Kristeena Abegaile
"REMIND ME why I'm here again?" tanong ko sa kan'ya matapos ang ilang minutong katahimikan sa loob ng kotse niya.
"You're here because you agreed to work for me," anito. Ay, oo nga pala noh.
Pinindot ko ang radyo at pumili ng istasyon. "Ano ba 'yan. Ang tahimik masyado, sakit sa tenga!" Tinigil ko 'yun sa music.
Pinatay niya ito. "Hey!" saway ko.
Nanatili siyang nakatingin sa kalsada. "No music. Mas okay nang tahimik."
"Ngeee, korni mo!" Pinindot ko 'yun uli. Pero pinatay niya na naman. "Bushet, ba't ba ayaw mo sa music? Allergy ka, ha?"
Sandali siyang tumingin sa gawi ko bago bumuntong-hininga at tumingin muli sa daan. "My ex loves singing."
Haynako. Nabi bitter lang pala ang gago. Hindi ko na lang siya pinilit at napatingin na lang ako sa labas ng bintana. "Mahaba pa ba ang byahe? Mga ilang oras ka magda drive?"
"You think we'll go there by land?" bigla niyang saad.
"What do you mean?" Napatingin ako sa kan'ya.
He gave me a knowing smirk. "Just you wait."
Yung motor ko pala, sinangla ko muna sa kakilala ko. As much as I hate to do it, I did it. Wala na. Ang aking baby, kapalit ng 10k. Hayst.
Kung tutuusin nga lugi pa ko dun! Pero haynako talaga! Wala na rin naman akong magagawa. Kailangan ng mabilisang pera at 10K lang ang halaga na meron siya. Napasandal ako sa bintana. Itutulog ko na lang 'to.
'Pag sobrang sakit na, just close your eyes. And count to ten. After that, mawawala na ang sakit,' saad ni mommy sa akin.
'Really?'
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay kong nasugatan. 'Now, honey, count to ten. At pagmulat ng mata mo, hindi na 'yan masakit.'
Pumikit din naman ako. 'One... two... three..' up to ten. Pero pagmulat ko, hindi naman nawala 'yung sakit. Lumala lang. Wala e.
Namatay siya.
Iniwan niya ako.
"Kristeena!" Mabilis akong bumangon nang may narinig akong sumigaw. "Shit!" Sabay ng paghawak niya sa baba niya ay ang pag hawak ko sa noo ko.
"Aray! Ano ba 'yan!" ani ko. "Bat ba kasi ang lapit mo?!"
He glared at me. "I heard you muttering something, okay! Gigisingin lang sana kita."
Tinarayan ko siya. "Pwede naman kasi akong kalabitin, ano ba yan." I crossed my arms.
He tsked. "We're here." Saka ko lang napansin na tumigil na kami.
"Where?" tanong ko. He smirked and went out of the car.
Sumunod ako and stopped at the view I am seeing. "How in the world..."
He smirked. "Surprised much?"
"Rooftop? How... how did we get here?" Kita kong nasa rooftop kami ng isang mataas na building.
"Magic," he joked. I rolled my eyes. Saya ka? I wanted to ask him. "Let's go."
Bumaba ako patuloy na namamangha. This is some Fifty-Shades-of-Grey shit, okay. Minus the bed scenes. Let me be amaze for a sec.
"Harris, my man." Nakipag fist-bomb siya sa lalake na nagsalubong sa kan'ya. He looked like he's in his mid-thirties but he still looks cool with that black sun glass.
"Shan," Harris acknowledge. "How is she?"
Ngumiti ito at tinapik sa balikat si Harris. "She is good and ready to go." He then looked behind and saw me. "Oh, hello there!" Lumapit siya sa akin.
He introduced himself to me as Shan Xiao. Mula sa pagkakapamulsa ko ay nilabas ko ang isa kong palad at inabot ang nakalahad niyang kamay. "Kris," pakilala ko.
"What a beautiful name!" puri niya. He was planning to kiss the back of my hand. Mabuti na lamang ay binawi ko ito agad.
"So ano na? Sasakyan ba natin yan o tititigan lang?" Lumapit ako kay Harris.
Binuksan niya ang pinto ng chopper and gave me a small bow. "Ladies first."
"I am not a lady," I corrected.
He blew a breathe. "Just go in, will you."
I laughed. "Ito na." And I climb the stairs of this beauty. Kahit hindi ako tinulungan nung ugok na 'yun dahil tingin ko ay wala sa vocabulary niya ang salitang "gentleman", nakaya ko naman umakyat mag-isa.
Matapos ko ay agad din siyang sumunod. "Shan!" Agad na lumapit ang lalake at sinalo ang susi na binato sa kaniya ni Harris. "Just take that car and give it to Dan. Tell him I'll be gone for a few months."
"Copy, sir!" Sumaludo siya dito. "Have a safe trip!"
Tumango lang si Harris at lumingon sa akin. "Wear that---"
"That what?" Medyo nagulat siya nang makitang suot ko na ang headphone ko. "Alam ko kung ano yung sinusuot kapag sumasakay sa chopper, okay. 'Wag ka masyadong magulat."
"Have you ever ridden one before?" Naiiling niyang sabi at sinuot ang sariling headphone. Humarap na siya. He pushed some buttons and pulled some levers.
"No, I haven't. Napanood ko lang."
"Okay, then. Fix yourself back there. This is going to be an exciting experience." And I just felt the helicopter off the ground and up in the air.
And he's right. It was an exciting experience, indeed.
YOU ARE READING
Faking Delays
Romance"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...