Kristeena Abegaile
NAKATULOG AKO ng mahimbing that night. Isa ito sa mga tulog na hinding hindi ko malilimutan. Nang imulat ko ang mga mata ko ay umaga na. Maaga pa ata 'to. Medyo makulimlim eh.
Tumayo ako't nag hilamos. Nagsipilyo saglit at nag suklay.
Nagsuot ako ng jogging pants at tshirt. As always. Kinapa ko ang aking leeg. Di na mainit.
Time to start the day.
---
Paglabas ko ay tahimik. Lagi naman. Pinusod ko ang buhok at pumunta sa kusina para magsaing at magluto.
Pero nagulat ako nang makita si Harris sa kusina at ang dalawang ungas na naglilinis. Teka, kala ko may pasok to?
"After that, cut the grass. I want it exactly 5 inches tall."
"P-Pano po 'yun, boss?" tanong ni Loui na pawis na pawis na kakapunas ng sahig.
"Use the damn ruler, I don't care! Just get it done, understood, Anjelou?"
Tumango-tango ito. "Yes, boss!"
"S-Sir, m-malinis na po y-yung dingding," ani Gerard na kanina pa nag pupunas ng dingding na malinis naman na.
"I can see still see a fucking stain from here, Gerard!"
"O-Opo, s-sorry po." At agad na kinuskos ni Ger 'yung dingding. As fast he can. What the hell is going on??
"We were supposed to look out for her, tapos malalaman ko pinaligo niyo siya sa ulan kaya nagkasakit?! We were supposed to keep her safe!" Anong ibig sabihin nun. Napaisip ako bigla sa sinabi niya.
"Sorry boss!/S-Sorry po, S-Sir," sabay nilang sagot.
"Uh, good morning?" Nagulat sila at tumigil. "Anong nangyayari dito?"
"Kristeena!" gulat na sabi ni Harris nang makita ako.
"K! Goodmorning!" bati ni Loui at ngumiti.
Harris gave him a side glance. "Shut your fucking mouth, Anjelou," he growled. Loui instantly shut his mouth.
Lumapit ako. Si Gerard saglit lang tumingin sa akin at naglinis na. "Kala ko may pasok ka, sir?"
"I took a day off," aniya.
I crossed my arms. "At bakit?"
He looked down on me. "To take care of you." Inangat niya ang kamay niya leeg ko pero iniwas ko ito agad.
"Wala na akong sakit, okay. Hindi mo na po ako kailangan alagaan. Kaya ko na magtrabaho, so pwede ka na pumasok."
Akmang kukuha ako ng walis nang pigilan niya ako. "You are not working today. Baka mabinat ka."
"Am I a freaking baby to you?" tanong ko. Sanay na akong mag asikaso ng sarili ko pag may sakit ako noh!
"Yes," he muttered without a hint of humor. Natameme ako. W-What's with that answer?! Argh! Napailing naman siya bigla at agad tumalikod. "I said you won't work today, so that's what you're going to do."
"Si Oscar, nasaan?" Tinuro niya ang bubong.
"He's cleaning the roof."
Nanlaki ang mata ko. "What? Why?! Ang taas-taas nitong bahay mo! Baka malaglag 'yun!"
"He's trained for that, okay. Don't worry about him. Sit down, I'll get you some soup."
Pinaupo niya ako kaya't umupo ako. "Si kuya Dev?"
"At the market. May binili," anito habang kumukuha ng soup at nilalagay ito sa mangkok.
"Eh yung Ross?" tanong ko pa.
He growled nung nagtanong pa ako. "Could you please stop looking for someone who is not fucking here, Kristeena?" he said in a low tone at marahang ibinaba ang mangkok sa harap ko. He leaned forward hanggang sa magkalebel na lang kami ng tingin. "Ako ang nandito so stop looking for someone else, understood?" His blue eyes stared. Drilling into my soul.
I gulped. "O-Okay," sagot ko na lang. What the hell is happening to me!!
---
Ewan ko pero para akong princesa sa loob ng bahay ni Harris ngayon. No jobs to do, nor things to take care of. Talagang upo lang maghapon.
Hindi ako sanay!
Matapos manuod ng TV ay tumayo ako para sana kumuha ng maiinom.
"Oy, teka lang, ma'am, san ka po pupunta?" tanong ni Oscar na kakababa lang mula sa bubong.
"Uh, sa kusina? Nauuhaw na ako e kukuha lang sana ako ng tubig. And wait... kailan mo pa ako tinawag na ma'am? Di mo naman ako mina ma'am noon ah!"
Pinigilan niya akong umalis. "Maupo ka na lang po dito at ako na ang kukuha."
"Hoy, Oscar!" tawag ko dito pero umalis na siya.
"Hayaan niyo na lang siya, ma'am. Ginagawa niya lang 'yung trabaho niya," ani Loui. Tngna isa pa to.
"Pwede ba, tigil tigilan niyo na nga ang kaka tawag sa akin ng ma'am. Makakatikim na talaga kayo sa'kin!"
Bumuntong hininga si Ger na nakatayo sa tabi ni Loui. "Iyon po kasi ang utos ni sir. Tsaka di na po dapat kami lalapit sa inyo maski isang dangkal maliban na lang kung kinakailangan."
"Pota, nagkasakit lang ako ng isang gabi ah..."
"Kami po kasi ang may kasalanan kung bakit kayo nagkasakit. Kung hindi ka namin pinaligo ng ulan nun, hindi sana mangyayari 'to," saad naman ni Loui.
"Grabe namang parusa niya sa inyo! Saan na ba yung mokong na 'yun?"
"Lumabas po, may binili. Ito na ang tubig niyo, ma'am."
Kinuha ko ito. Nang maubos ay pinatong ko 'yun sa lamesa.
"Hoy, magsitigil nga kayo sa ganyang asta niyo sa akin. Para namang hindi tayo mga trabahador dito! Hayaan niyo, kakausapin ko yung ugok na 'yun. Ginusto ko rin naman maligo nun eh. Isang ma'am pa sa akin, nako talaga."
"Eh ma'am—"
"Tngna yan, Loui. Hindi mo ba ako narinig?"
"K, si sir na ang nagsabi. At hindi namin siya pwedeng balewalain. Siya ang nagpapasweldo sa amin."
"Ayaw namin mawalan ng trabaho," ani Oscar.
"Edi kapag andyan siya saka niyo lang siya sundin. At dahil tayo tayo lang ang nandito..." nakangiti kong kinuha ang flashdrive ni MJ na punong puno ng cartoons. "Anong gusto niyong panoorin?"
YOU ARE READING
Faking Delays
Romance"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...