30. Remember

9 0 0
                                    


Kristeena Abegaile

  

I WOKE up with that familiar light on my face. "Argh," I groaned. Anong oras na ba 'to?

Minulat ko ang isa kong mata. Ang silaw! Saglit akong umunat pero agad ding natigilan nang may maalala.

"Let me embrace you..."

Nanlaki ang mga mata ko. Napaupo ako at agad kong nilibot ang tingin sa buong silid. "Ba't ako nandito?" tanong ko sa sarili habang tinitignan ang kabuuan ng kwarto ko. Weird. Ang huling naalala ko ay nakatulog ako sa kwarto ni sir Harris and I...

I remember the hug as well. I sighed. Pero paano ako napunta dito? Ibig sabihin ba nito, panaginip lang ang lahat?

"Or maybe he carried you while you're asleep!" saad ng isang boses sa aking isipan. Ha! Impossible! "Impossible? Or just unbelievable?"

"Argh!" Taenang isip yan. "Tama na yan, Kris..." Hindi na ako nagtagal sa pagmumuni-muni ko at agad nang naghanda.

Whatever the truth is, I'm willing to find out very soon.

---

"You're late," bungad niya sa akin pagbukas ko ng pinto.

Napahawak ako sa doorframe. "Hoo! Ba't nanggugulat ka ba?!" This was the guy who hugged me like a child last night. Who pleaded for me to not leave him alone. But this one standing in front of me, is not that guy.

He has his arms crossed. Eyes cold while they stare at me. "I said you're late. You're supposed to wake up early, am I right?" Napa awang ang bibig ko sa sinabi niya. Wala man lang utang na loob ang mokong na 'to! Siya kaya 'tong dahilan kung bakit ako puyat! Really unbelievable!

Napataray ako. "Sorry ah! Napuyat kasi ata ako kaka antay sayo!" I also crossed my arms.

"At sino ba ang nagsabing antayin mo ako?" tanong niya. "I specifically told you that I will be coming home late," anito sa akin.

Hindi ko pinansin ang kaniyang katanungan. "And if I remember correctly, you came home drunk. Right, sir?

"I didn't," he lied while looking directly into my eyes. Now that's a skill. "Madaling araw na akong umuwi and you were already sleeping."

"Sleeping? Hoy! For your information, hindi ako ulyanin, okay! I know what I saw. Lasing ka, 'di ba? At tinulungan kitang maka akyat sa kwarto mo. And you even asked me to—!"

"Kristeena, that's enough," putol niya hsa sasabihin ko. "Nananaginip ka pa ba? Because if you are, then you need to wake up. Marami ka pang dapat gawin." At umalis na siya.

Napatitig na lang ako sa kawalan. "He doesn't remember?" Or he chose not to?

---

Katulad ng dating gawi, nagpatuloy ako sa pag lilinis. Linis dito, linis doon kahit malinis na rin naman ang paligid.

Lumipas na rin ang ilang araw matapos ang insidenteng iyon at ngayon, maging ang sarili ko, ay kinikwestyon ko na. Totoo ba talagang nangyari yun? O gaya ng sinabi niya, panaginip lang ang lahat?

Di na namin napag usapan ang tungkol sa gabing 'yun. At hindi ko na rin siya inaantay. Ah, bahala siya dyan.

Kasalukuyan akong nag wawalis sa sahig ng may nag doorbell. Si sir Harris naman, ayun nasa taas.

"Sandali!" ani ko. Saglit kong iniwan ang mga winawalis ko at binuksan ang pinto. Nakatalikod ang babae at tila may malalim na iniisip. "Ano po ang kailangan nila?" tanong ko.

"Oh, sorry!" Humarap siya. "I was just—"

Nanlaki ang mga mata ko at gaya ko ay gulat na gulat rin siya.

"Ate!/Mary Jane?" sabay naming sigaw.

What the fuck? The girl from Harris' condo! 'Yung babaeng palaging tumutulong sa akin maka alis doon. Why is she here?

And what's surprising is that she's wearing a dress. Not her uniform.

And she looks like an angel. A very beautiful one.

Lumapit siya at hinawakan ang aking balikat. "Ate Kristeena, hi!" masaya niyang saad. "What are you doing here?"

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko pabalik.

"May special announcement lang sa lalakeng nakatira sa bahay na 'to." Is something going on between the two of them? Napailing ako, mentally. Not your business, Kristeena. "But nevermind that, how about you? Tagal na nating hindi nagkita! And I missed you!"

I smiled when she hugged me. "Uhh... ano kasi..." Paano ko sasabihing kasambahay ako ng boss niya?!

"And why are you in a maid's dress?" Tinignan niya ang kabuuan ko. "Are you...?" Bigla niyang natakpan ang bibig at napahakbang pabalik. "Oh my gosh, don't tell me you're one of my brother's french whores!"

Umiling-iling ako. "No, no! You got it all wrong. Hindi ako whore ng... wait a minute. Sino yung brother mo?"

"Mary." Pareho kaming napalingon nang mag salita si Harris. "What are you doing here?"

"Excuse me po, ate." At dumaan siya sa tabi ko para makapasok. "Hi, boss. Namiss kita! Can't I miss my big boss?"

Sir Harris, in his suit, went down the staircase. "You are here for a reason, Mary. Don't play games with me," seryoso niyang sabi.

"Fine." She rolled her eyes. "Aside from the fact that I want to see Ross, I also wanted to talk to you about something..."

Hindi nagsalita si Harris. Maybe he's waiting for Mary Jane to continue what she's about to say.

I watch as those two perfect being stare at each other. "Ayaw ko na mag trabaho sa company mo. I quit, brother."

Nanlaki ang mata ko. Brother? She's sir Harris' sister?!

Faking DelaysWhere stories live. Discover now