Kristeena Abegaile
"THAT WOULD be your room," aniya habang nakaturo sa kwarto na pinanggalingan ko kanina. "For your whole stay here, you'll be sleeping in there."
"Teka, akala ko ba kwarto mo 'yun?" Nasa sala kami ngayon. Nakaupo kami ng magkaharapan sa mahaba niyang sofa habang pinaguusapan ang mga bagay-bagay.
"It is."
Inangat ko ang paa sa sofa dahil sa gusto kong maging komportable at kumuha ng unan at niyakap ito. Ang lambot kasi! "Eh saan ka na matutulog niyan? Don't tell me we'll share the same bed!" Jusko, ayoko!
Umiling s'ya at uminom ng kape. "No. We won't. You don't expect this big house to have just one room, do you?"
Oo nga naman. "Then where's your room? Para naman pag maglilinis ako, alam ko kung san pupunta."
"You don't need to know, because that is off-limits. You can clean everything here, but not my room. Do you understand?" I just nodded. Ano kayang tinatago ng mokong na 'to sa kwarto niya ah. "Kristeena, did you get it?"
"Oo, oo. Gets ko..." Tinignan niya ako ng maiigi kaya agad kong dinagdagan. "Sir." I rolled my eyes after that. Ang dami kasing knows!
"Good." Monday to Saturday, from 6:00 am to 10:00 pm ang trabaho ko. Sa Sunday ang rest day. "You can start now."
---
Pasipol-sipol ako habang nagwawalis sa sala kahit malinis. Ewan ba dito kay Harris! Pakuha-kuha pa ng maid, ang linis naman ng bahay!
'Baka naman gusto ka lang tulungan, Kris. Kailangan mo ng pera, 'di ba.' Sabi ng boses sa aking isipan. Kung ganun nga, ba't naman niya gagawin 'yun? Hayst. Bahala na. Basta ang mahalaga may sweldo ako at may maipapadala ako kila nanay.
Nakita ko bigla si Harris, galing sa second floor. Naka suit at may dalang suitcase. Binaba ko muna 'yung tambo at lumapit sa kaniya. "Oh, Sir! San ka pupunta?" Kailangan ko na daw masanay sa Sir dahil kapag nakaligtaan ko siyang tawagin ng ganun, mababawas 'yun sa sweldo ko.
"Work. Stay here and always keep the door locked. I'll be back late." May ibinato siyang susi na agad ko ring nasalo. "May mga pagkain sa fridge. Magluto ka na lang."
Inaayos niya ang tie habang nagmamadali sa paglalakad. Mabilis akong tumungo sa pinto para pagbuksan siya. "Ingat..! Sir!" dagdag ko agad.
Tumango lang siya at pinindot ang car remote niya. May tumunog. Sinilip ko ito at nakita kong may garage siya sa tabi ng kan'yang bahay. Malamang, mayaman eh. Matic may kotse.
Bumaba siya at tumungo dito. Binuksan ito ng isang guard. Matapos ang ilang saglit ay lumabas ang magara niyang kotse. Black Montero Sports, wow. Automatic na bumukas ang gate at nagsara. And he drifted off.
Pumasok na ako sa loob matapos nun.
"Now what to do?" ani ko sa sarili. Mukha namang malinis na ang paligid. Maglibot na lang siguro muna ako. Okay. Medyo saulado ko na rin 'yung dito sa first floor. Pero 'yung sa 2nd wala pa. Hmmm.Inalis ko ang apron at hair band ko na pang maid. Wala na rin naman siya e.
Taena, binigyan pa ako ng uniform ng gago na 'yun. At hulaan niyo kung ano... DRESS! A FUCKING BLACK AND WHITE DRESS! 'Yung pang maid! Argh!
'Oh, before you do, your uniform is in your room. Just wear it,' sabi niya at tumayo.
Ibinaba ko ang paa. 'Anong uniform? Hindi ba pwedeng nakapambahay lang?'
'Like I said earlier. You are a maid, not a visitor. Wear and make sure you I see you in your uniform during your work days.'
Saglit akong napaisip. 'Teka! That's not that usual french maid dresses, right? That flowy black dress, white apron, and that headband crap?'
'Wow. Nakita mo na pala 'yun? Okay, then. Wear it now.' Aalis na sana siya. Fuck!
Tumayo ako bigla. 'Hoy, saglit lang! I don't wear dresses, for your information. I won't wear it.'
Tumigil siya at humarap sa akin. 'And for your information, I am your boss and you're under my employ. So you do as I say, or you're fired. Simple.' At umexit na siya.
I gave him a middle-finger salute habang nakatalikod siya. 'Fuck you, Sir,' bulong ko na hopefully, hindi niya narinig.
Nagsimula akong umakyat sa taas. Slowly. At sa pag akyat ko, portrait niya ang nakita ko. Naka tux habang seryosong nakatingin sa camera. "Ikaw man ang boss, pero ako ang batas! You can tell me what to do, but you can't expect me to obey!" sa isip-isip ko habang nakatingin sa kaniya.
"Kapag wala ako dito, hindi ka pwedeng umakyat sa second floor. Naiintindihan mo?" anito kanina.
I smirked. HA! Wala akong pake sa'yo! Nagpatuloy ako sa paglalakad.
YOU ARE READING
Faking Delays
Romantizm"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...