Kristeena Abegaile
ITO NA nga. Nakatayo na ako sa tapat ng pinto ng venue. And I can feel my hands trembling. Pota! Ano ba?! 'Wag ka ngang kabahan!
Bigla kong naramdaman si Harris sa tabi ko na kinuha ang kamay ko and he intertwined it with his. Aba! Galawan din netong gago na 'to ah! Akmang aalisin ko 'to nang higpitan niya.
"Don't," anito. "Smile and stay in character. You're my date, Natalia. Act as if you enjoy my company," bulong niya ng pasimple.
I almost rolled my eyes. "Opo, sir," bulong ko pabalik at ngumiti. Bigla niya namang kinurot ang daliri ko. Taena talaga!
"This way, ma'am, sir," saad sa amin ng parang coodinator ata. Hindi na namin pinansin ang mga bulong ng at sigaw ng ilan sa mga tao sa paligid.
"Is she your new girlfriend, Sir?"
"Ang bilis naman maka move on ng isang Harris Everett."
"Kaninong pamilya naman galing ang babae na 'yan?"
"Ignore them," sabi ni Harris at tumango ako. Ano pa man. 'Yun lang naman ang pwede kong gawin.
"May I have your invitations, ma'am, sir?" May nilabas naman si Harris na dalawang envelope.
Tinignan ito ng guard at pinagbuksan na kami. "Enjoy your night!" anito at pumasok na kami. Isang red carpet naman ang bumungad sa amin. Eh? Ano na naman ito?
May naka ready na cameras at reporters sa harapan ng barricades. Argh! Picture na naman?
Hinila niya ako nang mapansing napako ako sa aking kinatatayuan. "Just smile and pose when you see me poses," aniya habang naglalakad kami. Syempre, confident din ako. Wala e, maganda ako ngayong gabi.
Eh ang gagang si MJ, pinasuot ako ng mataas na hills. Edi kamuntik akong matapilok! Buti na lang talaga at nasalo ako ni Harris. "Careful."
Tumigil kami at nakita ko siyang ngumiti sa camera. Hawak niya ang likod ko. I did the same.
Ilang tigil at smiles din ang ginawa ko bago kami naka alis sa letseng red carpet na 'yun. Hayop! Ganun pala maging celeb!
Another door na naman ang nasalubong namin. Aba, napakalawak naman ng magarang hotel na 'to! We opened that big oak door and finally, narating na namin ang main venue. Maraming mga taong naka suit at gown. Mukhang andito na nga kami.
"Everett! Glad you could make it!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. A tall dark man. Looks like an indian to me.
"Radham," bati niya pabalik. But he doesn't sound like he's happy to see this man. Lumapit siya dito. "Of course. I wouldn't miss this for the world."
Natawa ito. "Now this is exciting." Napatingin siya sa gawi ko. I looked down. Hehe usap lang kayo d'yan. 'Wag niyo na akong pansinin. Pero wala e. Kapansin-pansin talaga ako ngayong gabi. "Will you introduce me to your... friend?"
Tumingin ako kay Harris. He's not looking at me. Nanatili ang matalim niyang tingin dun sa lalake bago nag salita. "Natalia Amadon. And she's not my friend. She's my date for tonight." And I felt his hand touch my small back and slightly pulled me close.
Ngumiti ito at kinuha ang aking kamay sa kabila ng masamang tingin sa kan'ya ni Harris. Sino ba 'to? "I'm delighted to meet you, Ms. Amadon." And he gave me the look. Argh, cringe!
"Ah, likewise," sabi ko at agad na binawi ng palad ko mula sa kan'ya. "Harris, could we sit now? My feet are aching." It means 'nako talaga Harris kapag ako hindi mo pa nilayo sa taong ito malilintikan ka sa akin!'
Mukha namang naintindihan niya ito. He nodded. "Sure, love. See you around... Radham."
Tumango ito at umalis na kami. "Mukhang arabo man 'yung kaibigan mo? Pota, kaiba tumingin e!"
"He's not my friend," aniya. "Just a business associate."
"Whatever. Teka, saan ba tayo uupo? Ang sakit na talaga ng paa ko! Unti na lang aalisin ko na 'tong pesteng heels na 'to."
"Be patience, we are almost there."
Naglakad kami hangga't sa makarating kami sa isa pang panibagong table. Dim ang lights pero namukhaan ko ang isa sa kanila.
"MJ!" tawag ko.
"Ate Kri--- I mean, Natalia, hi! Buti naman at nakarating na rin kayo!" Tumayo siya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako. "Sit beside me."
"No. She sits beside me, Mary. No more questions."
Nagtaray 'yung kapatid niya sabay bulong ng, "Possessive much." Umalis na siya at bumalik sa kinakaupuan.
Umupo kami at sa tapat namin si MJ. "Ba't ayaw mo 'kong itabi kay MJ?" tanong ko. "Boring kang katabi."
"Are you her date? Hindi naman, 'di ba. So you stick with me." I rolled my eyes. Bibo talaga.
"So, paano kayo mag re raise ng fund sa event na 'to? Bidding?" hula ko. Tumango naman siya. "You bid on what?"
"Ladies." Ha?
"Ano kamo? Ladies? Babae?" Seryoso ba 'to?
Tumango siya. "Hindi ako mahilig mag joke, Natalia."
"H-How? Hindi ba 'yun against sa karapatan ng mga kababaihan? 'Yung pagpustahan siya sa harap ng maraming tao?"
He shrugged his shoulders. "It's for a good cause. At isa pa, wala namang mangyayaring masama e. You just stand there on the stage looking pretty, and men will come giving away their money."
"Okay, ladies and gentlemen, good evening! Please take your seat so we could now start," saad ng host. "We are gathered here tonight for a fund-raising event organized by Miss Ytac for the orphans of St. Pete Orphanage. And by winning a date with these following eligible bachelorettes, you could help those poor children. So, shall we start?" At nag ingay ang mga kalalakihan sa likod.
I sighed. Mga lalake talaga.
"Ate," tawag ni MJ sa akin. Tumingin ako sa kan'ya. "What if matawag ako? Supportahan mo rin ako?"
Natawa ako. "Kung may pera lang ako, ako pang bibili sa'yo." She smiled. "By the way, saan na 'yung date mo?"
"May inasikaso saglit. Pabalik na rin siguro 'yun."
"...by calling Miss Natalia Amadon to accompany me here in this stage. Miss Amadon? Where are you?"
Napalingon ako sa stage. Saktong may spotlight na natutok sa akin. "T-Teka, sino?" Pota ano nang nangyayari?
May biglang spotlight na sa dako ko. "There you are! Come here! And let the bidding begin!"
YOU ARE READING
Faking Delays
Roman d'amour"You broke and tore me apart. But I loved it." Kristeena Abegail T. Henderson, the First. Ang dakilang tibo ng taon. Ang pusong bato ng Manila. Ang tanyag na birador at tagapagtanggol ng naaapi. The oh-so-simple her. But after her friends set her up...