 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

"SIR! Ba't niyo naman po ako sisisantehin? Hindi naman po ako tamaran ah! Maayos naman po ako mag trabaho at masarap naman po ako mag luto! Kung tutuusin nga'y, mas tamad pa si Francis sa akin e!"

"Hoy!" react ni Frans sa sinabi ko. " 'Di ako tamaran no!"

Hindi ito pinansin ni Sir. "No, Kristeena, you're misinterpreting things. I'm not firing you because I want to. It's because I need to."

Inantay ko siya na mas mag paliwanag pa. "Joys in Burger is... slowly sinking. Dumarami na ang mga malalaking fastfood chain na pinapatayo dito sa bayan. Kinukuha nun ang mga costumer natin. Kinukulang na nga ako sa budget para sa inyo at para sa mga kailangan dito."

He sighed. "Sa totoo lang, gusto sana kitang panatilihin. Pero sa skills kasi na meron ka, alam kong mas mataas pa ang mararating mo. Don't settle for less."

"Pero Sir... ayaw ko po umalis. Dalawang taon na rin po ako dito at marami na rin po tayong napag daanan. Okay lang naman po kahit bawasan n'yo ang sweldo ko e. Kung 'di na talaga kaya ng budget."

Umiling siya. "No. Like I said earlier, hindi mo deserve ang mababang sweldo, hija. Magaling ka. Maghanap ka na lang ng ibang pwedeng pagtrabahuhan, Kristeena. Mas mainam na 'yun ang gawin mo."

"Sir naman e!" maktol ko. "Mahihirapan po akong mag adjust niyan. Para ko na rin kayong pamily dito e."

"Kris, okay lang." Napa lingon ako kay Shaina. "Alam naman naming magsasara na 'tong Joys In Burger e. Pinapauna ka lang ni Sir Drake para makahanap ka ng ibang pagtatrabahuhan ng mas maaga."

"Oo nga! Arte nitong bakla na 'to. Lumayas ka na nga, dami mong drama!" saad naman ni Justin. Ang bakla na palagi kong kachikahan dito.

"Here." May inabot si Sir Drake na sobre. "Sahod mo. Dinagdagan ko na rin 'yan para sa lola mo. Alam ko naman na kailangan mo ng pera."

Napa ngiti ako. Tinanggap ko 'to. "The best talaga kayo, Sir."

---

Umuwi ako na walang dalang pasalubong. Wala e. Last sweldo ko na 'yun. Igugugol ko na lang para sa medikasyon ng lola ko.

"I'm home," walang gana kong sabi. "Guys?" tanong ko nang walang sumalubong sa akin.

Naka patay din ang mga ilaw. Hala, anong meron? Pumunta ako sa kusina at inangat ang takip na naka patong sa lamesa. Wala pa silang nilutong ulam, ibig sabihin, hindi pa sila nakaka uwi. 'Saan na naman kaya nag lande ang mga bruha na 'yun?'

Nilabas ko 'yung phone ko, pero wala ring text. Maski tawag, wala. 'Shit, na hold-up na kaya sila?!' Umiling ako. 'Kris, wag praning.'

Naisipan kong mangutang ng load sa globe para matawagan si Sandy. Minsan lang kasi ako mag pa load.

Dialing...

Tagal naman bes. Kagigil. Pinatay ko ito at dinial uli. Matapos ang ilang saglit, wala pa ring sumasagot.

Naisipan kong tawagan na lang si Fella. Siguro naman sasagot 'yun. Habang nag da dial ay naisipan kong buksan ang mga ilaw. Dilim e! Mukha na akong tanga kakakapa.

[ K-Kris? ] Ay, sinagot na pala ni Fella. Sa wakas!

"Hoy, bruha ka, saan ka ngayon?! Ba't di pa kayo umuuwi?!" Tinignan ko ang orasan at nakitang mag a alas diez na ng gabi.

[ Kris! ] iyak niya. 'Lah? Anyare dito?' [ Kristeena Abegaile! ] Umiyak na talaga siya ng tuluyan. Bigla akong kinabahan. 'Ano bang meron? Ako na lang ba ang huli sa balita?'

"What is it? Ba't ka umiiyak?" agad na nag seryoso ang tono ko. "Nasaan ka ba, ha?"

[ I-I'm at the... the h-hospital right now, ] anito.

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha?! Anong ginagawa mo d'yang gaga ka?! Napano ka?"

She sniffed. [ No, no! I-It's not me... ]

"Eh ba't ka nandyan? Ano ba talagang nangyari?" tanong ko dito. Sandali siyang natahimik. Sa kabilang linya ay narinig kong nagsisimula na naman siyang umiyak. 'Shit talaga.'

[ It's Tito Arnel. Kris... I-Inatake siya sa puso! And he's being revived right now! ] aniya. Tito Arnel is Sandy's father.

Pagka rinig ko nito at mabilis kong kinuha ang helmet at susi ng motor ko. "Papunta na. Saang hospital?"

Faking DelaysWhere stories live. Discover now